Chapter Nineteen
*********************(Ghospel's POV)
"May nabasa pala ako. Aishhh nakalimutan ko" may halong inis sa boses ni Paolo.
"Ano ba yun?" Tanong ko. Ang imbis na sagot ang malaman ko isang malakas na pitik ang natanggap ko sa noo. Hinawakan ko iyon at hinihimas.
"Bakit mo ginawa yun? Takte ang sakit" naiinis kong tanong sa kanya.
"Gago ka kasi. Bingi ka ba? Kasasabi ko kang diba? Nakalimutan ko! Nakalimutan ko narinig mo ba?!" Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil sa sigaw niya.
'Hays nakakabasag eardrums ang gago!'
"Ehhh ikaw?! Bulag ka ba?!" Balik kong sigaw sa kanya. Siya naman ang napatakip sa tenga at napatayo nalang talaga. Pftt hahaha!
"Ako bulag?! Paano mo naman nasabi ha?!" Aba di talaga magpapatalo ang gago. Tumayo na din ako at galit ko siyang tinignan.
"Eh kung makapagsalita ka kasi! Duhh di mo ba nakikita ha?! Ang lapit ko lang sayo! Pweee bwesit ka" sigaw ko sabay irap sa kanya.
Ilang sandali lang narinig ko naman siyang tumawa kaya lumingon ako sa kanya. Kulang nalang gumulong siya dito eh. Ayy pwede din ang laki ng space dito oh ang laki kaya ng kalsada. Natawa nalang din ako. Alam mo yung feeling na natawa ka sa tawa niya pero hindi sa joke? Ito yung nafefeel ko ngayon. Lanya kasi eh tawa ng tawa.
"Hahahaha di ko alam na may ganito ka palang side Ghospel. Ang galing mo sa asaran ahaha" patuloy pa rin itong tumawa kaya binatukan ko na.
May nakatingin na kasi sa amin dito eh. Baka pagkamalan pa ako na kinakausap ko ang baliw. Err baka maviral pa ako!
"Pftt sh*t sorry natatawa talaga ako ahaha!" Ok wait natin siya na matapos guys.
"Pftt oh nandito na Knight mo" sabi niya habang nagpipigil pa rin ng tawa. Nilingon ko naman ang sinasabi niya.
Nandito na si Jacob! Teka----- Knight? At bakit sa mata ko slow motion siya maglakad?
"Yo! Paolo! Ghospel! Bakit mo pala ako pinapunta dito, Paolo?" Lumapit naman sa kanya si Paolo at may binulong.
'Ano naman trip nito?' may tango tango kasi ang unggoy.
"Hahaha sige ikaw na bahala kay Ghospel, pre!" Pagpapaalam niya matapos siya bumulong kay Jacob at umalis na gamit ang skateboard niya.
'Ano naman ito?! Balak ba niya ako iiwan kay Jacob?!'
"Anong binulong ni Paolo sayo, Jacob?" Kalabit ko sa kanya.
Tumingin naman ito sa akin tapos pumantay pa talaga sa akin ah. Oo lalake ako pero hindi ako binayayaan ng katangkaran. Hanggang balikat nga lang nila ako eh. Diba ang tangkad? Edi sila na ang gisung noong umulan ng katangkaran.
"Sabi niya meron ka daw ngayon kaya kailangan ko daw bilhan ka ng mangga, ice-cream at--- wahhhh anong mukha yan?!" Bigla natakot ito nang nag-iba ang tingin ko sa kanya.
Inis ko siyang binatukan at napanguso nalang. Ok na sana eh kasi ilibre ako pero takte ang gagong yun. Bisexual lang ako pero hindi nireregla! Yuck lang.
"Bakit mo ko binatukan ha?" Mangiyak ngiyak nitong tanong sa akin at nagawa pa niya talaga akong yugyugin sa balikat.
Ito din ang problema ko eh. May kasama akong may pagka-isip bata din.
"Pagsasalamat yun, Jay" simpleng sagot ko. Jay ang tawag ko sa kanya kasi ang haba ng Jacob eh. Wala namang masama dun diba?
Ewan kung saan siya nagulat. Bigla kasi siyang natigilan at binitawan ako bigla. Napailing na naman ako. Hahays pagtitiisin ko nalang ito atleast ililibre ako huehue.
"Ililibre mo ako diba?" Hindi niya naman siya tumingin sa akin pero tumango lang sabay hawak sa braso ko. Nagulat din naman ako kasi namang nanghihila ang gago.
Nang dahil sa paglalakad narating naman namin ang isang Mall. Doon kami naghanap ng pagkain at kung ano ano. Take note hila hila niya pa rin ako. Hanggang sa makalabas kami hawak niya pa rin ang braso ko kaya nakakahiya kasi mukhang may utang ako sa kanya eh. Baka yun ang iniisip ng mga tao dito.
"Ayy kain mo muna tayo. Tara don tayo, Ghospel" hays salamat naman naisipan niya din.
Hinila na naman niya ako sa isang bench sa ilalim ng puting ilaw. Oo ilaw wag kayong ano. Alas singko na kasi at medyo madilim na dito. Kinuha ko nalang ang binibigay niyang pagkain sa akin kasi nagugutom na ako sa kakalakad namin.
Napatingin naman ako sa katabi ko na kumakain din. Masaya naman siyang kasama kahit na lage akong nahihila. Nakakatawa nga eh at medyo nakakainis siya. Nasa tabi niya lang ako nun pero kung magwala siya doon sa Mall akala mo isang batang nawawala. Hinahanap niya kasi ako pero hindi niya daw ako nakikita. So ano? Ako na yung pandak?
(Jacob's POV)
"Mahilig ka ba sa cute things, Ghospel?" Tanong ko sa kanya na ewan kung saan ko napulot yung tanong.
"Oo naman, Jay. Ikaw?" Sagot niya na ikinatigil ko na naman. Ewan kung saan? Sa sagot ba niya o sa pagtawag niya sa akin ng Jay. Endearment ba yun?
Nga pala ikwento ko sa inyo ito ah. Nasa kalagitnaan ako ng pagliligo nung tumawag sa akin si Paolo. Na-usap naman kami pero biglang nawala yun tapos may narinig akong boses. Hindi ko naman alam na si Ghospel pala iyon. Nagtataka nga ako eh kung bakiy pinapunta ako ni Paolo tapos magkasama naman pala sila. Hays loko talaga ang lalaking yun. Dahil sa binulong niya ako yung nabatukan.
"Hindi masyado" tumango naman siya. Matapos namin kumain ay nagsimula na naman kaming maglakad.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ko na naman. Hindi siya sumagot kaya napahiya ako at napanguso nalang. Deadma kasi eh ang shaaaaaaakit.
Napatingin naman ako sa tinitignan niya. Sa isang shop pala na puno ng mga cute na cute na bagay. Oo nga pala mahilig siya sa ganito. Napangiti ko nag ako naman nh hilahin niya papasok doon. Marame ang costumer. Ang karamihan ay babae. Tumigil ako sa pagtingin tingin sa paligid nang huminto si Ghospel at may kinuha. Nilagay niya sa leeg ang choker ata yun? Ewan iba kasi ang design eh.
"Bagay ba?" Bagay naman sa kanya pero may kulang eh. May kinuha akong isang hairpin na nagustuhan ko kanina lang. Nilagay ko yun sa buhok niya.
Nang tignan ko ulit siya. Napalunok ako at napahawak sa tenga ko sabay napayuko.
"Yan? Maganda ba, Jay?" Tanong niya ulit. Muli ay tumingin ako sa mukha niya. Ang ganda niya ag sobrang cutem bagay na bagay sa kulay ng mata niya na kulay kape.
"Oo bagay sa iyo at--- at ang ganda--- mo" binulong ko lang ang 'mo' dahil nakakailang. Ngumito naman siya at tumango.
************
Ayieeut ang cuteeee nila!
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Novela JuvenilMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!