Chapter 26: Quarrel Again? & Again?

785 8 1
                                    

HUWAWWWWW! Hayyyyy ;))) Naghikab hikab ako at nag inat tsaka ko binuksan yung bintana sa tabi ko, Ganda ata ng panahon ngayon ah?! Hindi mainit at mahangin pa. HAHA! Natural, umaga pa kase. Liningon ko si Mark pero wala na siya dun. Nakaligpit na rin yung kumot at unan na pinahiram ko sa kanya. Tinignan ko kung andyan pa yung bag niya pero wala na rin. Tapos tinignan ko yung ilalim ng unan ko kung andun pa yung phone niya pero wala na rin. Ano yun? Umuwi na nang ndi man lng nagpapaalam? At nagpapasalamat? Hindi pa man din ako pumasok para sa kanya eh ._. Naghilamos na tuloy ako para makapagluto na rin ng umagahan ko.

Ash: Pasko na naman o kay tulin ng araw, paskong nagdaan tila ba nung kailan lang... (kumakanta)

Parang may narinig akong tunog ng mantikang pamprito sa kusina? Sino yun? o.O Si Mama ba? Tignan ko nga.

O.O Ibang klase rin pala tong pasyente ko? Nagluluto pala kaya WALA?

Ash: Huyy? Ano bang ginagawa mo diyan?

Mark: Hindi mo ba nakikita?

Ash: O..OO alam kong nagluluto ka pero bakit mo ginagawa yan? Mahiga ka nga dun. Sige na... Ako na diyan...

Mark: Bat di ikaw ang mahiga?

Ash: Ano? Anong sinabe mo?

Mark: Sabe ko, mahiga po kayo dun madam..

Ash: tse! Bahay ko to kaya pag sinabi kong mahiga ka dun, hihiga ka dun!

Mark: Ako ang lalaki dito, dapat inaalagaan ang babae, kaya kapag sinabi kong IKAW ang humiga dun, Ikaw ang hihiga dun.

Eh. Ang kulet pala ng pwet nitong mokong na to eh? Pero ang gentle niya ah? O nagpapaka lang? Kasi may utang na loob siya saken? HAHA! Ang sweet naman nito ._. Pero hindi, hindi pwede. Hindi ako pedeng mainlove pa lalo.

Ash: Ako na nga diyan, sige na, dun ka na..

Mark: Ashleen, ano ba!

Nag aagawan na kami sa sandok eh.

Ash: Ang kulit naman kasi ng lahi mo eh!

Mark: Oh? Wag kang iiyak, mahal ang gatas.

Hhahahaha? Funny? Duhh. Nang aasar pa kasi eh. Ang kulit,

Ash: Urrrgghhhh >.< Pag ako hindi nakapagpigil, kahit may sakit ka, papatulan kita.

Mark: O edi tayo na agad? Wag muna. Hindi pa nga ako nanliligaw sayo eh.

;''> Shettttt <3 Kinikilig ako, takteeeee. Ano beyyy?! Hmm. Ang hirap magpigil ng kilig ah?! Hindi nakakatuwa, ._.

Ash: Kapal ng face nito. Mark naman eh,.... Ako na nga kasi dyan. Namumula pa nga yung mata mo uh?

Mark: Sorry but I'm a better cook than YOU.

ANG HANGIN!

Ash: Oww? Liparin ka sana sa lakas ng hangin mo! Yabang Yabang nito. May lagnat ka pa nga!

Mark: Who caresssss?

Ash: Ako! Bakit?! Angal ka?

Hindi siya nakapagsalita at napatingin nalang siya saken. Inagaw ko na agad sakanya yung sandok.

Ash: Oh? Ano nangyare sayo? Natulala ka diyan? Masusunog na yung itlog na piniprito mo, manong. Upo ka na nga dun..

Good. Naupo naman siya. Hahaha! XD Yun lang pala magic word dun eh? '' I CARE''. Gulat si loko eh.

Inihain ko na sa harap niya yung sinangag at itlog.

Ash: Oh. Yan. Kumain ka na.. Nang makainom ka na ng gamot mo..

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon