[cont. CASS POV]
this was actually quite sweet, almost romantic..
"W-Why didn't you?" halos pabulong kong bigkas dahil sa kabang nararamdaman ko.
"I was scared! I have never felt that way before.. Naisip kong kailangan ko ng makaalis bago ka pa man magising dahil pag nagkaabot tayo ng mga oras na yun, hindi ko na kakayaning umalis pa sa tabi mo. kaya agad akong umiwas sa posibleng magiging bagong relasyon natin dahil ang akala ko noon, hindi ko kayang maalagaan ka bilang girlfriend.."
malungkot akong napayuko.
"I didn't want to break your heart Cass.. hindi ko pa kayang humawak ng isang seryosong relasyon noon, baka mapunta lang sa wala at mas masaktan ka lalo."
"You did a great job.." mapait kong sabi.
"I'm so sorry muffin.. I really did think it was for the best. Naisip kong mas masasaktan ka lang sa akin tulad ng ibang mga babae kapag pinalawig ko pa ang magiging relasyon natin." sincere na sabi ni Carter.
"So bakit mo ako inignore?" taas kilay na tanong ko
"Dahil kung pipilitin nating maibalik ang dati nating samahan, imposibleng mawala ang nararamdaman ko para sayo kaya saglit kitang nilayuan. and I didn't mention it dahil gusto ko ring makalimutan ang katotohanan na it was the best night of my life.."
tila may bumikig sa lalamunan ko pero pilit pa rin akong nagtanong para mawala na ang mga katanungang isang taon nang nasa utak ko.
"Then bakit lagi mo sa akin yun ipinapamukha?"
"I admit napakasama ko nun pero sinimulan kitang asarin nang malaman kong kayo na pala ni Kyle. bago pa man maging kayo, sinubukan kong mabalik ang closeness natin pero ikaw na ang umiiwas kaya nagpapapansin na lang ako sayo.. napaka-istupido ko para isipin na you wouldn't find anyone else.. Akala ko one day maggo-grow ako at mapapanindigan ko na ang nararamdaman ko sayo " mahabang paliwanag ni Carter.
malungkot akong nagpout ng lips.
nagpatuloy sa pagsasalita si Carter.
"I saw how happy you were with Kyle.. and sorry dahil dala ng inis, lagi kitang naba-blackmail.. but In a way, it was to remind you of what happened between us.." wika nito sabay ngiti ng pilyo.
ngumiti ako. "Jealous?"
natawa si Carter.
"Ok yes.. nagseselos ako. and.." tumigil ito saglit. "I didn't want you to forget about me.." nahihiya nitong dugtong.
nanatili lang akong tahimik habang nagre-replay sa utak ko ang mga sinabi nito.
nang matagal akong hindi sumagot, narinig ko ang malakas na pagbuntong hniinga ni Carter.
"C'mon Cassidy, ang haba ng mga pinaliwanag ko, ibinaba ko na rin ang Ego ko.. maybe some feedback would be nice?" nakasimangot na wika nito na may halong pagkainip sa mukha.
natawa ako. kanina lamang parang ang amo nitong tupa habang nagco-confess ng feelings sa harap ko, ngayon bumabalik na naman ang pagka-jerk nito.
muli akong sumeryoso at tumingin sa table.
"You broke me Carter.. Nang magising ako ng umaga na iyon na wala ka sa tabi ko, halos hagulgol ang ginawa ko.. Never pang nangyari yun kahit sa pag-aaway namin ni Mommy. At nang pumasok ako sa school pinilit kong umakto ng normal kahit nagpupuyos ako sa galit. I hated you Carter. and I still do.."
malungkot na umupo si Carter sa tapat ko at pilit na hinuhuli ang mga mata ko.
"Muffin.. from the bottom of my heart, I'm sorry.." mangiyak-ngiyak na wika nito.
hindi ako nagsalita.
tumingin sa kabilang parte si Carter upang hindi matuloy ang nagbabantang mga luha. aminado ito sa mga kasalanan niya.
Nakadama ako ng tuwa. nakita ko naman ang pagsisisi nito at natutuwa ako dahil tila bumalik ang dating trato nito sa akin.
nang hindi pa rin ako nagsasalita, tinanong ako ni Carter.
"Why you didn't want me to touch you?"
tumingin ako ng seryoso dito. alam ko tatanungin ako ni Carter tungkol doon.
"Yung mga taong pinapahalagahan ko tulad nina Shane, Kyle at Mommy, hindi ko sila nahahawakan at hindi nila ako nakikita man lang..Napakasakit na yung mga taong mahal mo lumalagos lang sa katawan mo at di nila alam na nasa paligid ka lang.. pero ikaw, nakikita mo ako and It made me feel like I existed." mahabang paliwanag ko at huminga muna ng malalim bago nagpatuloy.
"I didn't want you to touch me because I didn't want you to go through me like I wasn't there. masaya na akong may nakakausap, nakakaakto ng tila normal na tao pag kasama ka. ayokong maging kaluluwa lang para sayo.."
masayang ngumiti si Carter, tumayo ito sa upuan at naglakad papunta sa akin.
Umupo ito sa tabi ko.
lumingon ako sa lalaki na nakadiretso pa rin ang katawan.
"You are the only thing that made me feel alive.." halos pabulong na wika ko.
Nakita ko ang fondness sa mga mata ni Carter.
hinawakan niya ang gilid ng stool na inuupuan ko at iniikot ito paharap sa kanya.
nagkatitigan kami and without a warning, he kissed me.. And I felt it.
Naramdaman ko ang fireworks na dumaloy sa akin habang tila sinasaliksik ni Carter ang bawat tamis na dulot ng aking labi. hinawakan nito ang buhok ko pababa sa likuran, hinagod hagod iyon at bahagyang itinulak upang magkalapit lalo ang mga katawan namin.
Nang halos mawalan ng hangin, dahan-dahang inilayo ni Carter ang kanyang mukha at tinitigan ang bawat parte ng mukha ko. tila nakita nito ang bahagyang pamumula ng mga pisngi ko kaya hinawakan iyon ng lalaki habang hinahaplos ng right thumb nito ang cheekbone ko.
nahihiyang ngumiti ako dito.
ngumiti rin si Carter.
hinalikan niya ang noo ko pagkatapos ay idinikit nito ang ilong sa tungki ng ilong ko at mahinang sinabing...
"You'll never be dead to me Cassidy."