Chapter 1:

112 2 1
                                    

"Mahal na mahal kita.." sabi ng isang lalaki sa babaeng nakatayo. Pero Hindi umiimik ang babae.

Madalas naman silang lumalabas ngunit.. Hanggang dun nalang ba iyon? Hindi na ba iyon mahihigitan pa?

"Kathy.. Answer me, minahal mo ba ako?" Muling tanong ng lalaki sa babae.

"Oo naman." Tugon niya. "Kung sa ganon, bakit hindi ko nararamdaman ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin?" Malungkot na tanong ng binata.

"Dahil.. May iba na. I'm s-sorry. " Naiiyak na sagot ng babae. Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka.

"Di ba nagsumpaan pa tayo na kahit kailan, hinding-hindi tayo magiiwanan?"

"Oh come on, Andy! Sadyang manhid ka ba o nagbubulag-bulagan ka lang?! Walang tayo! Nagsumpaan tayo na walang iwanan kasi Best Friends tayo! Hanggang doon lang iyon!" Nagulat ang binata ng sinigawan siya ng babaeng nangangalang Kathy.

"Kung iyan ang ikaliligaya mo.. Sige. Iwan mo ko. Simula ngayon, hindi na kita kilala.."

And with that, he left. Labag man sa kalooban niya, wala siyang magagawa dahil handa siyang pakawalan ang pinaka-mamahal niyang babae para lang lumigaya ito.

Lumipas ang dalawang taon at nabalitaan ng Binata o si Andy na namatay na si Kathy. Ang mahal niya. Hindi na siya nagdalawang isip pa na puntahan ang tree house nila.

Nang makapasok na siya, doon na siya nagmukmok. Hindi niya matanggap na namatay na ang pinakama-mahal niya.

"Bakit.. bakit ikaw pa? Bakit ba kase ikaw ang tinitibok ng puso kong ito?!" Halos mabaliw na si Andy kakasigaw sa mga litrato nila. Ngunit may napansin siyang papel. Kinuha niya ito at binasa.

Mahal kong Andy,

Siguro habang binabasa mo ito ay patay na ako. Mami-miss kita.. Ilang taon na kitang minamahal ngunit hindi ko magawang ipagtapat sa iyo dahil ayaw kong masaktan ka.

Pinakawalan kita dahil may Cancer ako.. Cancer of the brain. Sobrang lala na ng sakit kong ito at alam ko na isang araw, pwede na akong mamatay.. Sana naman ay maintindihan mo na iniwan kita dahil mahal kita. Na dahil ayaw kitang masaktan.. Maghihintay ako. Maghihintay ako dito. Mahal na mahal kita, Andy.

Nagmamahal,

Kathy

Ng matapos niya itong basahin, hindi na siya nagdalawang isip pa. "Aking Mahal, magkikita na muli tayo ngayon."

END.

_______

Minahal mo rin ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon