In the process of moving on. Moving on process: 30%
<ACE'S POV>
Medyo okay na din ako. Okay lang ba talaga? 5months na ang nakakalipas at nandito na ako ngayon sa Korea. Pero ang sobrang ikinalungkot ko lang noon eh walang ginawa si Dale. Hindi niya ako hinabol sa airport gaya ng mga napapanood ko sa pelikula. HINDI. Maybe that's a sign na hindi niya talaga ako ipaglalaban at tumigil nalang ako diba? Pero hanggang ngayon nasasaktan parin ako. Nililibang ko nalang ang sarili ko dito.
"Anak let's eat dinner tonight?" sabi ni dad.
"Sige po pa."
I'm so bored. Makapag facebook nga. Kakalog-in ko lang pero ang pangit agad ng nakita ko sa news feeds ko. Picture ni Dale. T__T Bad idea ang mag facebook! My eyes are beginning to be watery. Huhuhu. Pero wait! A necklace.
*Flashback*
"Tignan mo yun Ace! Ang cute cute diba?" habang tinuturo ni Sam yung necklace.
"Oonga, bagay sayo." :) sabi ko. Bagay naman kasi eh.
"Tignan mo may kaparehas oh! Pang lalaki! Bibilhin ko muna ito para sa future boyfriend ko! Hahaha." -Sam
*End of flashback*
Okay. Future boyfriend? So sila na? Congratulation Dale, I hate you. :'( Hindi lang niya ako pinili over her bestfriend, pinagpalit pa niya ako. :( Haynako Ace, wag mo na silang pakeelaman. Iniwan ka na nga diba? Alam mo yung masakit? Yung iniisip kita bago ako matulog, araw-araw, paggising ko ng umaga, samantalang ikaw hindi mo na ako maalala. Parang nagka-amnesia. Pero sabi ko nga medyo okay na ako. Atleast mas nababawasan yung sakit kasi hindi ko naman sila nakikita.
**
"Dad, magpapaiwan muna ako may bibilhin lang ako sa may mall." sabi ko. Kakatapos lang namin magdinner.
"Okay anak, ingat ka, wag kang papagabi." sabi ni Dad.
Nagtetext ako tapos naglalakad hanggang....
*Boogsh!*
"Ay sorry!" sabi ko
"Oh no, its okay." sbai nung lalaki. Hindi naman siya mukhang korean. Mukha siyang filipino.
"Pilipino ka ba?" tanong ko.
"Oo. Ikaw din?"
"Malamang. Haha! Sorry ulit." sabi ko tapos naglakad na ulit pero hinawakan niya ako sa braso.
"Miss ano palang pangalan mo?"
"Ace. Ikaw?"
"Sed. Nice name, Ace."
"Hi Sed! Kelangan ko nang mauna, para di ako malate umuwi. Salamat at sorry ulit."
"Hindi, okay lang. Sige. See you around." sabi niya
Nakarating naman ako sa pupuntahan kong store sa mall. Actually nasa grocery ako. Gusto kong magpakalunod sa pagkain. Huhuhu. Kuha dito kuha doon. Chocolates, chocolates! Snacks. Ang dami. Parang one week ko na tong kakainin. Pwede na din diba?
"Nagpapakataba ka ata." lumingon ako tapos si Sed nandoon. May dala din siyang basket. Namimili din ata siya. Alangan namang sinusundan niya ako? Ang assuming ko naman!
"Ah oo, magpapakalunod muna ako sa pagkain. I'm in a relationship with fooooood." sabi ko.
"Hahahaha. Ibang klase. Siguro heart broken ka no?"
"...." hindi ako nakasagot.
"Oh. Sorry. Loko lang yun. Di ko naman alam na totoo. Sige na mauna na ako. Bye Ace."
Tumango lang ako. Tapos nagbayad na sa counter. Ang dami nitong pinamili ko. Hindi ko naman kayang buhatin to ng ako lang, papalabas ng mall. Huhu. Bad idea Ace! Really bad.
Nastuck lang ako doon sa may labas ng grocery. Hay. Malapit na atang magsara yung mall. T___T Umma, Appa! Hellppppp.
"Mukhang kailangan kitang tulungan. Tatlong beses na tayong nagkikita. This must be fate." tapos tumatawa siya.
"Tulungan mo nalang ako. Please! Hahaha." sabi ko ano namang fate sinasabi nito.
"Kung gusto mo ihahatid na din kita sainyo. Turo mo lang yung bahay niyo."
Nakakahiya mang magpahatid sa isang stranger na katulad niya pumayag na ako kasi pagod na din ako. And He is a filipino naman eh. Kaya okay lang right? Tinuro ko naman yung bahay namin.
"Salamat." pagkalabas ko ng kotse niya.
"Wala yun. I like helping people." ^___^
"Oh. May balak ka bang tumakbo sa eleksyon?" hahahaha. Sabi ko nang pabiro.
"Meron." sabi niya.
"Seryoso?!"
"Joke lang ano kaba. Wala tayo sa Pilipinas. Cellphone mo." sabi niya habang nakapalad siya.
"Bakit?" pero nakapalad parin siya. Magnanakaw ba siya?! Mukha naman siyang mayaman. Sige na nga. Nilabas ko ang cellphone ko tapos binigay sakanya. May tinatawagn siya. Sino naman? Tapos may narinig akong nagring sa may bulsa niya.
"Adik ka." sabi ko. Cellphone pala niya yung tinatawagan niya.
"Ayan. Meron nakong naumber mo. Bye na talaga Jellyace." ^____^
"Stop calling me Jellyace. Okay bye Sed"
Tapos umalis na siya. Tapos napangiti naman ako. Wala lang. It's been a long time na may nakausap akong kapwa filipino na lalaki tapos tinulungan pa ako. Okay. Tama na Ace. Wag kang pumibeebee teens dyan. Pumasok na ako at sinimulang lantakin yung isang chocolate na binili ako. Ahhhhh ang sarap~~~~~
*****
TO BE CONTINUEDDDDD
BINABASA MO ANG
Then you found me.
RomanceHi. This is a story of Ace. A girl who found the one. :"> (Ang baduy hahahaha) Kung meron man pong kaparehas itong mababasa niyo, it is purely coincidence po. :DD