WAI 29: Revelations

29 1 0
                                    

3rd Pov

Habang palakad lakad si Romela sa balkonahe ng kanilang bahay, nilapitan siya ng asawa nito.

"Bakit hindi ka mapakali diyan hon?" sabay yakap nito mula sa likod. "Iniisip mo pa din ba yung mga nangyari?"

Huminga ng malalim si Romela at bumuntong hininga saka hinarap ang asawa niya para magsalita.

"Zac, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko"

"Bakit kasi di mo na lang sabihin sa kanya ang totoo? Palagay ko naman maiintindihan ka niya, anak mo siya hon"

"Oo nga, pero paano kung hindi?"

"Imposibleng hindi hon, kita mo naman yung reaction niya nung makita ka niya, ni ikaw nga hindi mo siya mapaniwala na di ikaw ang ina niya. Malaki na si Renee, hindi na siya bata kaya hindi mo na mabibilog ang utak niya"

"Pero hindi pa ako handa."

"Kasama mo ako, pati na si Taffyda, kasama mo kami para suportahan ka, hindi naman din kita minamadali hon, its just habang maaga, mas maganda"

"Tama ka nga"

Biglang tumunog ang cellphone ni Zac kaya binasa na muna niya ang message na natanggap nito. Laking ngiti nito at dali-daling hinalikan ang asawa sa labi.

"Aalis tayo ngayon" masaganang sabi ni Zac kay Romela.

"Ha? Bakit?"

"Sinabi kong di kita minamadali hon pero ako ang di makapagintay sa gagawin mo, gusto ko na makita ang ngiti mo, gusto ko na makasama yung asawa ko na walang iniisip at yung di mapakali"

"Ano ba ibig mong sabihin Zac?"

"Pupunta tayo sa probinsya kung nasaan ang anak mo"

"Pero Zac! Sinabi kong hindi pa ko handa"

Hindi nito pinakinggan ang asawa at binuhat niya ito pang-kasal at diniretso sa loob ng sasakyan.

Ilang araw na palang pinagpaplanuhan ni Zac na dalhin si Romela sa kanyang anak, hindi lang siya makatyempo, nang malaman niyang doon naninirahan ang anak niyang si Taffyda kung saan nakatira si Renee ay agad na kinontsaba nito ang anak para sa planong pag surpresa kay Renee.

Taffyda's Pov

I'm so excited dahil dadalaw si Daddy at Tita Romela dito sa house, and especially nalaman ko na din ang totoo, na mommy nga ni Renee ang Tita Romela ko, no doubts dahil malaki ang pagkakahawig nilang dalawa.

"Para kang kinikiliti ng manigno diyan ngumingiti ka mag-isa" biglang sulpot naman tong baklitang to, na macho gwapito na ngayon.

"Wag ka nga manira ng moment Jiro, pupunta sila dad at tita Romela dito later"

"What?! Diba sinabi ko na sayo na baka umasa lang ulit si Renee dahil makik—" I shut him up using my index finger.

"Jiro, look, she is the real mom of Renee, daddy confessed it to me" sisigaw sana si Jiro pero tinakpan ko agad yung bibig niya. "Wag na wag kang magiingay or else, puputulin ko future mo" huminga naman siya ng malalim saka tinanggal yung kamay ko sa bibig niya.

"Oo na, shookt lang ako, akalain mong nagpapanggap lang pala siya kay Renee, best actress of the year ha" natawa naman ako sa sinabi niya.

Sobrang saya ko lang talaga dahil bet ko talaga maging kapatid si Renee, although magkapatid talaga turingan naming dalawa, but iba pa rin yung malalaman ko na step sisters kami!

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon