EPISODE 3 PART 7 ISIAH and SEVEN

48 0 0
                                    

#SevenandIsiahMoment

SEVEN's POV

Ba't ang lungkot ng bahay ngayon? nasa'n ba ang mga tao? nagising lang ako nawala na sila. Lumabas ako ng kwarto ko nang makitang wala man lang katao-tao, ang wierd ng araw na 'to.

Tinungo ko ang kusina nang maabutan ko si Miss Katana na naghahanda ng pagkain, it is breakfast or lunch?

Nagulat pa ako nang mapalingon sa 'kin si Miss Katana, seguro napansin niya ako, yumuko siya sa 'kin pati na rin ang ibang katulong.

"Good evening Young Master."

Huh? good evening? gabi na ba? sure ba siya? seguro napansin ni Miss Katana na parang nagtatanong ako ay napailing na lang ito.

"Young Master alas-7 na po ng gabi."

Talaga? ilang oras na ba akong nakatulog? sa pagkalito ko ay naisipan ko na lang na bumalik sa kwarto ko, total 'di pa naman luto ang hapunan. Ayttttz ano ba naman 'to... gano'n na ba ako katagal natulog? kaloka.

Habang pabalik ako sa kwarto ay nakita ko si Isiah na kalalabas lang mula sa opisina ni Sky. Mukhang pagod na pagod ito at halata sa mukha, marahil madami silang ginawa ni Sky.

Two days na lang laban na ni Isiah, sana makapanood ako bago ako umalis... nakakalungkot naman.

Marahil ay napansin niya ako nang mapangiti siya sa 'kin, napangiti na lang din ako, kahit nakangiti siya kitang kita sa kanya ang pagod.

"Sir Seven, kagigising n'yo lang po?"

Nangunot ang noo ko sa narinig ko, hanggang ngayon Sir pa rin ang tawag niya sa 'kin.

"Ano ba naman 'yang Sir na 'yan? just call me Seven okey?"


Ani ko na ikinangiwi niya,
napangiti ako sa mukha niya. Naturingan na kami ang unang nagkakilala pero nahihiya pa rin siya sa 'kin..

"Anyway Isiah, are you busy tonight?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm? 'di naman... baket?"

"Halika magtungo tayo sa veranda and lets have some coffee... para medyo ma relax ka din."

Napangiti naman siya at masiglang sumang-ayon, basta kape go 'yan.

Nang nasa veranda na kami, ay di-nial ko ang # 4 sa intercom phone at diritso ito sa coffee bar. Sinagot naman agad ng barista namin na si Mr. Yang

"Coffee, bar area, this is Mr. Yang at your service." Magiliw nitong wika.

"One coffee latte and chocolate hershey please."

"Right away Young Master."

Kahit 'di ko sabihin kung saan dadalhin alam na ni Mr. Yang kung saan dadalhin ang inorder kong coffee. Lahat kasi ng areas sa bahay na to ay may code numbers sa intercome.

"Excited ka na ba sa games mo?" I asked her

"Medyo."

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon