Hi KV's! Good evening. Hindi ito update. May hihingin lang sana muna akong favor sa inyo bago ko ituloy ang kwento natin.
Nung unang story ko, ang nasa isip ko lang na takbo ng kwento is yun nga. A love story between a fan and an artista. Hindi ko inexpect yung warm welcome and support na nakuha ko when I wrote that. Sobrang akala ko, malabong mangyari yun kasi madami talagang magagaling na authors diyan tapos magaling pa din magdala ng readers nila, may writing style and technique talaga. Kaya nung makita ko yung number of readers chaca yung comments and votes ninyo, sobrang natuwa ako kaya itinuloy ko na at naexcite akong gawin siya kasi nakakakilig at nakakatuwa yung mga comment ninyo. Maraming salamat.
Dito naman sa Bullies In-Love, hindi kasi ito sariling idea ko eh. Someone close to me just gave me this idea cause I was so desperate to write a new KierVi FanFiction kasi ayaw kong maghintay kayo ng matagal. So, nung una okay naman siya for me. Maganda. Okay yung takbo ng kwento. Nakita ko ulit yung warm welcome ninyo. Pero ewan ko nung tumagal na. Siguro dahil nga, hindi siya original concept, wala sa isip ko yung tamang takbo ng kwento. Kaya din siguro nung tumagal na, pumangit na yung kwento. Ewan ha? Para sa akin lang naman. So yun. Itinuloy ko. Ayoko din kayong iwanan kasi nasimulan ko na. Nakakahiya naman kung biglang mawawala yung "inaabangan" ninyo.
Pero ngayon..hindi ko na alam. Feeling ko hindi ko kayo nasatisfy. Ewan. Nagsimula ang feeling na toh, Chapter 15 palang ata, ganun. Feeling ko walang binatbat tong Bullies In-Love dun sa FanGirl to FanGirlfriend na kwento ko. Unti-unti nawawalan na ako ng gana. Unti-unti din, nawawala na yung ibang readers and commentors ko. Namiss ko sila. Haha! 😅😞
Anyways, eto na talaga yung totoong dahilan ng panawagan na toh.
Dahil alam niyo naman na yung reasons ko, pwede bang humingi ako ng favor sa inyo?
Sana mapagbigyan ninyo ako.
Gusto ko sanang sabihin ninyo sa akin ang tunay ninyong nararamdaman tungkol dito. Kung ano bang pangit, kung anong gusto ninyong part.
Magcomment lang kayo. Kung kailangan ninyong i-compare ito dun sa isang story, ayos lang sa akin. Kailangan ko din yun as motivation. Hindi lang din puro positive comments ang hinihingi ko, babies. Kailangan ko din ng negative comments para alam ko kung anong ii-improve ko sa writing skills ko. Please? Sana pagbigyan ninyo ako. Tell me everything. Your perspectives about this. Maghihintay ako hanggang bukas.
Eto lang kasi ang alam ko para maencourage ako. Pag nabasa ko na ang comments niyo, baka mas maencourage ako para mas maganda na ang mga susunod na updates. Ha? Basahin niyo sana ito and please respond. I need you all right now. Malapit na akong sumuko eh. Haha! Salamat sa time and effort, kung sinuman kayo na magcocomment dito at sasabihin sa akin kung anong dapat kong baguhin at kung anong dapat kong ituloy lang na writing skill. I love you all KV's!
Oo na, madrama na ako. Minsan kasi kailangan mo rin yun para may matutunan ka sa buhay eh. Just don't use it on bad intentions. Hehe. Byers! See you soon! 🤗❤
ibringsadness 😔