Ang bilis nga naman talaga lumipas ng panahon, patapos na agad ang final exams. Ibig sabihin bukas ay sembreak na. Syempre lahat kami ay tuwang-tuwa dahil tapos na ang first sem. Pero paano si Venus? Baka mamiss ko sya sa loob ng halos isang buwan. Ok lang yun, para isang buwan lang naman. Hindi naman kami kaya hindi ko agad sya mamimiss sa loob ng ganun kaikling oras. Pero bakit nga ba? Bakit hindi naging kami sa haba ng panahon na magkasama kaming dalawa?
Kasi kuntento na ako at masaya sa status namin. Kahit hindi nya alam, pwede ko naman iparamdam na mahal ko sya sa paraan na alam ko. At yan ang dahilan kung bakit hindi ko sya tinapat.
Pinuntahan ko muna sya sa kanila para magpaalam bago ako umuwi samin.
"Hey bestfriend, uuwi na ako mamaya. Bye, mamimiss kita," sabi ko sa kanya.
"Bye-bye bestfriend, mamimiss din kita. Sabay na tayo mamaya sa sakayan hah," sagot nya sakin.
"Ok," tapos umuwi na ako para ihanda yung mga gamit ko.
Nung natapos ako, pumunta na ako kina Venus para isabay sya papunta sa sakayan. Naabutan ko naman sya na papalabas na kaya kinuha ko yung mga gamit nya tapos dumiretso na kami sa sakayan.
Magkaiba kami sinakyang jeep kasi magkalayo pa yung lugar namin. Kung gaano kalayo yung lugar namin dito, ganun din kalayo yung kanila. Sa kabilang daan nga lang sila kaya malayo.
Nakarating ako samin pagkatapos ng isang oras. Siguro nakarating na din si Venus sa kanila. Kaya naman agad ko syang tinext para kumustahin.
"Bestfriend nakarating knb?" tanong ko sa kanya.
"Oo bestfriend, kakababa ko nga lang ng jeep," sagot nya.
"Ah ganun, kumusta ang byahe?" tanong ko ulit.
"Ok naman, kaya lang ang bigat nga pala nung mga gamit na dala ko kanina, buti nalang binuhat mo. Thanks bestfriend:-)" sagot nya ulit.
"Sure, anything for you," tapos nakatulog nalang ako bigla dahil siguro sa pagod.
Mga 5:30 ng umaga nung nagising ako. Pumunta ako sa tabing dagat para mag-jogging at maligo. Bigla kong naalala na itext si Venus kaya kinuha ko agad yung phone at tinext sya.
"Gudmorning," bati ko sa kanya.
Tapos bumalik na ako sa paliligong dagat hanggang 8:00 ng umaga. Pagkatapos nun, wala na kong gagawin. Sobrang nakakabato ngayon dito sa bahay. Prang wala lang akong gagawin ngayong bakasyon kundi ang kumain, matulog at manuod ng tv. Lalo ko tuloy namimis si Venus.
Samantalang nung may pasok pa, may ginagawa ako kahit gumising, kumain, pumasok, at matulog. Kahit parang nakakaboring, mas mabuti na yun at palagi kong kasama si Venus. Ang isa sa mga dahilan kaya ako pumapasok.
Kapag nga bad mood sya, bad mood din ako eh. Parang masaya lang na gayahin ang pabago-bago niyag ugali. Si Venus kasi ay naiiba sa lahat ng babae. Sobrang unique nya kumpara sa ibang babae na kakilala ko. At yun ang pinaka-gusto ko sa lahat ng kanyang katangian.
At sa totoo lang, namimiss ko na agad sya. Kaya naman palagi ko syang tinatawagan at tinetext para kumustahin. Ako kaya, namimiss din kaya ako ni Venus? Hindi ko alam, siguro dahil bestfriend nya ako. Pero iba ako, dahil bestfriend ko sya at mahal ko sya.
Nagbukas ako ng facebook account at una kong nakita yung mga picture nya sa kanila. Agad ko itong inilike, ako nga ang unang naglike. Sakto kasi na pagbukas ko ng facebook ko kasabay yung pag-upload nya ng pictures. Hindi ko naman namalayan na hindi na pala ako basta nakatingin sa picture nya na kaa-upload lang, nasa timeline na nya ako at tinitingnan yung iba nyang mga picture. Miss ko na kasi sya, saka hindi ako magsasawa na tingnan kung ganyan naman kaganda ang titingnan ko palagi.
Bigla naman nagyaya yung mga classmate ko nung highschool na tumambay kami sa tabing dagat. Sumama ako, siguro isang paraan din ito para hindi ko sya masyadong isipin. Siguro nao-overdose lang ako kay Venus. Kailangan kong magpaka-busy para mabawasan ng kahit konti yung masyado kong pag-iisip sa kanya. Kaya naman nagbihis na ako at tinext agad yung iba ko pang kaklase. Pumunta ako sa bahay nung isa kong kaklase kung nasaan yung iba pang kasama. Magkakasabay kaming pumunta sa tabing dagat na may dalang kung ano-anong junkfoods. Syempre, bonding time muna. Ilang buwan din kaming hindi nagkita-kita. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-anong nangyari sa aming mga school na pinasukan.
Sandali kong nakalimutan na may isang tao nga pala akong nami-miss, si Venus. Ano kayang ginagawa nya ngayon, iniisip ko. 9:00 na pala ng gabi. Hindi namin namalayan ang bilis ng oras. Kasi napasarap ang kwentuhan at kulitan kasama ang mga dati kong kaklase.
Pagdating ko sa bahay agad kong tinext si Venus, "hey bestfriend, kmusta?"
"Ok lang, pero mejo nkakaboring dito sa bahay," sagot nya.
"Edi lumabas ka ng bahay at maglaro para hindi ka mabored," sabi ko sa kanya.
"Ngek, nakakatamad kaya," sagot nya.
"Kaya k nman pala naboboring eh, tnatamad ka."
"Hay nako bestfriend, kung ikw ang nasa katayuan ko, tatamadin ka din," napatawa naman ako sa text nyang yun.
"Bakit ka b tnatamad?" tanong ko.
"Basketball lang ang gustong laruin ng ksama ko."
"Maglaro ka parin, masaya nman yun," sagot ko sa kanya.
"Alapa, hindi ako maalam," sabi nya.
"Basta ihagis mo lang yung bola sa basket," pagbibiro ko sa kanya.
"Hahah, un n nga ang problema."
"Cge, may ggwin pa ako e," tapos pumunta ako sa basketball court para maglaro. Masaya naman ah, pero bakit kaya ayaw ni Venus laruin?
---------------------------------------------------------
Dont forget to VOTE and COMMENT guys!!!
Thank you,

BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Ficção AdolescenteDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.