Yuri’s POV
Yehey!! May date kami ni Seth ngayon!
Agad akong naligo at nagbihis nag blouse lang ako at jeans and doll shoes. Bumaba agad ako at nakita ko si Seth na nakaupo sa sala at nakangiti.
“Ready?” tanong niya sakin kaya tumango lang ako.
“Where are we going?” tanong ko sa kanya nung magsimula na siyang mag drive. “That’s a surprise” sagot niya.
Tinignan ko lang siya. Magkahalong Seth at Vincent ang kasama ko ngayon. Seth ang porma pero yung mukha niya si Vincent. Naka ayos pa rin naman yung buhok niya as Seth at nakasuot siya ng dark green contact lens, yung mata niya nung nakilala ko siya as Vince tapos nakasalamin pa. Ganun ba katindi ang labo ng mata nito?
“Bakit naka contact lens ka pa kung nakasalamin ka naman?” tanong ko out of nowhere.
“Green ang mata ni Vince di ba? While Seth is brown” then he winked at me. Psh.. nagdidisguise pa rin alam ko na rin naman sikreto niya.
After minutes of driving nag parking muna kami tapos nilagyan niya ng blind fold yung mata ko.
“Wag kang sisilip ha” suway niya.
“Opo boss” sagot ko naman.
Naglalakad kami ng mahigit siguro 3 minutes tapos pinahinto niya ako. Unti unti niyang tinanggal yung blind fold kaya naman nagulat ako sa nakita ko.
May red carpet sa gitna tapos may mga petals na nakakalat. Ang dami ding paro paro na lumilipad at iba iba ang kulay. Ngayon ko lang naisip na nasa butterfly garden pala kami.
“Shall we?” tanong niya habang nakataas yung kanang braso niya. Humawak naman ako dun at nagsimula na kami maglakad papasok.
Di ko maiwasan ang mamangha. Ang ganda talaga.
“Do you like it?” Seth.
“No, because I love it!” napangiti naman siya sa sagot ko.
Pagdating namin sa dulo, may pinasukan kaming maliit na green house tapos yung dingding na salamin ay tinakpan ng pulang kurtina para medyo dumilim. Nung pumasok kami dun at may nagsara ng pinto at isa isang umilaw yung mga lantern.
Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. Pond na yung nasa loob at ang tanging sementado lang ay yung dadaanan namin at yung nasa dulo. May mga white lotus, Lilies at orchids sa tubig tapos may mga paro paro pa din kaya mas lalong gumanda.
Lumapit kami sa isang lamesa at may mga pagkain na nakahanda dun. Pinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa harap ko.
“Seth, Thank you” pasasalamat ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
This Nerd Guy Is A Mafia Boss (Under Revision)
AcciónOne guy with Two personality. Will you fall for him?