Warning: Sadyang iniba ko lang ang mga lugar,paraan at pangyayari kung paano pumasok sa bahay ni kuya ang mga housemates o ang KaoJela. Enjoy!
Isang araw nalang at papasok na nga sa bahay ni kuya ang mga bagong teen housemates at isa na rito si Kaori Oinuma.
Si kaori ay isang chinita at nasa grade 12 na ito. Sa kanilang skwelahan ay isa siya sa mga taong tinitingala dahil sa kabaitan nito, sa kanyang mga taglay na talento at sa kagandahan ng kanyang mukha kaya hindi nakapagtataka na sa buong university nila ay halos may crush ito sa kanya. Marami din ang nagsusubok na manligaw dito pero hindi niya pinahihintulutan dahil sa kanyang unang priority ay ang kanyang pag aaral at makatapos rito para sa ganun ay mai-ahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Kahit ganun pa man ang stado ng buhay ni Kaori ay ang hindi alam ng karamihan ay may itinatago itong sekreto sa kabila ng kanyang maamo at magandang mukha.Alas 10:00 na ng gabe sa isang hotel kung saan sila itinago at itinuloy ng mga PBB stuff bago sila tuloyang ipasok sa bahay ni kuya.
Kaori's Mother: "Oh sweetie bakit hindi ka pa natutulog? Alas 10:00 na ng gabe at maaga pa kayo aalis bukas para sa briefing niyo." Tanong ng Mama nito na kasa-kasama niya sa room.
Kaori: "Hindi ako makatulog Ma!." Simpleng sagot nito sa kanyang Ina.
Kaori's Mother: "excited ka ba sweetheart?" Tanong nito ulit habang niyayakap niya ang kanyang anak.
Kaori: "Ewan ko nga Ma! Excited ako pero nakakalungkot kasi mamimiss kita Ma!" Sabi nito habang excited at may halong lungkot.
Kaori's Mother: "Ito talagang anak ko? Ang drama nito?. Basta I'm so proud of you anak. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa loob ng bahay ni kuya. Basta kahit ano pa man ang magiging desisyon mo?. Tandaan mong andito lang kami at proud na proud ako sayo? I love you anak!" Sabi niya sa kanyang anak habang hinahalikan niya ito na parang isang maliit na bata.
Kaori: " I love you too Ma!" Sagot nito sa kanyang mama habang nakangiti.
Makalipas ang isang oras ay naunang nakatulog ang mama nito habang siya ay gising na gising pa rin at naghahanda ng kanyang mga gamit na dadalhin sa loob ng bahay.
Habang naghahanda ito ay bigla niyang nakita sa kanyang bag ang isang panyo kung saan napulot niya ito sa kasagsagan ng audition ng star hunt nila.
Kaori: " Sino kaya ang nagmamay ari ng panyo na ito? Infairness ha? Mabango siya. Siguro star hunt din siya. Sino kaya siya? Housemate rin kaya siya? Imposible naman! Sa kadami-daming nag audition, tadhana nalang kapag naging isa sa mga housemate pa ang may ari nito? " Mga tanong ni kaori sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa panyo.
Habang nakahawak si Kaori at nakatitig ito sa may panyo ay kung may anong naramdaman siya sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag? Ang Tanging sigurado siya ay gusto niyang makilala ang nagmamay-ari ng panyong ito para sa ganun maibalik niya ito sa kanya. Napangiti ana ito at napaisip na saana balang araw ay makikilala niya ito at makakaharap rin. Yun ang tanging iniisip ni kaori sa mga sandaling iyun bago siya nakatulog.Samantala. Sa kabilang room kung saan doon din nananatili si Jelay at ang kanyang Ina. Hindi alam nina Kaori at Jelay na magkadikit lang pala ang kanilang mga kwarto sa mga araw na iyun. Pero dahil bawal magkikita ang mga official housemates ni kuya ay bawal sila lumabas ng kanilang mga room hanggang sa hindi sila sinabihan ng mga stuff.
Jelay's Mother: "Iha? Anong hinahanap mo?" Curious na tanong nito ng makita niya ang anak nito na naghahalungkat ng kanyang maliit na bag.
Jelay: "Hinahanap ko kasi ang paborito kong panyo ma! Nawala ko ata?" Sagot nito sa kanyang Ina habang malungkot ito.
Jelay's Mother: "Anak? Hayaan mo na. Ibibili nalang kita ng iba." Sabi ng kanyang Ina.
Jelay: "Ma? Alam mo namang sobrang importante sa akin yun diba? Pero hayaan muna. Mukha atang nawala ko nga sa star hunt audition. Wala na yun." Sabi nito habang bakas ang kanyang kalungkutan sa mga sandaling iyun. Masyado kasing importante ang panyo na yun para kay Jelay kaya ganun lang ang pagdibdib nito ng mawala niya ang kanyang panyo.
Jelay's Mother: "Sige anak. Matulog kana ha! Maaga daw kayo ememeeting ng mga stuff bukas." Paalala ng mama ni Jelay sa kanyang anak.
Jelay: "ok ma!" Simpleng sagot nito sa kanyang Ina sabay halik at yakap rito. Sa ilang saglit pa ay sumunod si Jelay sa kanyang Ina at nagpahinga rin ito.Heto na! Ito na ang araw na papasok ang mga bagong housemates ni kuya sa loob ng bahay ni kuya. Bago sila ipakikilala sa madlang people tag isa-isa ay tinipon muna sila na naka blindfold sa isang malaki at tahimik na silid.
Kaori: ( Habang inaalalayan siya ng isang PBB stuff ay wala siyang makita kundi puro dilim sa paligid. Inaamin nito na sobrang kinakabahan siya sa mga sandaling iyun dahil wala silang kaidea-idea sa mga susunod na mangyayari. Makalipas ang ilang minuto ay pinaupo sila sa isang mahabang sofa. Pagkaupo na pagkaupo ni kaori sa sofa ay naramdaman niyang may katabi siya sa silid na iyun. Wala siyang kaidea-idea kung sino ito? Babae ba ito o isang lalake? Makalipas ang ilang saglit ng katahimikan ng biglang nagdampi ang kamay nito sa kamay ng kanyang katabing housemate.
Kaori: "Ang lambot ng kamay niya. Siguro babae itong housemate. Tapos naaamoy ko rin ang pabango niya. Tama housemate nga siya na babae." Sabi ni kaori sa kanyang isipan sa mga sandaling iyun habang magkadampi pa ang mga kamay nila ni Jelay. Oo Tama nga! Si Jelay nga ang katabi niya sa mga sandaling iyun. Pero dahil sa bawal magsalita ang mga ito ay hindi nila kilala at wala nga silang kaidea-idea sa mga kasamahan nilang papasok sa bahay ni kuya.
Jelay: ( Habang kinakabahan siya at sobrang tahimik ang buong paligid ng biglang may dumampi na isang kamay sa kamay nito kaya agad itong nawalan ng kaba. Nasigurado na kasi ni Jelay sa kanyang sarili na hindi lang siya nag iisa sa mga sandaling iyun kaya ang ginawa niya ay humawak nalang ito sa kamay ni kaori ng mahigpit na mahigpit. Tila wala siyang alintana o hiya sa paghawak niya sa kamay ng kanyang co-housemate na hindi pa niya nakilala. Basta ang gusto niya ay makaramdaman siya sa kanyang sarili na may kasama siya sa mga sandaling iyun habang naka blindfold siya)
Jelay: "Ay Salamat! May kasama na ako. Nakakatakot kasi na wala akong makita at marinig na kasama kaya salamat dahil may kasama na rin ako sa wakas. Sino kaya siya?" Curious na tanong nito habang nakahawak sa kamay ni kaori.
The End pt.1
Abangan: Ang una nilang pagkikitang dalawa sa loob ng bahay ni kuya.
Ps: please dropped a comment o opinion sa story na bagong gawa ko tungkol sa kaoJela.Itutuloy ko ba mga kabudds o hindi?😅Need your support sa kaoJela Story..

YOU ARE READING
The Handkerchief (KaoJela Love Story)
RomancePara po ito sa lahat ng Kaori and Jelay shippers called KaoJela.