Chapter 1

25.7K 417 8
                                    

Picture ni Kaito Tan. 👆

Note: Completed, free, and updated version is already uploaded in dreame. Thank you :) 

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Naisip kong nakaka-sawa nang gumising sa araw-araw na pare-parehas din lang ang nangyayari. Papasok sa trabaho, maraming pipirmahang papeles, mga customers na makikipag meeting sa akin. Ganoon at ganoon lang palagi ang nangyayari kaya walang thrill. Nasubukan ko na din yata lahat ng pwedeng activities para lang mawala ang pagka-buryong ko, pero ganoon pa rin ang resulta.

Nagpalit ako sa aking jogging pants at hindi nagsuot ng damit pang itaas. Ugali ko na iyon tuwing umaga at magjo-jogging ako sa buong subdivision. Sanay na akong pinagpapantasyahan ng mga kababaihan kapag napapadaan ako. Wala naman akong paki-alam dito at hinahayaan lang ito.

Bago tumakbo ay nakita ko ang aking kapit bahay na si Mrs. Mendoza na nagdidilig ng kanyang mga halaman. Kahit matanda na ay may angking kagandahan pa rin ito.

"Ohayou Gozaimasu Mrs. Mendoza!" (Good morning)

"Oh, iho. Magandang umaga. Magjo-jogging ka ulit?" Napatingin sa kanya ang matanda na may hawak na host ng tubig.

"Oho. Kayo ho baka gusto niyo hong sumabay sa akin." Pilyong sabi ko sabay ngumiti pa.

"Naku! Ikaw talagang bata ka pinaglololoko mo nanaman ako. Hindi na ako makatakbo dahil sa edad kong ito."

"Bakit ho? Ilang taon na po ba kayo?"

"Huwag mo nang tanungin at hindi ko rin lang sasabihin kahit pilitin mo ako." tumawa lang ako sa sinabi ng aking kapitbahay. "Alam ko na kapag nagbakasyon ang apo ko dito ipapakilala ko siya sayo. Mahilig ding magjogging iyon. Sigurado ako magkaka-sundo kayo."

Tumango lang ako sa matanda. Ang totoo hindi ako sanay na may kasabay tuwing tatakbo. I would rather do it alone. Weird na kung weird pero naiinis ako kapag may sumasabay sa akin at hindi na yata mababago iyon. Kahit mga kaibigan ko ay alam ang ganoong ugali ko.

"Sana nga ho. Mauna na ho ako Mrs. Mendoza." Paalam niya dito

"Sige."

Nagsimula na akong tumakbo sa subdivision at tulad ng dati ay may mga kababaihang nagpapapansin sa akin. Kilala ko na ang iba sa kanila dahil mukhang inaabangan talaga ako ng mga ito. Ang iba ay talagang lumalapit sa akin at nagtatangka pang sumabay. Hindi ko naman masabi sa mga ito na gusto ko lang ang mag-isa. Kaya naman binibilisan ko na lang ang pagtakbo. Habang tumatakbo ay nag ring ang cellphone ko at gamit ang nakakakabit na bluetooth earpiece sa tenga ko pinindot ko iyon para saguting ang tawag.

"Kaito speaking..."

"Good morning sir! Sir ipapaalala ko lang po iyong lunch meeting niyo kay Mr. Wong."

"Yes, I'm aware of that Mark. Cancel it hindi ako makaka-pasok ngayon."

"Copy sir. Paano po iyong dinner niyo sa anak ni Mr. Domingo? Ikakansel niyo din po ba iyon?"

"Yes, lahat ng meetings ko ngayon, dinner o kahit ano pa iyan cancel it. I will not come to work today." Tumawa lang ang sekretaryo ko sa kabilang linya.

"Let me guess sir. Tinatamad nanaman kayong pumasok?"

Napabuntong hininga na lang ako. Kilalang-kilala na ako ng sekretaryo ko. Okay lang naman na hindi ako pumasok. Hindi naman ako mamumulubi kung hindi ako papasok kahit isang taon. Tinatamad lang talaga ako dahil nawawalan ako ng mood, wala kasing thrill sa buhay ko ngayon. Hindi katulad noon na ginaganahan pa ako. Kung pwede nga lang sanang hindi pumasok ng isang taon gagawin ko pero baka naman biglang mag back-out ang mga investors ko.

My Dream Man Series: Kaito Tan (Uploaded In Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon