Mission 24

2.3K 67 5
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Rylee POV

Sa pangalawang round ay dumadagungdong sa ingay ang buong covered court dahil sa init ng laban namin. Sa class G ay tatlong tao ang natira, sa class E ay lima na kapareho lang namin.

Itong round na ito ay tigtatlong arrow na lang kami. Tapos yung points doon sa dart ay bumaba. Twenty, Ten, at five ang puntos. Kakailanganin naming makaipon ng fifty points para kausad kami sa next round.

Nauna ang class E kaya nakaistambay lang kami dito habang pinapanuod sila.

"Siguro, dito ay malalaglag ka na, Ry."napalingon ako kay Ked na katabi ko dahil sa sinabi niya. Parang may hinanakit siya sakin eh.

"Tignan natin."tipid 'kong sagot sa kanya at muling tinuon sa harapan ang atensyon ko. Pinagmasdan 'kong mabuti ang mga galaw ni Safhira at masasabi 'kong marunong naman siya. Kaso, maarte lang. At ang nakakainis lang ay kapag titira siya ay titingin siya sa gawi namin tsaka ngingiti. Tsk! Ako ba ang inaasar ng babaeng 'to? Bigwakas ko yan eh!

Tumingin ulit siya sa gawi namin at ngumiti. Sino kaya ang inaasar nito? Makangiti ay parang panalo. May halo pang kalandian ang pagngiti niya. Yuck!

Tumingin ako sa magkabilang gilid ko at tanging si Ked lang naman ang lalaking katabi ko. Wala namang tao sa harapan ko. Tumingala ako at nakita ko si JM na prenteng nakatayo habang nakacross arm na nakatingin sa mga naglalaro. Bumalik ulit ako ng tingin kay Safhira habang  nakakunot-noo tsaka ulit ako tumingala pero nagulat ako ng nakatingin na sakin ni JM. Walang emosyon ang kanyang mata kaya hindi ko mabasa ang kanya iniisip.

Yung mga mata ni JM ay napakaganda. Sa simpleng pagtingin ko dito ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nahihipnotismo ako sa mga mata niyang grayish pero kapag nasa malayo ay parang kulay brown lang. Damn!

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at agad na bumalik sa harapan ang atensyon ko. The hell!! Bakit nagkakaganito ang puso ko?! Aiisshh! Heart, kalma ka lang heart!!

Napatingin ako kay Ked ng hawakan niya ang kamay ko.

"A-ano-----"

"Ang lamig ng kamay mo. Kinakabahan ka no? Tsk! Sinasabi ko na nga ba. Sumuko ka na lang kasi, Ry para tapos na ang pustahan natin."agad 'kong binawi ang kamay ko na hawak niya dahil sa sinabi niya.

"Ang yabang mo! Ba'ka kakainin mo din yang sinasabi mo."inis 'kong wika at umalis na ako sa tabi niya.

Ang yabang talaga ng batang yun! Tsk! Kapag ako nanalo papakyawin ko ang lahat ng rocky road sa tindahan para mapagastos siya. Tsk!

"Guys, next na kayo. Punta na kayo doon."wika ni Sir samin.

Tuloy, di ko na alam kung sino ang nalegwak. Tsk! Sana si Safhira ang naalis. Tsk! Kumukulo ang dugo ko sa babaeng yun eh.

Nagsipwesto na kami at sinimulan na naming makaipon ng fifty points. Isang bull's eye at dalawang tig-ten points ang ginawa ko. Okay lang kung pasang awa basta makausad ako sa next round.

Ang pumasa lang samin ay ako, Jace, at Ked. Si Ked at Jace ay tig-fifty points, tapos si Adam at James naman ay kinapos ng limang puntos kaya legwak na sila.

Yung sunod na round ay gumagalaw yung mga dart. Ganun pa rin yung mga puntos at tigtatlong arrow pa din kami. Pero thirty points lang ang bubuoin naman.

Sa unang batch ako at kasabay ko ang isang Class G na lalaki at si Safhira. Bakit ba hanggang ngayon ay di pa rin siya maalis-alis. Tsk!

"Hey, bitch."bati niya sakin na inirapan ko naman.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon