VICE'S POV
9:30 AM
"Good Morniiiiiing!"
Ano ba yan. Kakagising ko lang, mga mukhang 'to nanaman bumungad sakin.
"Ang aga niyo naman mga bakla kayo"
"Oh ayan Meme, kumain ka na! Kaloka ka late ka nanaman gumising!"
"San ka ba galing kagabi? Ikaw ah!"
Namula naman ang mga pisngi ko nang maalala ko yung nangyari kagabi. Shet, ang lakas magpakilig ni Jaki amp.
"W-wala.."
"Wehhhhh? Pumunta kami dito ng 12am, wala ka pa daw! Ayain ka sana namin rumampa!"
"Kasama ko si Jaki non.. Rarampa nanaman tapos wala naman kayong ambag! Potahka!"
"Jaki?! Si Ate Girl?"
"Oo. Baket?"
Nagtinginan naman ang dalawang bakla at ngumingiti.
"Hmmmmmm.. Nako ha.."
"Hashtag, Ang Pagbabalik-loob ni Jose Marie Viceral. HAHAHAHA"
"Gago! Lumayas nga kayo sa pamamahay ko! Makikikain lang naman kayo"
"Dejoke lang meme ikaw naman, di mabiro!"
"Sige na, kumain na kayo dyan!"
Habang kumakain ay naalala ko si Jaki. Kinuha ko ang phone ko at tinext ko siya.
To: Jaki💕
Good Morning.😊Bigla namang nag-ring ang phone ko. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan niya.
"Hello? Uyyy Good Morning!"
"Good Morning, Jaki!"
Nanlaki naman ang mga mata nitong dalawang baklang kasama ko. Ayan na nga ba sinasabi ko eh..
Tumayo na muna ako para hindi na nila marinig yung usapan namin ni Jaki. Pumunta na muna ako sa labas.
"How are you?"
"Ayos naman. Paalis na pala ako, papunta na ko sa studio. Ikaw?"
"Ingat ka ha. Okay naman ako.. Tinawagan ka ba ni Tom?"
"Oo.. Pero hindi ko sinagot. Sinunod ko yung sabi mo."
"Good. Ahh, nandito pa ako sa bahay. Kakagising ko lang. Kumakain pa ako ng agahan. Kumain ka na ba?"
"Mhm. Kumain na ko. Eto na yung grab namin, babye muna! See you later. Ingat ka"
"Sige sige. Ingat ka rin. Yabyu"
"Ang clingy ha.. Yabyu! Bye."
"Mga baklaaa. Ubusin niyo na pagkain ko, alis na ako"
"Luh. Nakausap lang si Jaki, nabusog ka na?"
"Tanga. Malelate na ko lagot nanaman ako neto. Maliligo nalang ako tas alis na ko"
"Sila Buern?"
"Nandon na sila kanina pa daw ako iniintay. Kainin niyo na yan!"
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako Pa Rin (ViceJack)
FanfictionSa hindi inaasahang pagkakataon, mahuhulog pa ba ang loob ng isang Vice Ganda sa isang babae? Posible pa kayang magbalik-loob siya?