Chapter III

12 0 0
                                    

A week passed by...

Isang linggo na ang lumipas at unti-unti namang nagiging okay ang aking sarili. Naging masyado din kase akong busy sa school, kahit kauumpisa pa lang ng klase namin. Pangalawang linggo ko na ito ngayon at pag-uwi, balak ko ring dumiretso sa Hospital para makita na si Dale. Hindi ko pa din kase siya nabibisita, gustong-gusto ko na talaga siyang makita, at this time, sigurado na ako na handa na talaga ako. Handa na akong makita siya.

"Hello, Je?"
Bored ako sa School kase vacant namin kaya tinawagan ko tong best friend ko. Hindi naman ako nabigong maka-usap siya dahil agad niyang sinagot ang tawag ko.

"Hm?"
Maikli nitong tugon na siya namang ikinahaba ng aking nguso.

"Wala man lang Hi? Hello? Ha? Ho? Hmp." Kunwaring pagtatampo ko. Narinig ko ang kanyang pagtawa sa kabilang linya. Wala, simangot pa rin ako kahit tumawa pa siya diyan. Hmp, hindi man lang yata ako namiss.

"Why did you called?"
Tanong nito. I sighed. Wala man lang, "How are you?" Ays, ano pa nga bang aasahan ko sa babae na to? Tsk.

"I miss you." Mahinang sagot ko sa kanya. Isang katahimikan ang pumagitla sa aming dalawa, pero I can imagine her smile. Alam ko naman na sa simpleng salita na 'yon, kaya ko siyang mapangiti.

"Alright."
Napaismid ako sa tipid ng kanyang sagot.

"What?"
Inis kong tanong. Napahalakhak ito at dahil don, nairita ako lalo. Hmp!

"Relax, Rhein. I didn't expect that you will miss me, huh?"
I rolled my eyes.

"Ibababa ko na."
Seryoso kong sabi. Wala pa rin siyang tigil sa pagtawa.
"When are you going to stop on laughing, huh, Je?"

"Come on, don't be so serious." Aniya.
Napabuntong hininga na lamang ako at akmang i-eend na ang call nang may sabihin siya.

"I miss you more, Rhein."
Bulong nito.
Hindi ako nagsalita.
Muli kong nadinig ang kanyang pagtawa.

"Tampo ka agad nyan?"
Pang aalaska nito. Hindi ako sumagot.

"Eto naman oh, binibiro ka lang e. Syempre, miss na miss kita."
Kahit ayokong ngumiti ay awtomatikong gumalaw ang gilid ng aking labi.

"How are you?" Pangangamusta ko.
I heard her sighed.

"Sa ngayon, ayos pa naman, ewan ko lang mamaya, bukas, at sa makalawa. Haaay."
Bagot nitong sagot sa akin. Napatingala na lamang ako.

"Nahihirapan ka na sa studies mo?"
Kinuha ko ang Math notebook ko at sinimulan na sagutan ang assignment ko na hindi ko pala nagawa kanina.

"A Lil' bit yes, Rhein. Ikaw? How are you? Kamusta si Lola at Lolo?"
I smiled bitterly.

"Medyo okay okay na ako, and uhm, nahihirapan din ako sa school works, ang daming gawain. Haaay. Ah, sila Lola't Lolo, nasa Pampanga e. Doon muna daw sila at magtatrabaho para makapag-ipon ng pampa-aral sa akin."
Kahit ayoko silang paalisin ay nagpumilit pa rin sila. May magandang trabaho daw na ibinigay sa kanila doon sa Pampanga kaya't agad silang umalis. Naaawa na ako sa kanila at bilang ayoko namang maging pabigat sa kanila ay naghanap ako ng trabaho. Luckily, nakahanap ako malapit lang sa school na pinapasukan ko. Cashier ako sa isang convenient store. I don't have class every friday, saturday, and sunday kaya't may pagkakataon akong magtrabaho. Ayos na rin yun ng may pang gastos ako.

"Ha? Edi ikaw lang mag-isa sa bahay niyo?" Gulat na tanong ni Je sa kabilang linya.

"Hm. Ganon na nga."

"Nako, Rhein, ingat ka diyan ah. Don't worry, kapag nagkaroon ako ng free time, dalawin kita, ha?"
I smiled.

"Hm." Napatango na lamang ako.
"Ano? May bago ka na bang friends dyan?"
Tanong ko. I heard her hissed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon