JunHao

21 0 0
                                    

Minghao
Junhui

"Jun pwede ba tumahimik ka na!!"

"Minghao Mahal parin kita at alam kong ganoon ka din!"

"Tama na HINDI NA KITA MAHAL! at kung pwede lang tumigil ka na dahil ikakasal na ang mga magulang natin"

" Bakit ba hindi mo ako kayang ipaglaban?! Bakit hindi mo man lang sinubukan? Siguro nga ako lang talaga ang nagmahal saatin"

I'm sorry mahal ko yan ang nais sambitin ni Minghao nang makita ang patak ng luha sa mata ng kanyang minamahal.

Sina Jun at Minghao ay dating magkasintahan na nagkahiwalay ng malaman na ikakasal ang kanilang mga magulang. Nais ni Minghao na ipaglaban ang kanilang pag iibigan ngunit sa tuwing nakikitang masaya ang kanyang ina ay nawawalan siya ng lakas ng loob dahil ngayon lang uli niya nakita ang kanyang ina na masaya matapos mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente.

Simula ng mangyari ang kanilang pagtatalo ay hindi na muling kinausap ni Jun si Minghao. Madalas na rin itong napapa away at sa gabi naman ay ibat ibang babae ang kasama nito. Pagsisi ang nadarama ni Minghao simula nang magbago si Jun, sinisisi niya ang kanyang sarili dahil naduwag siya at hindi ipinaglaban ang kanilang relasyona at wala na siyang magawa kundi ang umiyak gabi gabina

"Anak isuot mo ito at may pupuntahan tayo'' agad namang pinunasan ni Minghao ang kanyang mga luha ng pumasok ang kanyang ina dala dala ang isang itim na tuxedo. Nagtaka siya dahil sa pagkaka alam niya ay sa susunod pa ang kasal ng kanyang ina. Pagkasuot niya ay lumabas siya at nakita niya ang kanyang ina na nakasuot ng gown . Habang na sa sasakyan ay kinausap siya ng kanyang ina
" Anak salamat pero mas gusto namin na makita kayong masaya. Nag usap na kami at napagpasiyahan na kapasasalamat nalang ang ikasal dahil anak mas nasasaktan ang magulang na makita ang anak na nasasaktan'' saad ng kanyang ina nang nakangiti at tila naiiyak na.
Agad na naintindihan ni Minghao ang mga sinabi ng kanyang ina at binigyan niya ito ng isang mahigpit na yakap at matamis na pasnangyayari

Ng makarating sila sa simbahan ay tuwa at kaba ang kanyang nararamdaman ngunit binigyan siya ng kanyang ina ng ngiti na tila nagsasabi na magiging maayos ang lahat.

Habang naglalakad papuntang altar hawak hawak ang mga pulang rosas at kasama ang kanyang ina ay natanaw niyang kanyang minamahal na ngayo'y magiging asawa na niya na waring na mamangha sa kanyang kagandahan at tila sila pareho ay makapaniwala sa nangyayari

"Alagaan mo ang anak ko" sabi ng ina ni Minghao ng ipasa niya ang kamay nito kay Jun. Isang matamis na ngiti lang ang binigay ni Jun dahil nakatuon lang ang kanyang tingin sa kanyang minamahal

"Baka matunaw ako niyan" Saad ni Minghao
"You're too beautiful that you're the only one that I can see" nakangiting tuon ni Jun
"Alam mo ang korni mo talaga at kung di lang talaga kita mahal baka nag walkout na ako dito" at dahil sa sinabi ni Minghao ay napatawa si Jun
"Mahal din kita'' saad ni Jun at hinalikan ang kamay ni Minhao
















You may now kiss your groom

Seventeen One ShotWhere stories live. Discover now