TADHANA 3 - FLASHBACK

119 5 1
                                    

VIVOREE'S POV

Kakarating ko lang ng bahay. As usual, mag-isa na naman ako. Napagpasiyahan kong matulog na kaya pumunta ako sa kwarto ko. Magpapalit muna ako bago ako matulog.

Nang makapagpalit na ako ng damit pantulog, pumunta naman ako sa banyo para mag-toothbrush. Nung nakapag-toothbrush na ako, nagulat ako dahil nahagip ng mga mata ko ang bracelet ko na nakasabit sa tabi ng face towel ko.

"Nandito ka lang pala. Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" tanong ko sa bracelet ko na parang sasagutin ako. Importante kasi sakin ito. Bigay kasi sakin 'to ng batang lalaki na nakilala ko nung bata pa ako. Kung hindi ako nagkakamali, siguro mga 7 years old pa ako noon.

|FLASHBACK|

Nasa bahay kami ni Tita Claire noon. Unang bakasyon niya kasi nun kaya nandun kaming tatlo nina mama at papa. Habang nagkukwentuhan sila, lumabas ako ng bahay at nagpunta ako sa likod ng bahay nila. May swing kasi doon. So sumakay ako ng swing.

Pero medyo napalakas yung pagtulak ko kaya nahulog ako at nasubsob ako sa lupa. Dahil bata pa ako nun, siyempre umiyak ako. Iyak ako ng iyak pero parang walang nakakarinig sakin.

"Okay ka lang ba?" hinanap ko kung sino yung nagsalita at nakita ko na nakatayo ito sa harap ko. Tinulungan niya akong bumangon.

"Shalamat."

"Masakit ba tuhod mo?" tanong niya sakin.

"Oo pero 'onti lang." sagot ko naman. May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sakin ang isang panyo na kulay puti. Kinuha ko naman yun.

"Punasan mo yang tuhod mo. May dugo." sabi niya kaya tinignan ko ang tuhod ko. At tama nga siya, may dugo nga sa tuhod ko. Umiyak ulit ako.

"Wag ka umiyak." sabi niya sakin pero patuloy parin ako sa pag-iyak. Kinuha niya mula sa kamay ko yung panyo na bigay niya saka niya pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.

"Papangit ka niyan. Sige ka, ganda mo pa naman." sabi niya ulit sakin pero hindi parin ako tumigil sa pag-iyak. Mahapdi na kasi ang tuhod ko.

"Mama." sabi ko habang umiiyak ako.

"Ito oh, sayo nalang to." sabi niya sabay abot sakin ang isang bracelet. Hindi ko iyon kinuha kaya siya na mismo ang nagsuot sa kamay ko.

"O, bagay sayo oh." sabi niya nang nakangiti.

Maya-maya pa ay dumating na si mama at hinawakan niya ang kamay ko.

"What happened Niña?" tanong sakin ni mama.

"Nahulog po siya sa swing." yung batang lalaki yung sumagot sa tanong ni mama.

"Totoo ba yun Niña?" tanong sakin ni mama kaya tumango lang ako.

"May wounds din po sa tuhod niya." sabi pa nito ulit kay mama. "Umiiyak po siya kanina kaya I helped her."

"Oh, thank you little boy. What's your name?" tanong ni mama sa batang lalaki.

"I'm CK po." nakangiting sagot niya.

"Thank you again CK. Niña we have to go home na. Halika na. Gagamutin nalang natin sa bahay yang sugat mo. Okay?" sabi ni mama kaya tumango lang ako.

"Bye CK. Thank you ulit. Niña, say thank you to CK."

"Thank you 'Shikey'." sabi ko at ngumiti lang siya sakin.

|END OF FLASHBACK|

Hanggang ngayon ay nasa akin parin ang bracelet pati narin ang panyo na bigay sakin ng batang lalaking yun na ang pangalan ay CK.

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang panyo at hinanap ko ang part na may nakaburdang pangalan.

"CK, kung sino ka man, salamat sa pagtulong sakin kahit simple lang yung ginawa mo pero para sakin, malaking bagay na yun."

Sabi kasi sakin ni mama na baka isang anghel yun at tinulungan ako dahil mabait daw ako nung bata ako.

Well, anghel man siya o hindi, sana makita ko siya ulit.

Kukunin ko na sana ang bracelet ko nang may narinig akong tumawag sakin.

"Ateeeeee!"

〰〰〰〰〰〰〰

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon