Simula nung confession niya lagi na kami magkasama. As in! Hindi na nga ata kami mapag hiwalay eh. Wagas kung wagas pero totoo yun.
Hindi maipaliwag na saya ang nararamdaman ko sa bawat araw at panahon na kasama ko siya. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano. Pero lagi ko sinasabe kay Lord na sana siya na talaga. SANA.
Mabilis lumipas ang panahon at ngayon ay bakasyon na. Sa kuhanan na ata ulit kme ng card magkikita. Medyo matagal pa pero syempre kakayanin. At ayoko rin maging masyadong clingy. Hindi pa naman kami at wala pang ligawan ang nagaganap.
Dumating na ang araw ng kuhanan namin ng card. Maganda naman grades ko pwera lang talaga sa Chemistry. Huhu wala na ata talaga ako pag asa dun. Pero bahala na babawi nalang ako next school year. Mas madali naman raw last yr ng pagiging highschool eh. SANA NGAAAAAA T_______T
Haynkoo sure ako matataas grades ni Ethan. Iyun pb??
Iyun na ata ang pinaka masayang taon ng buhay ko hanggang sa naka graduate kami ng high school, hanggang sa nakatungtong kami ng kolehiyo.
Naging mahirap sa amin na magka hiwalay ng school, kasi siya sa malapit lang samantalang ako sa Maynila, kung saan gusto ng mga magulang ko na pag-aralin ko.
Sobrang hirap. Minsan napapagod na akong makipag kita kasi laging pagod sa byahe at sa school.. hanggang sa pati siya napagod na.
Pinili naming tapusin kung anong meron kami nang ganun lang..
Nasanay ako na palagi kaming magkasama. Nasanay ako na palagi niya akong inihahatid sa sakayan ko. Nasanay ako na kausap siya. Nasanay ako sa kanya.. kaso ngayon wala na siya..
BINABASA MO ANG
Waiting for Nothing??
Short StoryAuthor's Note: Dinelete ko po yung nauna. Waitng for Nothing pa din po title pero marami na po ako binago. Karamihan po nang tungkol sa characters dito ay binase ko sa mga tao sa paligid ko at saakin mismo. In short, hugot po itong story na ito. HAH...