"The uaap men's basketball champion! The Ateneo blue Eagles!!"
Rinig na buong arena ang lakas ng sigawan ng mga tao na sumusuporta sa Ateneo men's basketball. Nanalo sila Aly sa laro na ang nakalaban nila ay ang La salle.
Ang daming mga reporters at photographer na kumukuha sa kanila pagtungtong palang nila sa mini stage sa gitna ng court.
Isa-isa silang sinabitan ng medal at agad na kinuhanan ng picture habang masayang pinapakita ang medal na nakasabit sa kanilang leeg .
"The finals MVP is ALEX VALDEZ" sabi naman ng commentator.
At dahil sa hindi inaasahan ni Aly sa sya ang magiging finals MVP ngayon ay hindi sya agad nakapagreact . Nagising nalang ang diwa nya ng tunulak-tulak na sya nila Greg papunta sa unahan ng mga ito.
Ngiting-ngiti nya tinanggap ang tropeyo. Itinaas nya ito habang ang daming kumukuha sa kanya ng litrato.
Agad nya hinanap si Dennise kahit na ang dami paring sumusunod na camera sa kanya. Nang makita nya si Dennise ay agad nya itong niyakap.. ang tagal ng yakapan nila kahit na pana'y ang kuha ng picture sa kanila ng nasa paligid nila. Wala silang pakialam basta masaya sila ngayon.
"Love, we won!" masayang sabi ni Aly ng maghiwalay sila sa kayapan nila.
"Yes. Love. I'm proud of you" masayang sabi naman ni Dennise kay Aly habang hinihimas ang pisngi ng nobyo.
Pagkatapos non hinanap nila Aly ang mga kaibigan nila at nakita nilang kasama din ng mga ito ang mga girlfriend nila, tinawag nya sila Greg na agad naman na lumapit sa kanilang dalawa ni Dennise. Nag group picture sila mag kakaibigan kasama nila ang mga girlfriend nila at pagkatapos non nag kanya-kanya sila ng punta kung saan nakapwesto ang mga magulang nila.
Kasa-kasama pa din ni Aly si Den dahil ayaw nya na bitawan ang girlfriend nya dahil madami din kasing tao. Pagkakita nya sa mommy at daddy nya agad sya kumakap sa mga ito nandon din ang Ate Alexa nya na sunod nyang niyakap.
"Congratulation Son." sabi ng Daddy ni Aly at bahagya pangginulo ang buhok ni Aly.
"We proud of you anak" sabi ng mommy at niyakap ulit sya nito.
"Congrats finals MVP" sabi naman ng Ate Alexa nya.
"Thank you family" natatawang sabi naman ni Aly sa mga ito.
Bago paman. Nilapitan na muna ng reporter si Aly para sa interview at para na din mag pasalamat sa mga supporters nila bago sila pumasok sa quarter nila.
"To all supporters , maraming salamat po sainyong lahat, sa lahat ng naniwala samen na makakaabot kame ng championship maraming salamat po, sa mga fans na walang sawang icheer kame, sa fans ko, sa ALYDEN fans, sa mga teammates ko, sa family ko, sa family ng mga teammates ko, sa coaching staff at kay coach. Thank you po sa inyo. At syempre sa inspirasyon ko araw-araw, sa girlfriend ko,Hi Dennise Lazaro! I love you, Love" pagkasabi non ni Aly agad na naman nag hiyawan ang buong arena hindi din mapagkakaila na madami din silang fans ni Dennise.
Pagkatapos mag pasalamat ni Aly, pumasok na sya sa room nila sa dugout kung saan nandon na ang mga kateam nya at kaibigan nya. Nandon na din si Dennise kasama ang Mommy't Daddy at Ate ni Aly.
"Iba talaga si finals MVP!!"
"Ayiiieeee! ALYDEN!!"
Tukso ng mga teammates ni Aly ng makapasok sya sa loob, narinig din kase ng mga ito yung sinabi nya kanina. Ngumiti lang naman sya sa mga ito dahilan ng tuksuhin ulit sya ng mga teammates nya.
Lahat ng players ay bumilog at bahagyang yumuko at nagakbayan. Ang mga mahal naman nila sa buhay ay masayang nakatingin sa kanila, yung iba pa nga kinukuhanan ng video o picture. Itong team na ito ang halimbawa ng manglalaro na lahat ay nakikiisa at sama-samang lumaban hindi nag lamangan at nag iiwanan sa laban. Makikita mo talaga sa kanila ang paghihirap at pursigido.
"Okay guys! I know binigay naman natin yung best natin kanina para mag champion tayo lahat ng sakit ng katawan, pagod at hirap sa pagtetraining para lang makuha natin ang gusto nating manalo. Lahat ng sakripisyo naten nag bunga. Nag champion tayo dahil sa pagtutulungan natin. Lahat tayo nagpakita ng galing at suporta sa isa't isa saaten. At ngayon dahil sa ipinakita natin kanina at sa mga laban natin naging champion tayo" sabi ni Greg na Captain sa kanilang team.
"ATENEO!" sigaw ni Ai.
"ONE BIG FIGHT' sabay-sabay nilang sabi at nagsitalunan pa silang lahat habang ang ibang nasa loob naman ay masayang nakatingin at pumapalakpak.
"Let's celebrate guys!" sabi naman ng coach nila kaya naman nagsihandaan na sila para sa celebration nila.
Pagkapasok na pagkapasok palang nila sa restaurant kung saan sila mag paparty sinalubong sila ng mga relatives at mga taga Ateneo. Habang lumalakad sila papuntang unahan kung saan sila muupo ay pinapalak-pakan sila ng mga ito.
Sinimulan na nila ang kasiyahan bawat isa sa kanila ay ramdam na masaya dahil sa pagkapanalo nila Aly sa basketball. Buong gabi sila nag celebrate kaya labis-labis ang tuwa nila para sa mga ito. May stage din nakaraan para sa nga taong nag papasalamat sa kanila at ngayon ang mga players naman ang naitunan para sa pagbibigay ng minsahe.
Hanggang sa tawagin ang mga players na gagraduate sa taon na'to. Kaya umakyat na sila Ai,Greg,Amyr,Mark at panghuli ay si Aly.
"Sa limang Taon na naging blue eagle ako at paglisan ko sa Ateneo alam kong madami akong mamimiss sa pag alis ko sa tinuring ko na ding pangalawang bahay, mahal ko ang Ateneo. Mahal namin ng mga kaibigan ko ang Ateneo halos mas maraming beses pa kame namalagi sa paaralan kumpara sa sarili naming bahay pero alam naman naten na hindi na pwede pang manatili pag ikaw ay nararapat ng umalis. Mananatili parin akong white and blue blood.. I'm Ai Nacachi from Blue Eagles signing off"
"Sa pagiging isang Ateneo at maging isang Captain ramdam ko yung pag titiwala nyo saken bilang Captain. Hindi naman ako magiging ganito kung hindi nyo ako pinagkakatiwalaan alam kong mahal nyo ako at mahal ko din kayo. Mahal ko ang Ateneo.. Ang hirap po talaga lisanin ng Ateneo lalo na kung napamahal ka na dito. I'm still white and blue blood. I'm Greg Ho from Blue Eagles signing off"
"Ang sakit naman para samin na iwan ang school na mahal namin. Pero magiging masaya parin kame dahil may mga bagay kaming naging masasayang alaala. White and Blue parin ako. I'm Amyr Ahomiro from Blue Eagles signing off"
"Yung pagalis namin sa Ateneo mananatiling alaala para samen kase Ateneo talaga ang naging lugar para makakilala ako ng mga kaibigan na kagaya nila (turo kila Aly) hindi lang naman ang lugar ang naging masaya kame dahil din sa mga tao na nandon dahil sinuportahan nila kame, sinuportahan nyo kame kaya ang laki ng pasasalamat namin sa inyong lahat. White and Blue blood parin. I'm Mark Tejada from Blue Eagles signing off"
"Sa Ateneo kung saan nakilala ako bilang misterious guy, kung saan nagkaroon ako ng mga kaibigan, naging matapang at dito din ako nakahanap o nakatagpo ng isang Dennise Lazaro na magmamahal saken😊 . Napakahirap man umalis sa lugar na'yon pero hindi namin makakalimutan ang lugar na'to na nagbigay saya saken mahigit limang taon. Dito ko din muli nailabas ang talento ko sa paglalaro ng basketball, mas naging nakilala ng iba kaya labis ang pagpapasalamat ko na naging parte ako ng team na ito. Salamat sa pagtitiwala samen at pag suporta nyo samen. Sa aming paglisan ng Ateneo nawa'y maging masaya parin tayong lahat. Mananatiling White and Blue blood ako. I'm Alex Valdez from Blue Eagles signing off. Thank you."
Pagkatapos nilang mag salita pinalak-pakan ulit sila ng mga taong nasa venue niyakap sila ng mga kateam nila kasama ang coaching staff at ang pamilya nila.