Kabanata 9
Confession
"Happy New Year!!!" sabay-sabay naming sigaw habang nakatanaw sa madilim na kalangitan kung saan pinaliliwanagan nang iba't ibang kulay na paputok.
Ramdam na ramdam ko ang matalim na titig sa akin ni David kahit na nasa likod ko siya. Katabi ko si Queen at Nanay Lita. Habang nasa likod si David at Kenjik kasama si Joe.
Kami-kami lang ang tao dito. Hindi din pala makaka-uwi si Ma'am Rhiana dito kasi mas mahalaga daw iyong business trip nila.
Nang matapos ang fireworks show ay lumapit ako sa table dito sa may garden kung nasaan si Kenjik. Umupo ako sa unahan niya at sumimsim sa aking juice.
Nanatili ang tingin niya sa kaniyang cellphone. Isang beses niya lang ako sinenyasan at sabay balik sa kaniyang cellphone. Mula nang makabalik siya hindi niya ako pinapansin. Maybe I did something wrong? Pero wala naman akong maalala.
Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya. But just like the first time... he ignored me. Napanguso akong muli. Hindi naman sa gusto ko na pinapansin niya ako. Ang sa'kin lang baka may mali akong nagawa.
Sa sobrang frustration ko sa oras na ito ay ang wine naman ang nilagok ko. I don't care If am just a teen. Nanay Lita didn't mention na bawal namang uminom kaya.
Nabuga ko ang alak nang malasahan ito. Ang sama! Hindi ko akalaing ganito ang lasa niyon. Hindi naman mabaho ang amoy gaya ng lambanog sa San Fuerto. Uso kasi doon ang lambanog.
Pangit ang mukhang humarap ako kay Kenjik pagkatapos lagukin ang ibinigay niyang juice. "Bakit ang sama?" nanatili ang ngiwi sa aking mukha.
Hindi ko alam kung seryoso ba ang mukha niya o matatawa. It's just like he's controlling himself to laugh. Masama ko siyang tiningnan. Iniwas niya ang tingin sa akin ng hindi man lang nagsasalita.
Iimikan ko pa sana siya ng biglaan may umupo sa tabi ko. He's awra is dark. Nilingon ko ang mga kasamahan naming nagkakasaya sa hawak nilang pailaw. May nangyari kaya dahilan ng pagkadilim ng awra niya?
"What happened?" aniya ng mapansin ang nanatili kong itsura.
Nginuso ko yung wine bago uminom muli ng juice. Nandoon pa rin yung lasa, ang pait!
"You drink that?" kinuha niya iyong baso at pinagmasdan ang pagkabawas niyon.
Tipid ako tumango. Unti-unti namang nawawala ang pait.
"Ang sama pala niyang wine. Sa mga nababasa ko hindi naman ganun kapait."
His jaw clenched, para bang may ginawa akong mali. "It's a beer not wine." he tsked.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko alam iyon.
"H-hindi ko naman alam." napapahiya kong sabi.
Tipid lang siyang tumango. "Drink this. Still bitter?" sinalinan niyang muli ang aking baso ng juice.
Tipid akong umiling "Nawawala na."
Pinagmasdan niyang muli ang baso ng beer "Ang daming nabawas."
Ala-dos na nang magsitulugan kami. Nagkwentuhan pa kasi kami at siyempre nagligpit.
"Kahit huwag niyo na pong agahan ang gising bukas, Manang." si Kenjik habang nagpupunas ng mga plato.
"Let me help you." lapit sa akin ni David.
Sa gilid ng aking mga mata'y pinagmasdan ang kaniyang itsura. Namumula na rinng kaniyang mga mata senyales na pati siya'y inaantok ma rin. Kahit ang kaniyang pisnge at tainga ay namumula rin, gawa siguro ng alak.
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomanceWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...