" PAPEL "

3 1 0
                                    


"Stop." I was about to sit on the tree when a old lady stopped me. Itim lahat ng suot niya. And her eyes. Nang tinignan ko ito I feel like I'm in danger.

"Alam mo ba anong puno 'yang balak mong upuan?" Lumapit sa akin ang matanda at nilaro ang buhok ko. Hindi ako maka galaw sa takot.

"May mga elementong naka tira dyan, hija." May binigay siya sa aking isang piraso ng papel ngunit sa takot ay itunulak ko iyon at natapon ito sa sahig. Nangilabot ako nang haplusin niya ang braso. Lumabas ang nakakatakot na ngiti sakaniyang mukha. I pushed her and ran.

Habang tumatakbo ay tumingin mula ako doon at nakita ang matanda na seryosong naka tingin sa akin. Binilisan ko pa ang takbo hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako pumupunta. Patagal ng patagal ay sumusukal ang lugar na dinaraanan ko. Padilim na. Nasaan na ba kasi ang mga kaibigan ko? Sabi nila babalikan nila ako dun sa puno pero ilang oras na ang naka lipas ay wala pa rin sila.

Dinig ang pagtapak ko ng paa dahil sa mga dahon na nagkalat sa buong paligid. Nasaan na ako? Hindi ko na mapigilang hindi umiyak dahil sa nararamdamang takot. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang hawak ng matanda kanina sa akin. Ramdam ko na ang pagod ng aking katawan.

Sa pagod ay napa upo ako sa tabi ng puno. Ramdam ko ang panginginig ng aking labi dahil sa lamig. Pagod na pagod na ako at ramdam ko na ang gutom.

Napatayo ako nang makita ang mga kaibigan ko na nagtatawanan. Dali dali akong tumakbo papunta sakanila at tinawag sila ngunit hindi nila ako nililingon. Pilit ko silang hinahawakan ngunit wala silang reaksyon at patuloy lang sila sa pagtatawanan. Pilit kong sinisigaw ang mga pangalan nila ngunit wala. Para bang hindi nila ako nakikita.

Lumayo ako nang bahagya at sa pagtapak ko nang patalikod ay may nabangga ako. Tinignan ko ito at nakita ang matanda kanina ay nasa harapan ko ngayon may hawak na kutsilyong may bahid ng dugo. Nakatingin ito ng masama sa akin habang nakangiti nang nakakatakot.

Akmang tatakbo na ako nang bigla niyang isaksak sa puso ko ang kutsilyo. Pilit kong hinahabol ang hininga ko, nakita ko ang pagtawa nang malakas ng matandang babae.
"RACHEL!" Ang malakas na halakhak lang ng matanda ang naririnig ko. Pilit kong nilalabanan ang pag pikit ng mata ko dahil nakita ko ang matandang babae na lumapit sa mga kaibigan ko. Nilabas niya ang isang kutsilyo sakaniyang bulsa. Hindi! Pilit kong tinatayo ang katawan ko. Pilit akong sumisigaw pero walang lumalabas na boses sa aking bibig. Nakita ko ang isa isang niyang pagsaksak mula sa likod sa mga kaibigan ko. Kita ko ang isa isa nilang pag bagsak. Ang pagtawa nang malakas ng matanda na para bang baliw. Nakita ko ang pag lipat ng tingin niya sa akin, "Kasalanan mo ang lahat ng ito. Pinatay mo ang mga kaibigan mo."

"RACHEL!" Hinawakan ko ang dibdib ko na may naka tarak na kutsilyo. Walang pang isang minuto ay nandito na ang babae sa harapan ko. Umiitim na ang paningin ko. Hinawakan ng matandang babae ang kutsilyo at batid ko ang nais niyang gawin. Ito na ang katapusa— "RACHEL!" Malakas na sigaw ang pinakawalan ko nang maramdaman ang pag mulat ng mata ko. Hinahabol ko ang hininga ko habang tinitignan kung nasaan ako. Nasa tent ako. Tinignan ko ang dibdib ko ngunit walang bakas dun ng kung ano.

Panaginip lamang ba iyon? Imposible. Masyadong malinaw sa utak ko ang mga pangyayari. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na rinig kong kanina pa ako tinatawag. Nakita ko ang pag aalala sa mukha nila. Naalala ko pa rin ang mga mukha nila sa panaginip ko.

Lumapit sa akin si Troy at binigyan ako ng tubig. Kinuha ko iyon at tinungga nang mabilis. Isa isa ko silang tinignan, "Anong nangyari?" Mahina kong saad. Bakit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kung panaginip lamang iyon?

Nakita ko ang gulat sa mga mata nila at nagkatinginan. "Guys, anong nangyari?" Ulit kong tanong sakanila dahil tila nag uusap sila gamit ang mga mata nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Frightening TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon