TGC#64

24.6K 446 6
                                    

#64

____________________

I love you.



 

"Ian sobrang dami kong tanong sayo. Diba kasal kayo ni Nadine? Ano nang nangyari kay Guia? Pano naging kayo at anong relasyon niyong dalawa? Sobrang daming tanong Ian. I dont know if i can do this."  He cupped my face with his both hands and kissed my forehead gently. 


Ito yung halik na sobrang nangulila ako. Halik na dapat sakin niya lang ginagawa. Nagflashback sa utak ko noong nakaraan na hinalikan niya din si Guia sa noo. Pakiramdam ko noon sinaksak ako ng milyung milyong beses sa dibdib sa sobrang sakit.


Hindi pwede na padalos dalos ako ayokong makasakit at ayoko na din masaktan. Kung maglalakas loob si Ian pwes maglalakas loob na din ako. Pero hindi pwedeng wala nalang kaming pakielam sa mga taong maaapakan namin. Ginawa na namin yon dati na wala kaming pakielam kung may masaktan pero anong nangyari samin? Naghiwalay kami diba?


Tsaka kahit papano masama padin ang loob ko kay Ian. He was with Guia for 3 freakin years! Nagpakasal pa siya kay Nadine for pete's sake! Samantalang ako lunod na lunod pa din sakaniya!


"Serah let me explain" Malambing at nagmamakaawa ang tono ng boses niya. Hindi ko kaya tumingin sa mga mata niya dahil nasasaktan ako.


"I was so broken noong iniwan mo ko. Iniwan mo ko noong gabing yon with a freakin note! Serah hinanap kita tapos nakita ko nasa bus station ka kasama ni Marc! isang bagay lang ang pumasok sa utak ko non Serah! i felt to betrayed! Hindi ko akalain na makikita ko kayong magkasama. Pero mahal kita kaya hindi ako nagpadala sa masamang iniisip ko. Sabi ko nalang youll explain everything at sasabihin sakin na mali ang iniisip ko. Pero Damn! You pushed me away! Sobrang sakit non Serah! I tried to forget about you and love someone else. Si Guia ang babaeng mahal na mahal ako. Naging duwag ako Serah!  Pilit kong minahal si Guia sa pagaakalang magiging maayos ang lahat. Hindi niya ko iiwan tulad ng ginawa mo kaya sakaniya ko binuhos ang lahat! Pero wala eh...Ikaw pa din ang hinahanap ng puso ko sa tagal ng panahon! This is what you did to me Serah! You left and you leave me with my heart. Nasayo ang puso ko kahit iniwan mo ko kaya kahit anong pilit ko ikaw pa din!" Umiyak na si Ian at hindi ko na din napigilan ang pag hagulgol ko.


Nasaktan ko ang taong mahal ko. I feel so stupid! Mas masakit makita ang taong mahal mo na nasasaktan lalo na ikaw ang dahilan. Look what i did to him. Sinira ko siya ng buong buo.


"Im sorry Ian" Iyon lang ang lumabas sa bibig ko.


"You have some explaining to do Serah. And i do need to explain too but i want to know one thing" pilit niyang kinalma ang sarili at tinitigan ang mga mata ko.


"Do you still love me Serah? Dont freakin lie because i know Serah you love me too i just want to hear you say it" With his eyes locked to mine i cant lie. I cant deny and i cant stop myself from saying..


"I love you Ian. I love you so much" I saw a smile in his face and tears roll down his cheeks.

He held my hand and kissed it. Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi at napapikit naman siya. Kumalma ang ekspresyon niya at dahan dahan pinagdikit ang mga noo namin. Napapikit na din ako sa bango niyang nakakakalma ng sistema ko.

"I love you Serah. Only you." Matapos niyang sabihin yon ay para bang may yumakap sa puso ko. Mainit at masarap pakinggan muli ang mga salitang yon galing sakaniya.

Muli kong naramdaman ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko. He kissed me gently and i gladly accept it. Alam kong ang pagtanggap muli kay Ian ay parang pagpasok sa isang digmaan. Masasaktan kami at makakasakit kami. Pero gagawin ko ang makakaya ko para maiayos ang lahat.

"Dont ever leave me again Serah. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nangyari pa ulit yon" He said between our kisses.


"I am lost without you Serah" Dagdag niya pa. Muling tumulo ang luha ko.


"Mahal kita Ian. Hindi na kita iiwan. Youre mine and i am yours"

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon