vote, read, and comment..
pwede na ring mag fan.. hahahaha!
ENJOY!
Hello everyone! my name is Hogan Suan 18 years old..
Hogan sa umaga..
Shera sa gabi...
Thank you!
OO tama ang nabasa nyo, Shera sa gabi, ang ibig sabihin nyan, isa ang baklesh..simple lang naman akong bakla. Maingay, wild, sometimes they call me big mouth! Sa laki ba naman kasi ng bunganga ko eh kasyang kasya ang buong kamao mo.. parang kay Anne Curt lang, pero tulad nga ng sinabi ko, I’m just a simple gay.
Hindi ko nga alam kung bakit ako naging bakla eh, sana naging babae nalang ako..TUNAY NA BABAE! Hindi yung nagpapanggap lang ako..para kung magkagusto man ako sa isang lalaki,at least may pag-asa pa ako,kasi nga, babae ako..
Andito ako ngayon sa isang beauty contest. Hindi ko na babanggitin kung anong klaseng beauty contest ito, pero isa lang naman syang tipikal na competition na pinapangarap ng karamihang mga babae..
“GO SSSHHHEERRAA!! GO GO GO!”
“KAYA MO YAN SHERA!ANDITO LANG KAMI TO SUPPORT YOU!”
*PPAAKK!!
“Ano ba yon? Nangangarap naman aketch? Hay naku..”
Sampal ko sa sarili kong mukha..
“Hehehe..nangarap ka rin palang maging babae?”
Nagulat ako sa katabi ko, kanina lang eh kapatid kong bakla rin ang andyan sa kinauupuan nya, tapos ngayon.. sya na? sino ba itey?
“Hi I’m Katrin.. you are?”
“I’m Shera..”
“I like your name,how elegant..Shera! wow!..Nice to meet you!” ^___^ sabay beso nya sa akin
“Nice to meet you to..”
Hindi na ako nakaiwas sa kanya kasi hinatak nya ako palapit sa kanya..ganda nya ah, sana ganyan din ako.. haaayyy! Nakakainis naman gusto ko ng umalis dito, feeling ko kasi ‘pag magkatabi pa kami eh magmumukha talaga akong muchacha..
“Dito ka lang Shera..wala akong kasama”
“Ahm, sorry Katrin but I have to go, meron kasi akong dapat asikasuhin eh”
“ahy ganoon ba? Oh sige sabay nalang tayo palabas kasi may bibilhin din ako”
Haaayyy! Ang kulet naman ito! Kung hindi lang maganda at kung hindi ko lang pinangarap ang katulad nya eh kanina ko pa ito sinabunot..
Nagkahiwalay kami ni Katrin paglabas ng gate ng gymnasium, kaya naman hindi ko narin sya nakita magmula nung gabing yun..
Isang gabi ulit, nasa court kami ng aming barengey, may liga kasi! Kaya naman sugod mga kapatid kami.
Ano pa ba ang meron sa liga? Mga papalicious! Amazing! Makakahanap narin ako ng boylet ko!
“Ahm excuse me bakla! Pahaharang harang ka sa daan eh! Kita mo bang nagmamadali kami?”
“ABA excuse me rin ha! Sa inyo ba itong daan at kung maka excuse ka sa akin??!!” sigaw ko naman sa kanya..
“Pwede ba bakla inggit ka lang kasi wala kang ganito!”
Ipinakita nya ang legs nyang mahahaba at makintab, at sumunod pa ang dibdib na katamtaman lang ang laki..wwaaahhh!! gusto kong magkaroon nyan!
“kaya pwede ba! Chupee!” sigaw nya sa akin at may pa wave wave pa syang nalalaman..
BINABASA MO ANG
SUKLAY [one shot]
FantasyThis is not a LOVE STORY.. ito'y isang kwento tungkol sa bakla na gustong maging babae.. para sa mga babae at bakla..pwede din sa mga boys.. hahaha read po nyo.. sana makarelate ang friend ko, wahahha