Bakit Kaya? ( One Shot )

43 2 5
                                    

"Mahal na mahal kita."

"Akin ka lang."

"Nagseselos ako kapag may kasama kang iba."

"ikaw lang talaga mahal ko, wala ng iba."

"Tanggapin mo na, mas gwapo lage ako sayo."

        Madalas niya yan sabihin sa akin, sa text. sa personal? Hindi. Torpe kasi siya. Pero, kahit torpe yun, mahal na mahal ko yun. Binibigyan niya ako ng flowers every Valentines' Day, araw-araw kaming nagte-text, bawat nga makaabot kami ng 600 conversation na puro 'I love you' lang.

        Haaay. Yang mga yan, hindi na yan siguro mauulit pa. Ako kasi ang may kasalanan. Biruin mo, minahal niya ako nang sobra tapos ano ginawa ko? Hiniwalayan ko siya sa hindi matukoy na dahilan. bigla ko na lang binalewala ang relasyon namin, hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Iniwan ko siya sa ere at hindi na rin siya nagparamdam pa.

        

        Dalawang buwan na ang nakalipas, maayos na ang lagay ko, nakamove-on na ako sa kanya. Ngunit nang nakita ko siya uli, bigla na lang bumalik sa isipan ko ang magaganda naming alaala, nagka-tinginan kami kami at sabay ngiti sa isa't-isa. Nalaman ko na lang sa mga kaibigan ko, na meron na pala siya bagong kasintahan, masaya siya sa bago niyang kinakasama. bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Teka, ano ba 'to? Dahil ba ito sa nalaman ko? Nagseselos ba ako? tss. Karma ko na siguro ito, iniwan ko kasi siya sa hindi matukoy na dahilan, kaya karma ko na talaga ito. Bigla ko nasabing, "Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon." Pero huli na ang lahat, may mahal na siyang iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Kaya? ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon