Ang kwento ng aking pag-ibig

719 4 3
                                    

Naalala ko isang gabi, wala ng araw. Wala akong makita kundi ang kadiliman na bumabalot sa aking paningin, at doon ko naalala naka shades nga pala ako. Tinanggal ko ang aking shades at nakita ko ang ningning ng mga tala sa kalangitan, ang ilaw ng mga poste, ang mga kotseng hindi gumagalaw at agad kong napansin, nababasa ako, ang tanga ko talaga umuulan nga pala.

At ako'y nagsimulang maglakad patungo sa aking pinagtatrabahuhan ngunit buti na lang ay nagising agad ako sa katotohanan, oo nga pala ako'y grade 2 pa lamang. Ngunit kahit ganon ako'y naglakad pa rin, basang-basa hindi alam ang  gagawin. Patingin-tingin kaliwa at kanan at habang naglalakad ay hindi ko namalayan, ako ay may natapakan, anak ng tokwa ang swerte ko nakakita ako ng isang daang piso. Tinignan ko muna kung may nakatingin sa aking tao, nakita ko si Dingdong Dantes at Marian Rivera nakatingin sa akin. Kinuha ko ang isang daang piso at pumunta sa kanilang dalawa. Sinabi ko sa kanila "Bakit kato nakatingin sa akin?". Hindi sila sumagot sa akin, para bang ang sinabi ko ay pumasok sa isang tenga nila at lumabas sa kabila. "MGA PIPE BA KAYO? BA'T HINDI NINYO SINASAGOT ANG TANONG KO?" aking sinigaw ngunit wala pa rin silang tugon. Biglang may lalaking lumapit sa akin, sa palagay ko ay nasa edad 20-25 years old siya at sinabi sa akin, "Bata, bakit mo kinakausap ang poster ni Dingdong at Marian?". Doon ko napagtanto na ako ay napakabobo, kaya pala hindi sumasagot ang dalawang to eh poster lamang pala ito.

Pagkatapos non ay nagpatuloy ako sa paglalakad, iniisip ko ang gagawin sa napulot kong isang daang piso. Bumili kaya ako ng kotse? o di kaya house and lot? o di kaya ice cream? wala akong naisip na bilhin, kaya binalik ko sa daan ang isang daang piso para may ibang makapulot nito, malay mo meron silang gustong bilhin. Kaya pag aako ay may gusto ng bilhin, babalik ako dito at kukunin ang isang daang piso. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad, heto ako basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan, at biglang may lumapit sa aking isang babae. Hindi ko siya kilala, pero ang pangalan nya ay shirley, 21 years old nakatira siya sa may Mckinley Hills Kampupot Street Quezon City. Nagtataka kayo kung pano ko nalaman to? Siyempre nakita ko sa I.D. nya, ang telephone number nya 777-4325 at birthdate nya ay June 16, 1989. Tumingin ako sa mukha nya , nakita ko ang ningning sa kaniyang mga mata, ang ngiti sa kaniyang labi, at ang kinis ng kaniyang mukha. Mukhang ako ay tinamaan, inlab na ako sa kaniya. Tinanong nya ako, "Bro, basang-basa ka na ah? Wala ka bang dalang payong?". "Halata ba?" agad kong sinagot. Hinawakan niya ang kamay ko at sabi niya "Tara Bro, iuuwi na kita". Ako ay napangiti. Nakasukob kami sa payong ni Shirley, magkahawak ang aming mga kamay. Kay sarap ng aking pakiramdam ng mga oras na iyon. Sabi ko sa aking sarili, "Sana hindi na matapos ang araw  na ito".

Ilang oras din kaming naglakad, siguro mga 3 hours 25 minutes and 29 seconds at nakarating na din kami sa kaniyang bahay. Nagulat ako, parang pamilyar sa aking ang bahay na ito. Pgpasok namin, tumambad sa akin si Inay at Itay. "Oh, protacio, bakit ngayon ka lang umuwi? Madaling araw na ah?" sabi sa akin ni Inay. Sumagot ako, "Nay, lumubog po kasi yung submarine, tinulungan ko po yung mga tao baka po kasi sila malunod alam niyo naman pong good samaritan ako". "Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo!!" sabi ni inay. Nagsalita si Itay "Shirley, buti at nakita mo itong kapatid mo? San mo siya natagpuan?". "Diyan lang po sa may kanto, malapit na din po dito sa bahay" sabi ni Shirley. At ng marinig ko ang sinabi ni itay, kaya pala alam ko  ang pangalan, kung ilang taong gulang, kung ano ang telephone number niya, kung kelan siya pinanganak at kung saan siya nakatira. Ang babaeng ito na si Shirley, ay kapatid ko nga pala. Napakamakakalimutin ko na talaga. Hindi ko akalain na ang first love ko ay ang ate ko pa. Agad kong kinalimutan ang nararamdaman ko. At ito ang kuwento nga aking pag-ibig...

------- Protacio Magalpoc..

Ang kwento ng aking pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon