Hahahaha! Sorry eto na Kathleen
CHAPTER 2
*Kaycee’s POV
Dahil wala akong magawa at sobrang bored ko magpapakilala nalang ako sa inyo.
Hi! Ako nga pala si Kaycee Garcia, KC nalang for short HAHAHAAHAHA. Anyways, kilala ako sa University, bakit? Bakit ba, bawal na ba? Salutatorian ako nung elem and hs, 3rd year college sa LUB BS Phsycology. Mataray daw ako, masungit daw, playgirl, palaaway, lahat na ata ng negative nasa akin na, pati sa bahay ako ang masamang damo. Bakit? Kasi sa school lagi akong 2nd. Kaya ayun, lagi akong pinapagalitan ni Mom and Dad, ang taas daw kasi ng expectation nila sa akin tapos 2nd lang. Lahat ginawa ko para lang ma 1st ako sa school, nag volleyball ako kahit di ako marunong, sumali ako sa mga clubs, as in pero kulang pa rin. Kaya ayun, nagloko ako, naghanap ako ng mga kaibigan para naman sumaya ako kahit papaano, nagboyfriend din ako at yun si Nathan, siya ang nagturo sa aking maging mabait sa iba dahil hindi daw nila ako irerespeto kung masama daw ang ugali ko, nakakahiya daw yon. Masaya naman ako kay Nathan pero parang may kulang na something at ewan ko kung ano yun. Tama na nga, okay na yang pagpapakilala ko.
*KRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIING
(Cafeteria)
Dito kami nakaupo sa may pink na table na ginawa lang talaga para sa aming grupo, pero may blue din Yung upuan, syempre para sa nagiisang prinsipe ng buhay ko, si Nathan, pero wala siya ngayon nasa training nag ttrain. Psh. I miss him already! Napatigil ako sa kakangiti ng kausapin ako ni Nikki.
“Girl, ano ba yang nginingiti mo, ang creepy ha.” Nikki, siya talaga yung pinaka bestfriend ko sa group namin kasi siya lagi yung nakakasama ko sa mga kalokohan ko eh.
“Eh bat ba ang pakielamera mo?” sabi ko. Sanay na rin naman silang sinusungitan ko sila.
“Girl, nakikita mo ba si Dyllan yun sa pang apat na table from us?” Nikki
“Oo naman no, di pa naman ako bulag para hindi ko siya makita.” sabay irap ko
“WhatevsAlam mo bang, nakatitig lang siya sayo kanina! Kyaaaaaah! Gumwapo siya ha. ERMERGED.”
Nikki.
“Duh. Loyal ako kay Nathan simula 1st year palang tayo diba? Eh ano kung gwapo siya, mahal ko ba
siya? Hindi naman diba? Kaya kumain nalang tayo.” sabi ko na nakapagpatahimik naman sa kanya.
Dyllan Trinidad. Simula elem kami magkalaban na kami sa top, kaya nga salutatorian lang ako diba kasi
Siya yung Valedictorian. Tsk. If I know ginagamit lang niya ang itsura niya para pumasa. Gwapo naman
Siya di ko nga lang type. Crush ko siya dati kaso nadala nung inggit ko sa kanya, lahat ng attention ng
teaches nasa kanya, ng classmates ko sa kanya din, puri dito puri doon. Kaya simula noon, gusto siyang
unahan, kaya nagaral ako ng mabuti pero wala pa rin ehh magaling talaga si Dyllan. Pero ngayon, alam
kong ako ang mananalo sa larong sinimulan ko.
“Girls, what if pagtripan ko si Dyllan. Pero syempre hindi niya dapat alam na trip lang yon, tapos pag
tuluyan na siyang nafall sa akin, VIOLA! Asang-asa siya.” Sabi ko sa kanilang dalawa. Ganito talaga
ako, pag may gusting mapagtripan, pagttripan ko. Di nila alam na kilala ko si Dy.
“Good idea girl. Earth to Shela!” Nikki
“Whatever.” Shela. Siya yung mabait sa amin sa grupo actually silang dalawa ni Nathan, di siya sumasali
sa mga kalokohan namin, pinagsasabihan niya kami pero hindi namin pinakikinggan. Hindi siya
nagsasabi ng mga secrets niya, hindi ko nga alam crush niyan ehh. Sus, anyways.
“Pero shhh lang tayo kay Nathan ha?” pabulong kong sabi
“Yass. Excited na ko!” tili ni Nikki.
“Punta na ko sa next class ko. Bye girls!” nagmamadaling sabi ni Shela hay nako.
Humanda ka Dyllan sa charms ko, siguradong ako ngayon ang mananalo. Alam kong wala pa siyang
nagging girlfriend, wala atang crush yung mokong ehh. Bwahaha. Bukas na bukas sisimulan ko
na yung plano ko kay Dyllan.