OUAL

47 5 7
                                    

Minsan na akong napunta sa lugar na to. Seryoso. Parang pamilyar saken yung bawat pasilyo, kanto, at kahit yung ibang tao. Parang nakita ko na sila. Pero baka ito yung sinasabi jilang Dejavú, siguro nararanasan ko yun ngayon.

Sinubukan kong pumunta sa bayan pero pakiramdam ko alam ko na ang susunod na mangyayari. Sinusubukan kong hulaan ang susunod na mangyayari o gagawin ko base sa pagiging pamilyar ng mga bagay bagay sa paligid ko. Hindi kaya ito ay isang malaking premonisyon? Hindi ko alam.

Isang umaga, normal na umaga. Walang almusal kasi ang batas sa bahay, kapag hindi ka gumising ng maaga para magluto, hindi ka kakain. So sa madaling salita, gutom ang lolo mo. Nganga. Toothpaste ang almusal at syempre toothbrush din.

Malamig ang tubig samen. Grabe. May paghiyaw pa ako sa loob ng cr kasi talagang malamig ang tubig. Yung tipong nanunuot sa buto mo yung tubig na parang pagsisisihan mong naligo ka pa. Tunay.

"Save your eyes, from your tears, when everything's unclear, you'll be safe he--"

"Agang aga ang ingay mo." wika ng aking Ina. Pero ako tuloy lang sa pagkanta. Ang sarap kaya kumanta habang naliligo tapos nag eecho pa yung boses mo at number one fan ako ng sarili kong boses. Haha. Magaling ako kumanta promise.

Meron akong appointment sa trabaho ngayon, nga pala, isa akong Freelance Dance Artist. So may mga estudyante akong imimeet ngayong araw. Regular na sa aken to. Apat na taon na akong walang office job. Passion over profession ang tawag dito. Mahal na mahal ko ang pagsasayaw. So dito ako kumukuha ng pang araw araw kong gastusin sa pagtuturo ng sayaw at sa mismong pagsasayaw ko. Alas otso ng umaga ang usapan namen ng mga bata. Grade 10 students sila ng isang mataas na paaralan dito sa amen.

Interpretative dance ang ituturo ko. Well, nagmamaneho ako ng aking motor papunta sa lugar kung san kame magkikitakita. Aba! Sobrang malas ko naman at naflatan ako ng gulong!!! Grrr. Nakakainis. Wala pa akong dalang extrang pera.

Buti na lang may malapit na vulcanizing shop kung san nabutas ang gulong ko at dun ako nagpaayos ng gulong. Whew. 80 pesos lang ang siningil. Buti na lang din at may nakaipit na apat na bente pesos sa bulsa ng aking motor.

Uy, nalimutan kong magpakilala! Ako nga pala si Thaddeus Art Hernandez. Art na lang itawag nyo saken. Curious kayo kung ano hitsura ko no? Parang kakambal ko si Jericho Rosales. Ganun.

Art na lang itawag nyo saken. Inilapit ng aking ina ang aking pangalan sa sining kaya lumaki ako ng may malaking pagkilala at paghanga sa larangan ng sining.

"Hala nagchachat na mga estudyante ko!" sabi ko sa sarili ko habang mabilis na nagpapatakbo ng aking motor.

Traffic pa. Alam nyo ba yung motor na ang gamit mo pero apektado ka padin ng traffic? Aba.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakarating ako sa aming tagpuan ng bandang mag aalasDyis na. Kuh. Nakakahiya. Hindi pa naman ako sanay malate pero hindi bale, ngayon lang to. Hindi na to mauulit. Sana. Haha.

"Tara magsimula na agad tayo para hindi sayang ang oras" Sambit ko agad pagkababa ng aking motor.

"Kumpleto na ba kayo?" tanong ko pero laking gulat ko nung nakita kong malalabo ang mukha ng lahat ng tao sa harap ko.

Kinusot ko ng apat na beses ang aking dalawang pata para malaman kung namamalik mata ako. Sinampal ko din ang aking magkabilang pisngi para siguraduhing hindi naman ako nananaginip. Hindi! Totoo nga! Wala silang mukha lahat??? Pero pano? Bakit?

Sa sobrang kahihihan at katatakutan ko, hindi na ako nagtanong. Nagpanggap akong normal ang lahat. Ang kapal naman ng mukha kong magtanong sa kanila eh late na nga ako. Baka nabura mukha nila habang naghihintay saken? Hahaha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once Upon a LifetimeWhere stories live. Discover now