•|•THIRTY SIX•|•

41 0 0
                                    

Acel Kim

"AAA!", sigaw ni Clark nang ilapit sa kanya ang pinakamalaking sting ray na inaalagaan dito sa Sea Touch ng Saipan.

"ano ba naman Clark, mistulang sting ray lang.hindi ka naman nyan lalasunin, na-extract na yan jusko naman", asar ni Lexel na kinakapitan ni Clark ng mahigpit

"Kahit na hindi mo padin alam ang- AAH!", sigaw nito ulit ng takutin siya ni Vince na lumubog sa tubig saka hinila ang paa, dahilan para wisikan ni Clark ng tubig sa mata niya.

tumawa naman kami ni March sa kaduwagan ni Clark.

"halikan mo na kasi yung sting ray Clark!", sabi ni March sabay wisik sa tubig papunta kanila Clark

"back-out na nga ako eh!", sabi niya

"hinalikan na naming lahat Kuya Clark, ikaw nalang ang natitira. oh heto mamili ka, mag-isa kang papasok sa horror house mamaya sa resort tapos by batch kaming lahat, o hahalikan mo yang sting ray", hamon ko sa kanya

"wala! wala akong pinipili!", nginusuan kami nito

"papasok daw siya sa horror house", sabi ni Lexel, na pinalo naman ni Clark pagkatapos.

inakbayan ko si March habang sumandal naman ito sa dibdib ko, habang nag 'wooh' siya gamit ang kamay niya. hinalikan ko naman ang ulo niya 

tumayo si Clark habang huminga ng malalim saka naglakad papunta sa pinakamalaking sting ray 

"Go Clark!", sabi ni Cross na nakathumbs-up habang katabi niya ang fiance niya 

yumuko ng dahan-dahan si Clark, at nang lumapit siya tumalsik ang tubig sa mukha niya dahil sa pag-galaw kaonti ng sting ray. Nagulat siya

"No Angry?", tumawa ng malakas si Anderson at Mason

"Hanudaw??", halakhak ni Anderson na sinabayan nalang naming lahat habang heto, si Clark, parang komang kasi hirap na hirap humalik sa sting ray

makalipas ang ilang minuto. Oo minuto hindi segundo kasi literal na minuto ang tinagal ni Clark para lang mahalikan yung sting ray

"sa wakas makakakain din tayo!", ani Mason na nagmamadaling umahon sa tubig habang kinakaladkad si Andy

"tara na Acel?", sabi ni March na tumayo, palad niya nakalaan para tulungan ako

kukunin ko na sana ang kamay niya para tuluyan akong makatayo nang makaisip ako ng magandang salubong 

"huy!", ani March na natawa dahil nakatulala ako sa kamay niya

tingnan lang natin kung sino matutulala ngayon, napangiti ako

hinawakan ko ang kamay niya, naramdaman ko naman ang pag hila niya sa akin. 

hinila ko siya na ikinagulat niya naman saka siya natumba sa akin, braso ko nakapalupot sa bewang niya bago nagkasalubong ang mga ilong namin. Bawat kamay niya nakalaan sa dibdib ko habang tinititigan niya ako- malaki ang mga mata niya.

tinitigan ko muna ang mata niya bago ko tinitigan ang labi niya, sa dulo naman ng mga mata ko nakita ko ang pagtingin ng mata niya sa gilid, saka sumunod ang akmang paglingon nya pero inunahan ko siya sa pamamagitan ng paghaplos ko ng pisngi niya at paggaya ko sa ulo niya upang tumingin ng diretso sa mga mata ko

tiningnan ko ulit ng sandali ang labi niya bago ako ngumiti ng saglit saka ko siya hinalikan. di nakaimik si March habang hinahalikan ko siya, at nang tumigil ako, tinulak niya ako saka umalis- nag-aaktong galit

"uy! March!", tumayo ako saka ko siya hinabol

March Sanchez     

I stormed away fastly. Nakayuko ako habang pinipigilan ang ngiti na nagbabadyang kumawala sa bibig ko, at ginawa ang lahat ng makakaya para sumimangot

•|•Four Shades♦Jungkook ff•|•⚠TAGALOG⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon