WAI [26.5]: Christmas Party (Part 2)

19 0 0
                                    

Renee's Pov

7pm na kami nakauwi ni Jiro dahil sa sobrang traffic, paguwi namin nakahanda na lahat. Nagtulungan pala silang lahat dito, sina Mylene, Dominic and Taf.

Kakatapos ko lang maligo at nagsuot ako ng sweater dress na red. Coz' it's christmas naman kaya color red. Anyways, inayos ko na yung mga gifts sa christmas tree, bale ang mangyayari, kanya-kanya kaming kuha ng gift sa ilalim ng christmas tree tapos saka lang namin malalaman kung sino nakabunot samin sa exchange gift.

Nakita ko si Blue, nakared din siya, lahat naman kami nag-red kasi nga it's christmas, pagkauwing-pagkauwi ko, hindi na niya ko pinapansin, lalapit ako pero lumalayo siya sakin, na-disappoint lang ako dahil sabi namin sa isa't isa na we're good friends, pero bakit niya ako iniiwasan? Nalungkot lang ako.

"Tara na, let's pray for our noche buena tonight!" sabi ni Taf.

"Uhm, mauna na kayo. May iintayin kasi ako.." sabi ni Blue sabay labas ng bahay.

Lumapit na ko sa may lamesa kung saan nakaayos na ang lahat, pagkain, inumin, desserts at iba pa.

"Sino iintayin nun?" tanong sakin ni Mylene.

"Y-yung first love daw niya" napaiwas ako ng tingin.

"Intayin na natin sila.." sabi ni Taf

"Oo nga, para sabay-sabay na tayong mag-dasal"

Hinintay namin si Blue, hanggang sa sumapit ang 8:45 ng gabi, nakarinig na kami ng tunog ng sasakyan, kinabahan na ko dahil paniguradong si Cassie na yun.

Pagpasok ni Blue, may bitbit siyang bata na I think nasa 5-6 years old na. Lumingon ako sa likod, nasaan na yung Cassie? Di kaya anak niya yun kay Cassie? Hays. Bakit ba ang curious ko ngayon?

"Oh guys, bakit hindi pa kayo kumakain?" tanong ni Blue.

"Hinintay ka talaga namin, para sabay-sabay na tayo"

"Thanks for waiting.." napatingin kaming lahat sa pinto, narinig kasi namin yung yapak ng heels eh. Lumapit sa kanya yung babae. "Guys, I want you to meet Cassie"

"Hi!" kaway niya samin. "Nasaan na siya?"

"Sinong siya?" takang tanong ni Taf.

"Si Renee?" napadilat ako ng sobra. Tapos nagtaas ako ng kamay at lumapit sa kanya.

"So ikaw pala yun" I nodded. Niyakap niya ako and then bineso-beso.

"A-ako nga.. Ikaw pala si Cassie"

"Yes I am. So shall we eat?"

~

Kakatapos lang namin kumain at nagsimula na silang mag-party sa loob, ako? Lumabas ako and then pumunta ako sa pool garden. Ayokong makita si Blue na masaya kasama yung Cassie na yun! Ewan, nasanay kasi ako na ako ang nagpapasaya kay Blue at siya ang nagpapasaya sakin! Nagsisisi tuloy ako, sana hindi ko na lang siya binusted!

"Hey, anong ginagawa mo dito?" napapunas ako sa luha ko, tignan mo nga! Naluha na ako dahil sa emosyon ko.

"Ikaw pala.."

"Ako nga, bakit nga kasi nag-iisa ka?"

"Gusto ko lang"

"Eto nga pala yung baby namin ni Cassie.."

"Hello!!" bati sakin nung bata, so anak nga nila?

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon