VIVOREE'S POV
"Matagal pa ba yan?" naiinis na tanong sakin ng best friend slash pinsan kong si Marianne.
"Teka lang." sagot ko naman.
"Bilisan mo na."
"Ba't kaba nagmamadali ah?" tanong ko sakanya na medyo naiinis na rin ako.
"Well nakakahiya naman kay Tita Claire kung malelate tayo diba?" sabi niya sabay irap.
"Hinahanap ko pa kasi yung bracelet ko eh. Tss. Tara na nga." ba't ba hindi ko mahanap yun? San ko ba nilagay. Tsk kainis naman oh.
"Ano bang meron sa bracelet na yun?" tanong sakin ni Marianne nung nakalabas na kami ng bahay. Nagpahatid siya sa driver niya dito sa bahay dahil dadalo kami sa birthday ni Tita Claire na kaibigan ni Mama at kapatid naman ng mama ni Marianne. Gusto kasi niya kaming makita bago siya bumalik sa America.
"Basta. Importante sakin yun." sagot ko naman.
"Whatever." sabi niya sabay irap ulit. Tsk. Sungit.
Sumakay na kami sa kotse ko. Tinatamad daw kasi siyang magdrive kaya sumabay na siya sakin. Ayaw niya lang umuwi mamaya eh. Sigurado akong mag-i-stay pa yan kay Tita.
••••••••
Pagkatapos ng ilang minuto na byahe namin, nakarating narin kami sa bahay ni Tita. Pinapasok niya kami sa loob ng bahay niya. Konti lang yung bisita niya. Yung iba kilala ko pero yung iba hindi. Nakita ko naman na papalapit sa amin si Tita Claire.
"Viv, kamusta?" tanong ni Tita sakin tapos ay niyakap niya ako.
"I'm okay naman po Tita. Kayo po?" sagot ko naman.
"Heto babalik na naman ako sa America. Sigurado akong mamimiss ko kayong lahat. Kamusta pala ang mama mo?"
"Okay naman po siya Tita. Namimiss ka na po niya."
"Namimiss ko narin yung kaibigan kong yun. Sayang lang at hindi niya manlang ako mabisita bago ako bumalik sa America."
"Nasa trabaho po kasi siya at hindi naman po pumayag yung boss niya na umabsent siya ngayon."
"Ganun ba. Teka lang Viv ha maiwan ko muna kayong dalawa dito. Marianne paki asikaso si Vivoree. Pupuntahan ko lang yung mga ibang bisita ko."
"Sige po Tita." sabi ni Marianne.
Naiwan kaming dalawa ni Marianne sa sala.
"Oo nga pala Viv hindi ako makakasabay sayo pauwi. Alam mo naman diba na ayaw kong umuwi sa bahay ngayon. Pagagalitan lang ako ni mama." sabi ni Marianne sakin.
"Alam ko. Kilalang-kilala na kita Maria." sabi ko naman at nakita kong tumaas ang kilay niya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayaw kong tinatawag ako niyan?" iritang tanong niya sakin.
"Bakit ba? Mas gusto kong tawagin kang Maria eh." pang-aasar ko naman.
"Whatever Vivo." napatawa nalang ako sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESTINY
FanfictionPosible kayang magkatagpo muli ang dalawang tao na nagkita na sa past? Pero paano nila malalaman kung bata pa sila noong una silang magkita? At paano kapag tutol ang mga parents nila dahil may past din ang mga ito? Tuluyan bang mauudlot ang kanilang...