Chapter 3

43 8 4
                                    

Piper Patrice's POV

As usual ako na naman ang nauna. Lagi naman ako ang pinaka maaga saming lima. Ano bang aasahan mo sa mga yun pagpa-agahan ang pasok? Tch. Lalo na si Zylei.

Pumasok ako ng room at iniwan ang bag sa upuan 'ko doon. Pagkatapos ay dumiretso ako ng library.

6:09 am

Maaga pa. Magbabasa nalang muna ako.

Uupo palang ako ng may narinig akong harok. Mahina lang siya pero maririnig mo talaga. Nilingon ko 'yon at umirap ako nang mapagtanto ko kung sino iyon. Dayo pa talaga siya dito ng tulog?

"Wake. Up."

Isang tapik ko lang ay agad siyang tumunghay. Pulang pula ang mga mata niya. Kulang ba 'to sa tulog?

"What?!" Tanong niya sakin. Sinamaan niya 'ko ng tingin.

"As far as I know this is a library. Not a hotel or room of yours."

"Pwede ba wag kang pakialamera? If I want to sleep here, then you don't care." Aniya at uubob ulit.

"Ryle Dan, I'm warning you."

I don't care at all. Pero ang pangit lang sa paningin bilang Class President niya. What if makita siya ng librarian? Edi ako ang masisisi? Hell no. Hindi porket anak siya ng adviser namin ay sasantuhin 'ko siya.

Hindi siya pati nakakatakot. Mas dapat siyang matakot sakin.

"Can you just fck off? I need to sleep!"

"As your class president, I command you to leave this library. Because this is for reading and studying not for you to sleep!"

Napapasigaw ako sa lalaking 'to. Naaaksaya ang boses at laway 'ko.

"And who are you to command me?"

"Piper Patrice Labuson. Class A, President."

Dabog siyang tumayo. "Fine! Aalis ako ng matahimik ka. Tangina." At tuluyan na siyang lumabas.

I smiled. Napapasunod naman pala.

It's already 6:50 at the morning and kailangan ko ng bumaba. Baka ma-late pa 'ko sa first subject. Which is Math. Sucks. Ibinalik ko na ang librong kinuha 'ko at nilisan ang library.

Pagkapasok ko ng room ay nasilayan ko agad ang mga kaibigan 'kong nakasunod ang tingin sakin.

"What?" Tanong 'ko sa kanila. Umiling naman sila sakin at naging busy na ulit sa kani-kanilang ginagawa.

Abnormal talaga 'tong apat na 'to. Dumako ang tingin ko kay Riette na busy sa pagsulat ng kung ano. Si Jaiden naman ay nakikipag kwentuhan kay Erin. While Zylei is texting.

"Naks, besh! Bago ah. New." Pansin ni Erin kay Zylei na tumatawang nagte-text. Tiningnan siya ni Zylei at inilahad ang limang daliri. Napatawa naman kami. So, Si boyfriend number 5 ang ka-text niya? Haha!

"Ako kaya kailan?" Bulong ni Jaiden na parinig naman namin. "Pag hindi kana tanga, besh." Sagot naman sa kanya ni Erin. Inirapan lang siya nito.

"Kayo ang kailan?" Balik tanong sa kanya ni Jaiden na kami ang tinutukoy. Napairap ako.

"I'm not into that. I have better things to do with my time." Sagot ko sa kanila.

"Yeah, your precious time." Nang-uuyam na sagot ni Jaiden.

"Girl, life is short. Kumilos ka, gumalaw ka. Sige ka baka maubusan ka." Tawa ni Zylei. Nakitawa naman si Riette.

"Girl, wag mo 'ko igaya sayo na parang mauubusan ng lalaki." Tawa 'ko rin sa kanya. "It's me na 'eh. You know, Zylei's Signature?" Tawa niya lalo. Kaya napatawa kami. Zylei, the playgirl talaga.

Brain Over Heart, Heart Over BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon