Chapter 19

34.6K 730 14
                                    

Chapter 19

Seth’s POV

Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Yuri. Nasa tabi niya ako ngayon at binabantayan siya.

Naalala ko noon, ayoko talaga ng arrange marriage pero ng dahil sa kasulatan ni daddy na kapag dumating ang tamang oras, ako ang tutulong kay Tito Max (daddy ni Yuri) at mag memerge ang company nila sa amin sa pamamagitan ng pagkasal ko sa anak niya.

Nagkita kami ni Tito, pinakita niya sa akin yung itsura ng anak niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko basta ang bilis ng tibok ng puso ko. Pumayag ako pero di muna ako nagpakita sa kanya dahil gusto ko ako mismo ang makakilala sa kanya.

Nalaman ko na dun pala siya sa university ko nag aaral kaya naman I use my disguise as Vince the nerd. Malayong malayo sa totoong itsura ko at nag enroll din dun.

Kinuha ko rin yung schedule na kagaya nung sa kanya para mas lalo ko siyang malapitan. Nagulat nga ako nung nasa library ako at tumabi siya sa akin. Habang nagbabasa siya ay tinititigan ko siya. Ang ganda niya.

Nagpatulong din ako kay Sir Jude para maging partner kami sa isang activity at dun ko nalaman na matalino din siya.

Sabado nung linggong yun kakagaling ko lang sa lunch, pumasok agad ako sa elevator para i-meet yung mga investors na nasa lobby. Nagulat ako nung bumukas yung elevator sa 2nd floor at siya ang nakita ko. Tss... company nga pala nila yun.

Yung nangyari sa elevator, di ko din yun inaasahan pero habang magkasama kami, halos mabaliw yung puso ko sa lakas ng tibok. Hanggang ngayon nga pala hindi niya pa rin naibabalik yung coat ko, na sakanya pa kaya yun?

“Mmhh” natigil ako sa pag iisip nung marinig ko si Yuri.

“Yuri?” lumapit ako sa kama niya at hinawakan ang kamay niya.

“Seth?” tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

“Anong gusto mo?” tanong ko.

“Nagugutom ako” medyo natawa ako sa sinabi niya. Lumabas ako at tinawag si Manang para magpaluto.

Yuri’s POV

Ang sweet talaga ng asawa ko! Hindi siya pumasok ngayon para alagaan ako. Pagtapos kasi ng nangyari kahapon bigla na lang daw ako nawalan ng malay at yun nilagnat din ako.

“Gusto mo pa ba? Magpapakuha pa ako kay Manang” tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

Tinawag naman niya si Manang na ngayon ay may bitbit na panibagong tasa ng lugaw. Sinusubuan niya ko kahit sinabi ko ng hindi naman ako baldado, pero nagpumilit pa rin siya kaya hinayaan ko lang.

Sa totoo lang nagulat ako nung nalaman ko na sila ni Vince ay iisa. Ang weird kasi ng feeling ko para sa kanilang dalawa eh ayun pala iisang tao lang sila aish =_=. Dun ko din naisip na Rutherford University nga pala ang pangalan ng school na pinapasukan ko, sinunod sa last name niya. Tsk, shunga lang eh.

This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon