Spoliarium

9 1 0
                                    

Kabanata 5

Cathy's point of view

Habang abala ang lahat sa pag-iyak at pag-aalala, bigla akong napatingin sa obrang ginawa ni Claire. Masasabi kong ayon ang pinakamagandang nagawa nya sa lahat. Nangunguna ang kulay na pula at itim na nagbibigay takot sa kung sino mang titingin.

Isang obrang naglalaman ng isang walang awang pagpatay. Isang aninong may hila-hilang dalaga, tama! Si Claire ang babaeng yun dahil sa kulay ng damit nito na ngayon ay suot nya. Isang madilim na paligid, maraming taong nakatingin ngunit walang naglakas loob na tulungan ang dalaga. Walang puso!

Nilingon ng lahat ang painting nang marinig nila ang malakas kong pagtili. Naibagsak ni Aling Prising ang kanyang hawak na cellphone pagkatapos makita ang obra. Napayakap ng mahigpit si Tiny kay Mariella, nanlumo ang mga tuhod nito at bigla na lamang bumagsak sa kawalan.

Ano ang nais ipahiwatig ng madugong obrang ito?

"Cathy umilag ka!?" Isang malakas na tinig ang narinig ko mula sa bibig ni kuya Rude.

Hindi pa man nahihimasmasan ang lahat dahil sa pagkahimatay ni Tiny ay mayroon na agad na sumunod. Gaya ng sinabi ni kuya Rude ay agad nga akong umilag.

*_*

Rude's point of view

Nang biglang himatayin si Tiny ay agad kong nakita ang isang nakaitim na may takip na itim din sa mukha, may hawak itong matalim na pana. Hindi ko man tingnan ng diretsyuhan ay alam kong kay Cathy iyon nakatutok. Walang pagdadalawang isip na sinigawan ko si Cathy na umilag na agad nya ring ginawa. Salamat at walang nangyaring masama!

"Number 1 !?"

Isang tinig mula kay Aqua ang nagpalingon sa lahat. Sa mahabang palaso ay may nakasulat na numero..."1", habang nakaturok sa painting.

Kinilabutan ako sa aking nakita, sa tingin ko ito ay hudyat ng pagsisimula. Tama! Simula palang ito at may susunod pa. Wag naman sana.

'_'

Tiny's point of view

Papatayin ko kayong lahat nang sa gayon ay makabalik na ako sa aking mundo at mapili bilang isang reyna. Treseng bata para maging maganda HAHAHAHAHAHA!

"TINY gumising ka!"

Nagising ako mula sa isang bangungot na nagpatayo ng aking balahibo. Salamat kay Mariella sa pag-gising sa akin kaya ako nakawala sa bangungot na iyon.

"Grabe ka Tiny ang lakas mong umungol! Kala ko hindi ka na magigising sa bangungot na iyon nang maabutan kitang ganun yung sitwasyon mo. Haysss!"

"Salamat Mariella."

Mahahalata mo sa mukha ni Mariella ang pag-aalala sa naganap sa akin. Isa nga talaga syang mabuting kaibigan!

"Tatlong araw ka nang tulog! Buti at nagising ka pa, iyak na ko ng iyak eh! Huhuhu!" Malambing sambit ni Mariella

"Huh? Tatlong araw? P-Pano..."

Agad na pinutol ni Mariella ang aking pangungusap.

"Huwag nang maraming tanong! Magpahinga ka lang dyan at kukuha ako ng makakain natin."

Naurong na nga ang dila ko pagkatapos ng sermon sa akin ng babaitang yon! Ano bang nangyari sa akin, dahil ang naalala ko lang ay n-nahimatay ako dahil sa PAINTING! Tama! Isang obrang nagpapakita ng walang awang pagpatay na alam kong may koneksyon sa pagpatay kay Ate Claire. Pero wala namang bakas ng dugo sa katawan ni Ate Claire liban sa kanyang noo na may palaso. Aaahh! Ayoko ng isipin ang litratong iyon sa aking isip, dahil naaawa lang ako kay Ate Claire kapag naaalala ko iyon.

The OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon