Kabanata 8

430 22 0
                                    

Kabanata 8

Still

"Kenneth." nilapitan ko ang kapatid ko na naka-upo sa lamesa habang gumagawa ng kaniyang asignatura.

Inangat niya naman ang tingin sa akin. "Hmm?" sabay balik ng tingin sa kaniyang kuwaderno.

Iniabot ko sa kaniya ang pang-tuition niya this third sem. Kaka-s'weldo ko lang kasi nitong unang buwan. Para hindi na rin si Nanay mag-abala pa para kay Kenneth.

Hindi ko akalaing sa sobrang bilis ng araw ay mahahawakan ko na ang pera na galing talaga sa sarili kong pawis. Noong nagta-trabaho naman kasi ako bilang katulong ay sa kay Nanay binibigay ang katiting kong s'weldo dahil ang kapiraso nun ay para sa pagkain, bahay at pag-aaral ko. Kulang na kulang pa nga iyon kung tutuusin.

"Pupuntahan mo ba Ate si Nanay sa Mall?"

Agaran akong umiling. "Hindi na muna. May tatapusin pa ako e. Nakahain na sa kusina iyong pagkain ha? Pagka-uwi ni Kevin sabay na kayong kumain. Importante lang itong tatapusin ko."

Tumalikod na ako at dumiretso sa k'warto ko. Inihulog ko ang natitirang isang libo sa kawayan kong alkansiya at ang dalawang libo nama'y balak kong ibigay kay Nanay tulong sa upa dito sa bahay at ang isang libo pa'y para sa gastusin ko sa pag-aaral.

Pinipilit ako ni Nanay na huwag nang ibigay kay Kenneth iyong una kong s'weldo. Akuin ko nalang daw iyon para sa pag-aaral ko. E hindi naman p'wede dahil next week na ang bayaran para sa next sem ni Kenneth. Habang ako nama'y may mahabang panahon pa.

Nakaka-miss talaga iyong mga panahong wala pa akong inaalala pagdating sa renta ng bahay. Hindi naman sa libre pero may maliit na bayad kami kay Ma'am Rhiana na ibinabawas sa s'weldo namin. Pero kahit ganun, mayroon pa rin namang katiting na para sa mga baon namin.

Minsan nga'y hindi na namin iyon nagagalaw dahil paminsan-minsa'y binibigyan kami ni Ma'am Rhiana. Talaga nga namang napakabait niya. Huwag nga lang aabusuhin.

Naalala ko na naman iyong napakalaki kong kasalanan sa kaniya. Dahilan kung bakit natungo ang buhay namin dito. Hindi naman sa pinagsisisihan ko kung bakit kami ganito. Sa totoo lang masaya ako sa ganitong buhay ko. Hindi naman kasi sa buong buhay namin ay kailangang naka-depende kami sa ibang pamilya.

Ganito naman talaga dapat ang buhay ng isang pamilya. May paghihirap pero sa paghihirap na iyon may malalim na dahilan. At ang paghihirap na iyon ay ang tulay upang kami'y magkaroon nang magandang buhay.

Umupo ako sa kama at hinalungkat ang aking notebook kung saan nakasulat ang mga group projects, activities. Hassle na ngayong third year college ako. Siyempre, graduating na kami next year e. Kaya ayun.

Nabigla ako nang may mahulog sa notebook dahil sa paghahalungkat ko. Nakasingit kasi sa mga notebook iyong maliit na papel. Kaya naman pinagpapagpag ko ito.

Yumuko ako't pinulot iyon. Kumunot ang noo ko nang may mahulog na pamilyar na sobre. Hindi agad ako nakagalaw matapos iyon kunin.

Pinaglaruan ko iyon sa aking kamay habang may malalim na iniisip. Hindi ko akalaing matapos ang dalawang taon ay nananatili itong buhay.

Nanginginig ang kamay na binuksan ko iyon. Mula doon ay nakuha ko ang isang manipis na kwintas at isang papel na may sulat.

Una kong hinawakan ang kwintas na may pendant na tatlong bituin. Manipis lang iyon ngunit alam kong malaki ang halaga. Hindi ko pala iyon nasauli sa kaniya. Wala na rin kasi akong panahon para doon. The first necklace he gave is still hanging on my neck. I unconciously touch it.

Naalala ko pa ang dahilan kung bakit iyon ang binigay niya sa akin, the second necklace. At noong araw na iyon ko rin ibinigay ang lahat. I was so hopeless that time. Pero kinagabihan nabuhayan ang loob. I feel so love. At nung araw na iyon nag-iba ang takbo ng utak ko. Ang tanging naiisip ko lang noon ay ang maiparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko naisip ang magiging dulot niyon. Because that time I am so blind. Blind of everything.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon