Chapter 3

904 19 0
                                    

"Anak, nanggaling dito si Nash kanina. May nangyari ba? Bakit di kayo magkasama? Nag-alala yung tao. Hindi ka raw pumasok sa klase niyo kanina." bungad sa akin ni mommy nung nakauwi na ako.
"Ahh..ehh kasi mom, nagpunta ako ng clinic kanina. Biglang sumakit yung ulo ko eh kaya natulog ako doon." pagsisinungaling ko.
"Ha? Eh bakit hindi ka nagpasama kay Nash?" tanong niya.
"Nahihiya po ako. Andun po kasi yung girlfriend niya." sabi ko nalang.
"Ha? Oh...ehh..okay na yung ulo mo? Kumain kana at magpahinga ulit." sabi ni mommy.
"Busog pa po ako my. Matutulog nalang po ako. Ang sakit pa po kasi talaga." Oo. Masakit pa. Ang sakit-sakit pa lalo na nung marinig ko ulit yang pangalan niya.
"Sigurado ka? Oh sige...magpahinga kana anak." sabi niya. Tumango nalang ako at pumasok sa kwarto ko. Dito ko ulit binuhos lahat ng luha ko hanggang sa makatulog na ako.

*Kinabukasan*

"Bakit bigla kang nawala kahapon? Alam mo bang nag-alala ako? Hindi mo man lang ako nireplyan o sinagot yung mga tawag ko." sabi sakin ni Nash nung dumating na ako sa classroom namin.
"Ahh...ehh..nasa clinic kasi ako kahapon. Bigla kasing sumakit yung ulo ko kaya dun na ako nagpahinga." pagsisinungaling ko.
"Bakit hindi mo ako tinext man lang, sana binantayan kita dun." sabi niya na parang nanlulumo.
"Ayoko namang istorbohin yung momentum niyo ni Mika." sabi ko and I gave him my fakest smile.
"By the way, congrats ulit ha. Sana siya na yung last mo. Wag kanang maging playboy. Di bagay sayo." sabi ko para gumaan yung atmosphere namin.
"Hindi na Shar, hindi na. Kasi siya na talaga. Ramdam ko na." sabi niya na nakangiti. Ngumiti nalang ako bilang pagtugon. Alam mo yung nasasaktan ka pero nagawa mo pa ring makangiti kasi alam mong masaya talaga siya. I guess I have to move on. I have to forget my feelings for him. Gusto ko muna siyang iwasan. Gusto ko munang mapag isa. Haaays.

"Shar, ipapakilala kita ulit kay Mika ha. Kasi naman bigla kang umalis kahapon. Namimiss kana niya kaya." sabi niya habang nagliligpit kami kasi tapos na yung klase namin.
"S-sige ba." sabi ko nalang as we heading to the cafeteria.
Pagdating namin dun, nakita na namin si Mika na mag isa sa may table. Kumakaway siya sa amin habang papunta kami dun.
"Hi Shar! Long time no see. I missed you. Hindi kita kahapon nakausap kasi nagmamadali ka naman eh. Hindi mo ba ako namiss?" tanong niya. Umupo ko sa harapan nila. Bale magkatabi silang dalawa.
"Bakit si Shar lang yung binati mo? Pano naman ako?" nagbibirong tanong ni Nash. Pinisil lang ni Mika yung cheeks niya. Napayuko nalang ako. Parang ang bigat sa dibdib na makita ko ang ganyang moment. Mas masakit pa to sa mga nakikita kong naging girlfriend niya. Alam ko kasi na mahal na mahal talaga siya ni Nash.
"Shar?" tawag sakin ni Mika. Ngumiti ako.
"It's good to see you again, Mika. Lalo kang gumanda ha." sabi ko. She just playfully slap my hand.
"Ikaw nga rin eh. Ang ganda mo na." sabi niya.
"Mag-oorder lang ako ng foods natin ha. What do you want, Miks?" tanong ni Nash sa kanya.
"Kung anong sayo, yun na rin sakin." nakangiting sagot nito.
"Okay po. Ikaw Shar?" tanong niya.
"Ako na mag order nung akin. Ako naman magbabayad eh." sabi ko and I fake laugh.
"No, libre ko Shar. Pambawi ko na sayo. Hindi kita nasamahan kahapon sa clinic eh." sabi niya.
"Why? What happened?" nag-alalang taning ni Mika.
"Ayun, sumakit yung ulo kaya natulog sa clinic." natatawang sabi ni Nash.
"Sige pipila na ako. Bye." sabi ni Nash.
Bale, kaming dalawa nalang ni Mika yung naiwan dito.
"Uhmm..Shar, I'm sorry kung ngayon lang namin nasabi ni Nash sayo na kami na ha. Hindi kasi kami makahanap ng tyempo." sabi niya.
"Okay lang yun. Dito ka nag-aaral? Bakit hindi kita nakikita dito?" tanong ko.
"Nasa kabilang building kasi ako eh. Tinatago kasi ni Nash na nagkikita kami sayo kasi he wanted to surprise you pag naging kami. Ewan ko nga ba diyan? Bakit hindi niya sinabi agad sayo at kelangan surprise pa."
"Kelan lang naging kayo?" biglang tanong ko.
"Last week. Hihi. Sorry ngayon lang namin nasabi ha. Si Nash kasi. Pero sana, wag kanang magtampo sa kanya. Please." sabi niya.
"Hindi. Okay lang. Bakit naman ako magtatampo. Kung saan siya masaya, masaya na rin ako." sabi ko nalang. Though I feel the pain but I still manage to have a conversation with her.
"Anong course mo? Tourism?" tanong ko para madivert yung topic.
"Yes. However, gusto ko sanang mag architect but my mom wouldn't let me  kasi she doesn't want me to be like my father." she sadly said. Medyo naawa naman ako. Oo nga pala, galing pala siya sa broken family.
"I'm sorry to hear that." sabi ko.
"It's okay. You're my Nash's bestfriend at naging friends din naman tayo noon, diba?" tumango nalang ako.
Nagkwentuhan nalang kami hanggang sa dumating na si Nash.
"One spaghetti and burger for my bestfriend." sabi niya sakin sabay lapag nung pagkain ko.
"And how about mine?" masungit na tanong ni Mika.
"Edi mag share tayo dito." sabi niya.
"In one plate? Seriously? Tinitipid mo ba ako?" natatawang tanong ni Mika.
"Hindi noh? Ayaw mo nun? Para mas sweet. Gusto mo subuan pa kita." sabi niya sabay kindat.
"Ikaw talaga." natatawang sabi ni Mika.
"Grabe, ang sweet talaga nila. Bagay na bagay. Akala ko si Sharlene yung girlfriend niya." rinig kong bulungan nung nasa kabilang table.
"No! He's only his bestfriend." sabi nung isa.
"Ang swerte naman nung girl. Diba nasa kabilang building yan?"
"Yeah. She's Mika de la Cruz, sikat yan sa kabilang building. They're both gwapo and maganda. I think they're match made in heaven." sabi naman nung isa na parang kinikilig.
"Kawawa naman si Sharlene. I think she likes Nash. Who wouldn't be? Nash is perfect." sabi nung isa.
Napayuko ako. Habang ang dalawang taong nasa harapan ko ay busy sa subuan nila. Bigla nalang akong nawalan ng gana. Feeling ko parang pasan ko ang mundo. Sabi ko iiwasan ko na siya. Bakit andito ako nagpapakamartyr sa harap nila? Gosh! Luha! Pigilan mo. Pigilan mo.
"Mind if I sit here" bigla akong tumigil sa kakaemote at biglang tumigil sa kalalampungan sila Nash sa narinig naming boses sa tabi ko na nakatayo. Nakayuko ako nun dahil pinipigilan ko yung luha ko.
"Omg! He's so gwapo and tall." tili nung isa sa kabilang table.
"Who is he? Bakit kela Nash siya makikisabay. Do they know him?" sabi nung isa.
"Parang hindi ko pa siya nakikita dito. Gosh! Bakit ang gwapo-gwapo nito?"
"No! No! I think I saw him! Hindi ko lang matandaan." sabi naman nung isa.
"Talaga? Who is he? Omg! Ang gwapo talaga." sabi nung isa.
I looked up at bigla lumuwa yung mata ko.
"Donato? What are you doing here?" biglang tanong ko.
"Hi Shar! It's good to see you here." Nakangiting sabi niya.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Nash.
Oh my gosh! Anong ginagawa ng Donato na yan dito?

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now