Salamat Mahal ko sa tunay na pag-ibig mo
Napakabait, napakamaunawain, napakalambing mo
Napakamaalalahanin, Napakaguwapo ng Mahal ko
Wala kang katulad sa mga nakilala ko
Kung kaya't ikaw ay nag-iisa sa puso ko.
At sa araw-araw ikaw ay nami-miss ko
Kapag di ka nasilayan anong lungkot ko
At kapat nakita ka anong ligaya ko
At makausap ka lang anong saya ko.
Anumang intriga o hadlang ay hahrapin ko
Asahan mong ika'y ipaglalaban at paninindigan ko
Habang buhay ako, ito'y gagawin sa iyo
Sa tulong ng Diyos na Jehova, ito'y makakayanan ko.
June 24, 1997