1

19 2 0
                                    

"Huyy...Huyy!"umungol ako sa paggising sakin ni Jenie.Pero inaantok pa talaga ako.Kaya tumagilid ako saka sumiksik sa comforter

"Angeliqueee!"malakas niyang sigaw sa tenga ko kaya't agad akong napabalikwas ng bangon at nahulog sa kama

"Aray..naman oh"tiningnan ko ng masama si Jenie

"Ahehe"tawa niya saka ngumisi

"Bat ba ang aga mong manggising?"tanong ko sakanya saka napahikab

"Anong maaga?Maligo kana uy. May trabaho pa tayo mayang 8 am"bulyaw niya sa akin.

Napatingin naman ako sa orasan.Alas sais pa ng umaga.Advanced talaga tong si Jenie

Tsk..tsk..

Napailing-iling ako saka bumangon.

"Bumaba ka kapag tapos kanang maligo,sabay na tayong kumain"sabi niya.Napasaludo naman ako sa kanya

"Yes Commander!"sagot ko saka tumuwid ng tindig

"Tss.kahit kailan puro ka kalokohan"sabi niya saka bumaba at nag pa sway sway ng buhok niya.Natawa at naiiling nalang akong nagtungo sa banyo.

--*--

"Sige na Jenie.Mauna na ako"pagpapaalam ko sa kanya.Saka pumasok sa building na tinatrabahoan ko.

Isa akong secretary dito at mahigit Dalawang Taon na ako sa trabaho.Kahit maliit ang sweldo,pinagtatyagaan ko dahil kailangan ng mga kapatid ko at para narin kay Papa na nahihirapan ng maglakad.

Mahirap...

Pero ganyan talaga ang buhay kaya kailangang kumayod.Lalo ng ngayon na gagraduate na ang kapatid ko,kaya kailangan kong mas doblehan ang kayod para may pambayad sa tuition fee niya.Sila ang nagbabantay kay Papa sa Probinsya dahil matagal ng wala ang Mama namin.

Ako ang panganay ngunit hindi ko man lang siya nakita.Sabi ni Papa hindi na daw niya maalala ang Mama ko kaya't nagulat siya na paggising niya ay nakita niya ako sa tabi ng kama niya.Wala siyang kahit anong maalala tungkol kay Mama ang alam lang niya ay may kasintahan siyang mahal na mahal niya at ang bunga non ay Ako.

Dalawang taon ang lumipas at nag asawa muli si Papa at nagkaanak sila at iyon ay sina Summer at Kent.Mahal ko sila at tinuring na kapatid,Six years old palang ako nun ng iniwan kami ng Step Mom ko at nagkasakit si Papa.

Sa murang edad ako ang nag alaga sa kanila dahil four palang si Summer at si Kent naman ay three.Tinutulungan ko ang kapitbahay namin sa paglilinis ng Bakuran nila at binibigyang ako ng Pera.Naawa siya sakin kaya binibigyan ako madalas ng isang daan at ibinibili ko iyon ng pandesal at ulam para makakain kami.Sobrang hirap...pero kahit ganon ay nagpapasalamat ako na nalagpasan namin 'yon.

"Angel..Pinapapunta ka ni Madam sa Office"nagmamadaling sabi ni Cindy na syang nagpukaw sa pagmumuni ko.Tumango ako saka nagtungo agad sa Opisina ni Madam Kelly ang Boss ko

Huminga ako ng malalim saka kumatok.Nininyerbos talaga ako kapag kausap ang Boss ko kahit palagi naman kaming magkasama tuwing may meeting o personal meet ups sa mga clients.

"Come in"I heard her say in a prim and sophisticated tone.

Pinihit ko ang door knob at pumasok.

Naka upo siya sa kanyang Personalized swivel chair.Naka focus siya sa pagbabasa sa mga documents na ipinareview ng Board kaya't hindi niya ako napansin

Tumikhim ako saka nagsalita.

"Madam Kelly pinatawag niyo 'daw po ako?"tanong ko.She shifted her gaze away from the documents and looked at me.

Sa mukha niya di mo aakalaing trenta na siya.Sobrang ganda niya parin at ang kinis ng mala porcelana niyang balat.Wala kang makikitang butas butas sa mukha niya

Nahiya naman ang pores ko dito...

Tumikhim siya,nahalata siguro ang pagtitig ko sa kanya.Tinanggal niya ang Eyeglass niyang suot saka tumingin sakin

"Angelique there's an urgent meet up of our client from Italy and i need you to be the one to handle that investor.He wants to buy a Village in tagaytay and i need you to escort him and pursue him to buy the village"dire-diretsong sabi niya.

Nahigit ko ang hininga ko sa pagkabigla.

"Oh my gosh..."bulong ko saka kumurap ng kumurap.

Is this real!Magha-handle na ako ng Kliyente!Yes!Finally!Emgee.I cant explain my feelings right now!Para akong natatae na ewan.

"Are you okay?"nag-aalang tanong ni Maam Kelly.

Umiling ako saka tumango at umiling na naman

"If you're not ready i can send someone for it"agad akong umiling ng umiling.

Darn compose yourself Angelique

"Thank you Maaam!"sigaw ko.Nagulat siya sa pag shift bigla ng mood ko

"Emgeee!Promise Maam i will not fail you!Ipapabili ko lahat sa kanya!"Excited na sabi ko saka tumalon talon.Napangiti naman siya kaya agad akong tumayo at niyakap siya.

Napasinghap siya sa ginawa ko.Pero sobrang saya ko na nawala ako sa sarili.

Agad akong umalis sa pagkakayakap at tumayo ng tuwid.

Nakakahiya ka Angelique!

"Pasensiya na po Maam.I got overwhelmed"nakatungong sabi ko.Sino ba naman ang bigla biglang yayakap sa boss nila?


"It's okay Angelique"nakangiting sabi niya.Kaya naman lumuwag ang pakiramdam ko at nabunutan ng tinik sa dibdib

Baka bawiin ang offer niya na ako ang mag handle sa Kliyente.No Way!



"Three days from now dadating ang kliyente.Puntahan mo sa airport at exact 6 in the morning.Huwag kang malalate dahil isa siya sa Biggest investor ng kompanya namin.May tiwala ako sayo kaya sayo ko siya ipapahandle"malamlam ang mata niya kaya hindi ko mapigilang maluha



"Thank you so much Maam"sabi ko and brushed my tears as i tried to compose myself


"Ahh.Maam ano po pala ang pangalan niya?"tanong ko.Baka magmukha akong tanga sa harap niya at hindi alam kung papano siya i aadress properly.That would be a great epic fail for our company if he declined to buy the Village.








"Tyron Angelo Buenzaville"



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Boy(ON HOLD)Where stories live. Discover now