Four

894 38 10
                                    

Shaun Angelo

"Angelo, remember what we told you. Wag mong ipahalata na kilalang-kilala mo na siya. Just like new friends, I-close mo siya." Sabi sakin ni Kat.

"Oo na. Paulit-ulit talaga kayo." Sagot ko naman.

"Talaga no! Ilang taon ka na rin naging malungkot, grab the chance bruh!" Sabi ni Kiel saakin.

"Man alam mo, kahit gusto kong maging kami ni Adrienne mo, mas para sayo talaga siya." Biro ni Vbren.

"I-try mo lang, kung ayaw mo nang masikatan ng araw. You know I love her so much."

Nagbukas ang pinto ng CR at si Rienne ang lumabas.

"Wow, Shaun! Ikaw ah, sino ba 'yang love mo, ha?" Sabi saakin ni Rienne.

Napangiti nalang ako sa tanong niya.

If only you knew that I only love you.

"Wala! Sabi ko Love ko yung parents ko. Bakit? Gusto mo ba ikaw na love ko?" Biro ko sa kanya

"That's my boy!" Sigaw ni Kiel na naglalaro ngayon ng video games. "Nahahawa kana kay Vbren ah. Paturo ako, man!" Biro pa niya

"Ikaw talaga, Andrei. Pala-biro." Tumawa siya. Okay lang sana ako awkward 'yung pagtawa niya. "Ay wait! Kuya, naiwan ko yung laptop ko sa room. Alis muna ako, ha!" Paalam niya at tinanguan lang siya ng Kuya niya.

"T-teka!" Pigil ko. Pasaway na bibig! Napalingon naman siya sakin. "F-familiar kana ba dito sa school?" Tanong ko.

"Hindi masyado. Pero madali lang naman 'yun." Sagot niya

"Samahan na kaya kita, maligaw ka pa. Malagot pa ako kay Ms. Alvir."

Siyempre, no! Pagkakataon na ang lumapit. Kaya grab the chance!

"Sige, if you insist." Sabi niya at kinuha ko na ang shoulder bag niya at tinulungan siya.

Akmang magrereklamo pa siya ng bigla ko siyang ununahan "I'm just a helping hand. Bakit? May malisya?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Oo nga. Sabi ko nga, diba? Kakahiya naman sayo, eh." Nahihiyang ngumiti siya.

"This won't do. Katerine, ikaw nalang sumama sa kanya, please." Pakiusap ni Sly.

"Much better, kuya. I need a friend. Thank you!" Ngumiti si Adrienne at hinawakan si Kat kaya wala na akong magawa.

"I told you not to execute that stupid plan of yours, right?" Inis na tanong ni Sly.

"I just want to be friends with her!" Depensa ko.

"Then just "friends" doesn't act that way, asshole. My sister wouldn't have an amnesia if not because of you."

"I understand. Susundan ko lang from afar, promise."

Patuloy lang ang lakad nila at kwentuhan.

"Kat and Adrienne!" I shouted. Nawala 'yung lungkot ko nang makita ang mukha ni Adrienne.

"Just a minute. Punta lang ako sa kabilang building. I'll be back." Paalam ni Kat at umalis. Time with Adrienne! Sorry

"Alam mo, may nasabi si Kat sakin. About you." Sabi niya

"Ha? Anong sinabi niya about me?" Tanong ko.

Man! Baka sinabi niya yung tungkol sa dati.

"Sabi niya daw na hindi ka talaga ganito dati. Yung ikaw daw ang tipo ng lalaki na gusto ng lahat. You don't want to be friends with anyone. Cold at tahimik ka daw. Parang may sariling mundo, ganun." Explain niya.

Stone Academy: School of CompetenceWhere stories live. Discover now