Chapter 1

2 0 0
                                    

Narrator's POV

Saturday morning

"Yah! May balak ka pa bang bumangon dyan? Baka gusto mong tumulong dito?" sigaw ni Lola Minda sa kanyang apong si Aleighn na hanggang ngayon ay nasa higaan pa rin.

"Opo, saglit lang!" tugon ng dalaga.

Sampung taon na rin nang maulila sa magulang si Aleighn. Sampung taon din siya nang maaksidente ang sinasakyan na kotse ng kaniyang mga magulang.

Flashback

"Hello, Mama?" galak na tawag ni Aleighn mula sa kabilang linya ng telepono.

"Nak, kumusta kana? Excited na kami ng Papa mong makita at mayakap kang muli!" galak ding sagot ng kanyang ina.

"Oo nga anak. Di na ko makahintay na pisilin yang mataba mong pisngi! Hahahaha." Masayang singit ng kanyang Papa habang nagmamaneho.

"Ako rin po, Papa! Excited na po akong makasama muli kayo ni Mama. Bilisan niyo po! Marami rin pong inihandang pagkain si Lola para sa inyong pagdating." masayang-masaya na sabi ng batang babae.

"Oo naman anak. Miss ko na rin ang lola mo pati na rin ang mga luto niya..." habang kausap ni Aleighn ang kanyang ina, nadanggil naman ng kanyang ama ang salamin nito at nalaglag. Hindi ito napansin ng asawa dahil abala na rin sa pagkausap sa anak.

Hindi na inabala ng kanyang ama na makisuyo sa asawa at siya na ang nag-atubiling kuhanin ito subalit sa di inaasahang pangyayari ay may isang truck na nawalan ng preno at sila'y nabangga nito.

"Ma...?" tawag ni Aleighn ngunit walang sumasagot.

"Ma? Pa?" paulit-ulit na tawag ng bata ngunit walang tinig na marinig.

End of Flashback

Now Playing: Breathless by Astro

"Good morning lola!" bati ni Aleighn habang kinukuha ang manok na idideliver.

"Hay nako talagang bata ka. Alam mong maraming customer tuwing weekend di ka man lang tumulong."sumbat nito.

"Lola naman. Parang ngayon lang po ako nalate ng gising. Napagod lang naman po ako sa school." Nakasimangot na sagot nito.

"Osha, sha! Ika'y gumayak na at kanina pa naghihintay ang may order niyan." Pagtataboy nito sa apo.

Aleighn's POV

"Oy bes. Alam mo na ba?" bungad ng kaibigan kong si Mariel.

"Ang alin?" tanong ko.

"Ngayong araw ang muling pagbabalik nang anak ng may ari ng school na to!" tuwang-tuwa na sabi nito.

"Oh ngayon?" kunot-noo kong tanong. Pakialam ko don? Duh!

"Napakataray mo talaga! Ikaw lang yata ang babae ang hindi nabibighani sa lalaking yon!" eh sa hindi eh!

"Jusko, Mariel. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na never akong magkakagusto sa gagong yon!"

"Grabe te! Di ka makamove on sa nangyari last year?" sino ba namang makakalimot don?

Flashback

"Sorry, Lance. Di ko naman sinasadyang matapunan ka nitong juice na hawak ko. Sorry talaga..." pagsusumamo nung babae.

"Sorry? Actually, mas mahal pa tong damit at sapatos ko kaysa diyan sa buhay mo." Napagkayabang ng lalaking to ah!

Nagulat yung babae sa sinabi nito at pati mga taong nakapaligid at nanonood ay tumatawa sa sinabi niya. Aish! Purkit mayayaman kayo napakadali sa inyo ang mang-apak ng kapwa niyo.

"Sorry talaga... kung gusto mo palitan ko nalang." Patuloy sa paghingi ng tawad ang babae.

"Ha! Papalitan mo? Hahahahaha." Sabay tawa. "Alam mo..." lumapit sya don sa babae na ngayon ay nakaluhod sa harapan nya at hinawakan ang baba nito saka nagsalitang muli. "Kahit iyang katawan mo hindi kayang palitan to pero kung mag-iinsist ka na palitan to... yan nalang." Sabay turo sa katawan nung babae.

Hindi ako nakatiis sa sinabi nang mokong na to kaya naman umeksena na rin ako at lumapit sa kanila.

"Aleighn!" tawag ni Mariel na akmang pipigilan ako pero huli na siya.

"Hoy!" tumingin naman siya. Tumayo siya at humarap sa akin.

"Hoy?" tanong niya na may pagtataka.

"Ke-bastos mo rin naman no? Naturingan kang anak ng may ari ng school na to pero wala ka man lang modo." Tuloy-tuloy kong sabi. Nakakaiyamot eh!

Lumapit ako don sa babae at tinulungan siyang tumayo. Nakatungo lang siya. Tumingin ako sa kanya at saka itinunghay ang kanyang mukha.

"Ano ka ba? Chin up! Wag kang magpaapekto sa lalaking to. Di dapat niluluhuran ang ganitong klaseng tao. Masyadong mababaw." At tumingin ako sa kanya nang masama.

Nag-smirk lang siya. "Tara na." at umalis na sya kasunod nung mga kabarkada niya.

End of flashback

"Kyaaaaahh!" Biglang nagsitakbuhan yung mga babae malapit sa pintuan ng canteen.

"Bes! Ayan na sila!" Umayos ng upo si Mariel at tumingin sa mga ito habang naglalakad papasok ng canteen.

Napailing nalang ako at tumayo na.

"San ka pupunta?" Tanong nito.

"Room." Tipid kong sagot.

Hindi pa ako nakalalayo ay may tatlong babae ang dumanggil sakin.

"Ano ba? Pahara-hara ka kase." Sabi ni Kassy kasama yung dalawa nyang alalay. Kahit di naman sila alalay pero mukha talaga silang alalay. Halos lahat naman sila. Hahahaha.

I rolled my eyes. Hindi ko nalang sila pinansin bagkus ay nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Sila naman, nagmadaling salubungin yung tatlong bugok.

"Hi, Lance." Malanding bati nitong si Kassy.

"Hi Kurt at Allen." Sabat naman nang dalawa nina Martha at Ruby. Ke-lalandi sadya.

Actually, wala talaga akong paki sa kanilang lahat so lumabas na ako ng canteen. Nakakaimbyerna ang atmosphere don eh. Isa pa itong si Mariel. 😒

Nandito na ako sa room. Walang tao bukod sakin. Bakit? Kase yung mga babae nandoon sa canteen at yung mga boys? Naglalaro ng basketball panigurado.

Kinuha ko yung earphone at cellphone ko at nakinig nalang ako ng music habang naghihintay ng klase. Gusto ko rin tong mag-isa minsan at least malayo sa stress hatid ng mga taong pumapasok dito.

Pumikit ako at sumandal sa bintana. Katabi ko lang kase yung bintana.

Ilang minuto rin akong nakapikit at minulat kong muli ang aking mata...

"Anak ng!" Nagulantang ako ng may lalaking nakaupo sa harapan ko. Nakangiti siya sakin.

"Hi." Bati ni Allen.

----

Now playing: Breathless by Astro

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Pure HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon