Hindi ako katulad niya na sinasaktan ka lang,
Pinaiiyak ka lang pangako ko,
Sa piling ko ay liligaya ka,
Di ka na luluha pa.
Naalala mo pa ba yang kantang yan? Kinanta mo sakin yan nung mga panahong nasaktan ako sa past ko at dahil sa kanta mo, naiyak ako. Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan, wala man lang akong kaalam alam na basa na pala yung pisngi ko. Hindi dahil sa may nararamdaman pa ako sa past ko, kundi dahil sayo. Hindi mo lang basta kinanta sakin yan, sinabi mo rin sakin.
Ikaw yung taong maaaring hangaan ng kahit na sino dahil sa itsura mo. At aaminin ko, isa ako sa mga babaeng nabihag ng kagwapuhan mo. Akala ko dati hindi kita makakasundo, hindi kita magiging kaibigan pero mali ako, dahil higit pa dun ang nangyari at naramdaman ko sayo.
Nung una wala ka lang sakin dahil hindi naman kita ganun kagusto kaya sa tuwing tinetext mo ako, minsan lang akong magreply dahil na rin sa tinatamad akong magtext at mahirap ang signal sa bahay.
"Oy! Magtext ka naman oh. Busy ka ba?"
"Sorry! May mga bisita kasi ako kaya di kita nagawang itext."
"Sus! Ayaw mo lang akong katext eh. Aminin mo!"
"Hala! Hindi ah! Busy lang. Sorry!"
Yung hindi naman dapat ako magsorry dahil wala naman akong kasalanan sayo? Natural lang na minsan may hindi magrereply sa mga text mo, dahil nga yun! Baka busy sila.
Kapag hindi ako nagtetext sayo, GM ka ng GM. Every minute, every second hindi ka nagsasawang mag-GM at binabanggit mo pa talaga ang pangalan ko sa mga GM mo para lang mapansin ko ang mga text mo at magreply ako sayo.
"Pasensya na ulit. May inasikaso lang ako. Sorry!"
"Palagi ka namang busy eh. May magagawa ba ko?"
"Sorry! -_- Anong gusto mong gawin ko?"
"Bumawi ka sakin."
Nung sinabi mo sakin na gusto mo bumawi ako sayo ay tinawagan kita, para naman kahit papano mawala yung pagka-badtrip mo dahil hindi ako nagrereply sa mga text mo.
"Hello?"
"Oh, napatawag ka?"
"Sabi mo gusto mong bumawi ako sayo diba? Oh, eto na! Tinawagan kita para naman kahit papano eh makabawi ako sa mga hindi ko narereplayang text mo."
20 minutes lang yung pantawag ko pero sulit naman dahil sa kauna-unahang pagtawag ko, kinantahan mo ako. Broken Vow nga lang! Haha! Ang sabi mo, favorite mo dati yung kantang yun tapos nagkwento ka about sa past mo which is I like kasi ako yung taong inaalam lahat ang nakaraan.
Hindi ko aakalain na sa unang tawag ko sayo ay masusundan at masusundan pa ng napakaraming tawag, at hindi lang yun, lagi tayong nagpupuyat para lang makapag-usap pag naka-unli call ka dahil 10pm to 5pm yung oras na pwede kang tumawag.
Late na nga tayo natulog, ang aga mo pa manggising, yung totoo? Natutulog ka pa ba? Kasi antok na antok pa ko, wide awake ka na.
Hindi ko napansin na nahuhulog na pala yung loob ko sayo. Nung tinanong mo sakin kung may boyfriend ako, ang sabi ko wala. Wala, dahil wala na akong nararamdaman sa kanya at hindi ko na ramdam ang pagmamahal niya sakin, at para sakin wala na kami dahil matagal na kaming walang komyunikasyon. Ganun din ang sinabi mo sakin, na wala kang girlfriend.
Nagulat ako nung minsang mag-open ako ng facebook ko. In-add mo ko. Ia-add palang sana kita kaso naunahan mo ko kaya in-accept ko.
Hindi ko namalayan na lagi na pala kitang itinetext dahil sa sobrang kulit mo. At dahil dun, mas lalo akong nahulog sayo. Natuwa ako nung umamin akong crush kita, dahil ang sabi mo sakin ay crush mo rin ako.
BINABASA MO ANG
Hindi AKO katulad NIYA (One Shot)
Teen FictionMahal kita, pero sinaktan mo lang ako. Ano bang ginawa ko? Nagmahal lang naman ako. Pero sa kabila ng pananakit na ginawa mo, nandito parin ako, naghihintay at umaasa sayo. Huli na nga ba ang lahat para satin? O ito palang ang simula ng matatag na r...