GREG POV
"Dude alam nyo kung saan pumunta yung mga girls?" tanong ni Mark habang naglalakad kame dito sa sea side malapit sa mall.
Magkakasama kase kame nila Aly. Dude bonding ba kumbaga tapos yung mga girlfriend naman namin ang magkakasama ngayon.
"Nasa bahay lang daw sila nila Dzi eh, yun kase ang sabi ni Jirah"--Mark.
"Parang may nakakahalata parin saten kahit na nakacup tayo mga dude" sabi ni Amyr.
Tumingin naman kame sa paligid namin may ilan kaming nakikita na napapatingin samin.
"Balik na kaya tayo, pumunta nalang tayo kila Dzi at makisama kila Dennise don" sabi ni Aly.
"Oo nga. Baka dumugin pa tayo dito" sang ayon ko sa sinabi ni Aly nag siayunan din naman yung tatlo kaya bumalik na kame sa van na dala namin.
Malapit na kame sa sasakyan namin kung saan nakaparking yung van ng bigla may bumunggo saken. Ang lakas men kaya naman tinignan ko kung sino yung taong yon. Pagtingin ko nakatingin din saken, hindi pala. nakatingin samin nila Ai. May kasama din sya lima din silang lalake.
"Hindi ka manlang mag so-sorry? Nabangga mo kaya ako" sabi ko dun sa lalake.
"May problema ba dude?" tanong naman saken ni Ai.
"Eto kasing lalaking to binangga ako tapos wala naman atang balak mag sorry manlang" sabi ko habang nakatingin parin dun sa lalaki na palapit samen.
"Kasalanan ko bang nakaharang ka sa dadaanan ko ha?!!" sigang sabi nung lalake.
"Mag sorry ka nalang kaya. Pati hindi naman iyo yung kalsada kung makapag ano ka ah!" --Mark.
"Ang tapang nyo ah?!" sabi nung lalake. Nakita naman namin na bahagya pa sila pinapatunog yung mga daliri nila at kanya-kanya sila lumapit kila Aly. Yung bumangga naman saken ay saaken nakatingin at nakatikom ang mga kamao nya. Tsk! Kala yata nila hindi namin sila papatulan no? Pwes nag kakamali sila. Kaya napasmirk ako at itinukom ko din yung kamao ko.
"Palaban ka ha! Tignan natin kung may mga ibubuga kayo" sabi nung lalake
Nung una hindi ko agad nasalag yung suntok nya kaya nasuntok nya ako sa muka kaya naman ginantihan ko sya. Nakita ko din na nakikipag away nadin yung mga kaibigan ko sa kasamahan ng lalaking to.
Wala parin tumitigil sa pagbubugbugan namin at dahil nag training kame ng boxing marunong kame mag basag muka sa mga lalakeng kasuntokan namin.
"MARK"
"ALY"
Bigla naman ako napatigil ng maranig ko yung sigaw nila Amyr at Ai. Nakita kong nakahiga na si Aly sa sahig may dugo sa bandang tiyan nya si Mark naman nakahawak sa tagiliran nya at namimilipit sa sakit may dugo din na lumalabas di'yon.
Agad naman nagsitakbuhan yung mga kaaway namin pag katapos masaksak nila Aly. Agad ko silang nilapitan.
"Hey dude, gising" sabi ko kay Aly na walang malay at tinatapik-tapik ko din yung pisngi nya para magising sya. Tinignan ko yung bandang tiyan nya may saksak sya.
"Dude kailangan na nating dalhin sila Aly sa hospital. May tama din si Mark" sabi naman ni Amyr.
"Ai yung van kunin mo dalin na natin sila sa hospital" sabi ko kay Ai na sya naman agad na kunuha yung sasakyan namin.
Pagkatigil ni Ai ng van sa tapat namin ay agad naming pinagtulungan ipasok yung dalawa sa loob at agad na din kame nagtungo sa hospital.
Pagkadating namin sa hospital agad na silang inasikaso ng mga nurse at doctor. Habang kame naman nila Ai at Amyr nasa labas lang ng OR.