Yuan's Pov
New Year, New Life and New hairstyle.
Pero isa lang ang di magbabago, yung pagmamahal ko kay Renee. Simula nang kunin ako nila dad, nalaman kong ginagamit lang pala ako ni Dynna para mag-isa na lang si Renee. De bale na, bawing bawi na ng parents ko yung kayamanan namin kaya di ko na kailangan dumikit-dikit kay Dynna.
Anyway, kakagaling ko lang ng airport at dito ako dumiretso sa condo unit ko.
I'm tired, but I want to find her, babawiin ko siya sa bituing yon! Ang akin ay akin lang.
~
Madaling araw pa lang, gumayak na ko papuntang probinsya kung saan naka-locate sina Renee.
Nakakailang stop na ko, dahil gutom ako at gusto kong kumain pero tuloy pa din ang biyahe kaya puro take-out ginawa ko hehe.
Habang nagdadrive ako, natanaw ko na yung street kung saan nakatira sina Renee, hanggang sa di ko napansin yung lalaking patawid na may bitbit na bata.
"Hoy!" hampas niya sa kotse ko.
"Sorry.."
"Paano kung masagasaan mo kami ng anak ko ha?!"
"Sorry talaga.."
"Daddy, let's go home na.."
Pumasok na ko sa kotse at saka sinimulan paandarin, nakita kong iisang direksyon lang yung pinupuntahan namin ng lalaking muntik ko na mabangga.
"Sir, gusto niyo sumabay na kayo sakin?" di siya nagsalita kaya dire-diretso na lang siyang nauna maglakad, nagkibit balikat ako.
Nauna na ako sa kanila kaya nandito na ako sa tapat ng bahay nina Renee. Inayos ko yung gamit sa kotse at saka yung mga ibibigay ko sa kanya, pagkasara ko ng pinto ng kotse, nagulat ako dahil pagharap ko, nandun yung lalaki sa tapat ng bahay ni Renee at pumasok sila. Sino kaya yun?
Nagdoorbell ako at pinagbuksan ako ng matanda.
"Sino ka?"
"Kaibigan po ni Renee, nandiyan po ba siya?"
"Ay may ginagawa siya eh, halika tumuloy kana muna sa sala" I nodded then I followed her. "Juice gusto mo?" I nodded again.
"Daddy! I want to open this toy!"
"Hindi pa pwede, madami ka nang toys oh"
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Teen FictionA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?