Lola's Doll

109 3 0
                                    

Abala ang kaniyang mama sa pagluluto kaya wala siyang makalaro. Ayaw naman niyang sumali sa mga pinsan dahil siya ang pinagtritripan ng mga ito. Mag-isa na lamang niyang kinau-kausap ang kaniyang paboritong manyika. Bigay iyon ng kaniyang lola sa kaniya noong ika-limang kaarawan niya. Iyon na ata ang pinakamagandang regalo na natanggap niya mula dito.

            “Hi Nikki. Alam mo miss ko na si Lola. Kumusta na kaya siya sa heaven? Inaalagaan kaya siya ni Papa Jesus katulad ng pagkecare ko sa kaniya noon?” kausap niya sa manyika. Madalas niya iyon kausapin tuwing may problema siya o namimiss niya ang paboritong Lola.

            Bata pa lang siya ay lagi na siyang nasa kwarto ng Lola Corazon niya upang bantayan at makipagkwentuhan dito. Nakaratay na lang ang lola niya noon dahil nastroke ito at patay na ang kalahating katawan. Lagi niya itong inaalagaan at siya ang madalas magpakain dito. Aliw na aliw ito sa kaniya sa gulang niyang anim na taon. Kaya bilang ganti ay nagpapabili ito sa katulong ng maraming chocolates at laruan para sa kaniya.

            Pero one day hindi na kinaya ng lola ang sakit niya. Matanda na rin si Lola kaya sinabi ng mama niya na kailangan na daw siyang makasama ni Papa Jesus. Nung namatay ang lola ay mahigpit niya itong niyakap at ayaw pakawalan. Inilayo lang siya ng mga magulang dito dahil kailangan na itong ayusin para sa burol. Wala siyang tigil sa pag-iyak ng ililibing na ito. Sa isip niya ay wala na siyang kakampi. Iniwan na siya ng Lola.

            Bahagyang umihip ang hangin mula sa bintana nila at may pumasok na itim na paru-paro. Naaliw siya sa ganda nito kaya tumayo siya para habulin ito. Malapit na niya iyong maabot nang may humila sa kaniya.

            “Anak anu ba naman ginagawa mo? Busy kami sa paghahanda para sa babang luksa ng lola mo. Tapos kung anu anong ginagawa mo! Muntikan ka ng mahulog sa bintana oh!!” galit na sabi ng Mama niya. Hindi niya napansin iyon dahil abala siya sa paghabol sa paru-paro. Bakit parang pakiramdam niya may pwersang humihila sa kaniya para habulin ang paru-parong iyon? Dahil sa nangyari ay bantay sarado tuloy siya ng kaniyang kuyang masungit. Hindi na tuloy niya magawang kausapin ang manyika dahil paniguradong pagtatawanan siya nito.

            Mamaya ay nagpaalam ang kuya niya na magccr lang ito saglet. PInagbantaan siya nito na kapag tumakas ay isusumbong siya sa mama nila. Kaya nanahimik na lang siya kung saan siya naroon. “Ang sungit talaga ni kuya ano, Nikki?” kausap niya sa manyika. Mamaya lang ay parang nakita niyang kumurap ang manyika. Kinusot niya ang mga mata para siguruhing namalik-mata lang siya. Hindi naman pumipikit ang manyika niya kung hindi naman nakahiga. Nataranta siya nang biglang makitang may luha sa mata ng manyikang hawak niya. Naibato niya ito sa sahig at nag-iiyak sa takot.

            “Oy Loricel bakit?” sabi ng kuya niya na nag-alala sa kaniya. Itinuro niya ang manyika at hindi makapagsalita. Kinuha ng kuya niya ang manyika at akmang ibabalik ulit sa kaniya kaya napatakbo siya. “Hoy Loricel bumalik ka dito!”

            Nagtatakbo siya sa kwarto ng Lola niya at inilock ang pinto. Sigurado siya sa nakita at hindi lang namamalik-mata. Nagtakip siya ng tainga kahit wala namang ingay. Ganoon siya tuwing natatakot sa palabas sa TV o kaya ay tinatakot ng kuya at mga pinsan niyang salbahe. Paulit ulit na bumabalik sa isip niya ang mata ng manyika niyang si Nikki na umiiyak. Malungkot ang mga matang iyon na parang may ibig sabihin. Napatili siya nang biglang may kumalabog sa kama ng lola niya. Umuuga ito kahit wala namang tao na nagpapagalaw sa kama. Kinilabutan siya at gusto na sanang lumabas. Pero nang pihitin niya ang pinto ay ayaw mabuksan. Tuloy tuloy pa rin ang paggalaw ng kama, naiihi na siya sa takot at hindi na magkamayaw ang luha at sipon niya sa pagtulo. Takot na takot na siya at gusto na talagang makalabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lola's DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon