Dalawang taon,dalawang taon at dalawang buwan na ang lumipas mula nang hangaan kita
Sa loob ng dalawang taon at dalawang buwan ay mas lubos kitang nakilala
Positibo o negatibo,nahulog pa rin ako sayo(kaso di mo sinalo)
Mahal kita na sa tuwing nakikita kita buo na ang araw ko
Lalong nabubuo ang araw ko sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo
Dahil sa tuwing ngumingiti ka,pati ang mga mata mo ay ngumingiti rin
Kaya sa tuwing nakikita kitang nakangiti ay lalo kong nahuhumaling
Minamahal kita ng sobra-sobra,na sa sobrang pagmamahal ko sayo ay nagmumukha na kong tanga
Tanga sa paningin ng iba ngunit para sakin pinapakita ko lang kung gaano kita kamahal
Mahal kita sa puntong nagseselos ako
Nagseselos ako sa tuwing may kasama kang iba
Nagseselos ako sa tuwing nasa iba ang atensyom mo
At nagseselos sa tuwing naiisip kong may mamahalin kang iba
Gusto ko ako lang ang kasama mo
Gusto ko nasa sakin lang atensyon mo
At gusto ko ako lang ang mamahalin mo!
Mapag-angkin ba pakinggan?
Wala eh,mahal na mahal kita eh
Mahal kita na lagi kong hinihiling na sana magkaroon ng 'Tayo'
Pero bakit ang salitang tayo hindi magkatotoo?
Dahil ba hindi ako ang iyong tipo?
Dahil ba ganito ang itsura ko?
Dahil ba hindi mo gusto ang personalidad ko?
O dahil ba may mahal ka nang iba?
Isipin ko palang yun parang sinasaksak ng milyong karayom ang puso ko
Mahal ko,bakit?Bakit hindi mo ko kayang mahalin?
Lahat naman ginawa ko para mahalin mo ko ah?
Pinakita ko naman sayo kung gaano kita kamahal,diba?
Ngunit bakit hanggang ngayon balewala pa rin?
Kulang pa ba?Kulang pa ba yung pagmamahal na pinapakita ko sayo?
Ano pa ba ang kailangan kong gawin para mahalin mo rin ako?Ano?Ano?!
Bakit ang 'Hiling' hindi na lang maging isang katotohonan?
Sobra kitang minamahal pero hindi mo pa rin kayang suklian
BINABASA MO ANG
English and Tagalog Poems/Spoken Poetries
PoesiaMga tula na gawa sa imahinasyon ko. Tungkol sa kahit ano love, friendship, family, and so on. Hope you guys would like it Please do not copy my poems. You can get some ideas but you can never copy it. Remember plagiarism is a crime. So please do not...