WAI 28: Unconditional Love

26 0 0
                                    

Erza's Pov

Tapos na ang lahat ng paghihirap ko, kakagaling ko lang ng korte at tapos na, nakapangalan na sakin lahat ng kayamanan ni dad. Isa na lang ang gusto kong gawin, ipagamot si Charlie.

Inayos ko na ang sarili ko at sumakay sa kotse, napabuntong hininga ako, nahiganti ko na si mama, para sa sarili ko naman ang gagawin ko.

I drove fast as I can dahil excited na kong makita ulit ang lalaking mahal ko. Walang iba kundi si Charlie.

~

Nasa tapat ako ngayon ng bahay nila, nag-door bell na ako at hinihintay ko na lang na lumabas yung katulong.

"Sino po sila?"

"Friend of Jace"

"Pasok po kayo.."

Pumasok ako and then I feel something strange, bakit ganon? Ang lungkot ng paligid, tahimik at nakatakip ng puting tela ang mga gamit.

"Ma'am gusto niyo po ng juice?"

"No thanks, anong meron dito? Bakit ganto na to?" habang tinuturo ko yung mga gamit na natatabunan ng puting tela.

"Pumanaw na po kasi ang mga magulang ni Sir Jace.. Ibinenta na rin po itong mansion para may panggastos si Sir"

"Nasan ba siya? Pwede naman siya ang humawak ng business nila ah?"

"Di ko po alam kung anong nangyayari kay Sir, weirdo po siya kumilos. Sa gabi lang siya lumalabas ng kwarto niya at saka kakain, di na po siya naglalabas"

Tumakbo ako agad sa kwarto niya, di ako nagdalawang isip na buksan iyon, tama ang hinala ko! Masyado na siya binabalot ng sakit niya.

"Charlie.."

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Tutulungan kita, nandito ako para tulungan at alagaan ka.."

"Hindi kita kailangan!"

"Charlie! Ako na lang ang meron ka! Ako na lang ang pwedeng mag-alaga sayo!"

"Hindi Charlie ang pangalan ko! JACE! Bakit ba kayo ganyan?! Parehas kayo ng mommy at daddy ko! Sinasabi nilang Charlie ang pangalan ko at- wala na nga pala sila, kasalanan ko ang nangyari! Nang gabing iyon, kasalanan ko! Bakit? Kasi wala akong kwentang anak! Wala!!"

Sinuntok niya ang sarili niya at binato ang lampshade sa pader. Anong nangyayari sayo Charlie?

"Jace." lumingon siya sakin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"T-tinawag mo akong Jace?" I nodded, natatakot na din ako dahil baka pati ako saktan niya. "Yan! Dapat matuto kang makinig sakin ha? Dapat pag sinabi ko, gagawin mo.. Diba?" I nodded again, masakit na yung balikat ko kasi sobrang higpit na ng hawak niya, tinitiis ko na lang. "Jace ang pangalan ko diba? Jace... Capulet. Diba? Tama diba?!" sumigaw siya at lalo pang humigpit ang pagkakapit sa balikat ko.

"O-oo.." napaluha ako, masakit na yung balikat ko, pero mas masakit para sakin na makitang ganto si Charlie.

"B-bakit ka umiiyak?" pinunasan niya yung luha ko.

"M-masakit.." nanghihina ako pero tinatanggal ko yung kamay niya sa balikat ko.

"Okay" binitawan niya yung mga balikat ko kaya natumba ako sa sobrang kahinaan."Ang hina mo" napayuko ako at tahimik na umiiyak.

"H-hindi mo ba ko natatandaan?" sabi ko.

"Hindi kita kilala."

"A-ako si E-erza.. Handa akong alagaan ka, masaktan man ako ng husto o hindi"

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon