TADHANA 6 - TRAHEDYA

112 5 2
                                    

VIVOREE'S POV

Pagkalabas ko, nakita kong nakahandusay siya sa sahig at parang wala siyang malay. Oh my God! What happened to her? Agad akong lumapit sa kanya at tinignan ang pulsuhan niya. B-buhay siya, hindi pa siya patay! Malamang Niña, tumitibok pa ang puso niya.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KAME!" sigaw ko para humingi ng tulong. Ilang saglit lang ay nakita ko naman na lumabas mula sa pintuan si Charles.

"A-anong nangyari dito?" takang tanong niya at lumapit siya samin.

"Hindi ko alam. Basta nakita ko nalang siyang walang malay na nakahiga dito. Tulungan mo ako, dalhin natin siya sa ospital!" mukhang may kinuha siya mula sa bulsa niya.

"Here's my car key. Buksan mo yung kotse ko, ako na magbubuhat sa kanya." sabi niya sabay abot sakin ng susi niya.

"S-sige." kinuha ko naman sa kanya yung susi ng sasakyan niya at dali-dali akong pumunta sa labas. Nakita ko naman agad ang kotse niya na nakapark sa tapat ng gate. Agad akong lumapit dito at binuksan ang pinto. Natanaw ko naman si Charles na buhat-buhat na si Marianne.

"Pumasok ka na sa loob." agad ko namang sinunod ang utos niya at saka niya inihiga si Marianne sa tabi ko. Pumasok narin si Charles at agad na pinaandar ang kotse.

"Marianne, please wag kang matutulog. Wag ka pang mamamatay. Please. Pag namatay ka talaga, papatayin kita sige ka." naiiyak na sabi ko kay Marianne na dahan-dahang kinukurap ang mga mata niya. Napangiti naman siya.

"O, ano pang nginingiti mo diyan? Hindi ako nagbibiro Maria ahh." nakita ko naman sa rear-view mirror na napangiti si Charles.

"Bilisan mo na please." pakiusap ko sa kanya nang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Napawi naman ang ngiti sa labi niya at agad na binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

••••••••

We arrived at the hospital in less than an hour. Agad namang pumasok sa loob si Charles para humingi ng assistance. Dumating naman agad ang mga nurse at inihiga nila sa stretcher si Marianne. Nakasunod lang kami sa kanila habang tinutulak ng mga nurse si Marianne. Hanggang sa nanatili nalang kaming dalawa ni Charles sa labas ng ER dahil pinagbawalan kaming pumasok.

Nagpalakad-lakad ako sa labas ng ER. Kinakabahan ako. Nagulat naman ako dahil bigla akong hinawakan ni Charles sa magkabilang balikat ko at pinaharap ako sa kanya.

"Hey, mahihilo ka lang. Maupo ka muna dito. Everything is going to be okay." sabi niya nang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako." sabi ko naman at naramdaman ko na may namumuong luha sa gilid ng mata ko kaya agad ko itong pinahid.

"Kalma ka lang. Okay?"

"Paano ako kakalma kung nag-aagaw buhay yung kaibigan ko. Hindi ko---" nanlaki ang mga mata ko dahil bigla niya akong niyakap.

"I understand you. Mahirap talagang mawalan ng mahal sa buhay." sabi niya nang nakayakap parin sa akin. Bakas sa boses niya ang lungkot. Ilang sandali pa ay kumalas din siya sa pagkakayakap sakin.

"I'm sorry kung nagulat kita. My mom told me kasi na the best way to comfort someone is by giving them a hug." sabi pa niya nang nakangiti. Lagi niyang binabanggit ang mama niya sa tuwing nagsasalita siya. Baka close talaga sila ng mama niya. Ilang sandali lang ay lumabas na mula sa ER ang doctor na tumingin kay Marianne. Lumapit naman ito sa amin.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon