//Drex
Hindi ko pa nga nabubuksan yung letter na yun ay nagulat ako dahil may biglang humablot nung letter. Nagulat din ako dahil nabasa ako ng tubig na nabuga sakin ni Rhian.
"Whaa ! Akin nayan" sabay hablot nung papel sakin ni Rhian at nilagay ni sa bulsa niya yung papel. Ano kaya yung papel na yun ?
"Ano ba ? Kanina lang pinahiya mo ako sa mga estudyante ngayon naman binugahan mo ako ng tubig. Ano bang problema mo ?!" pasigaw kong sabi kay Rhian. Punong puno na kasi ako sa ugali niya.
"S-sorry, hindi ko sinasadya" malungkot na sagot ni Rhian.
"Sorry ? May magagawa ba yung sorry mo para matuyo yung damit ko ?!" hay ! nakakainis. Kulung kulo na yung dugo ko sakanya.
"Sorry, hindi ko talaga sinasadya."
"Ngayon ko lang napansin na hindi ka pala mabait. Nasa loob pala yang kulo mo Rhian. Bakit mo ito ginagawa sakin ? Gumaganti ka ba ?" ngayon ko lang napansin na ang daming tao dito. Narinig kong pinaguusapan nila si Rhian.
"Haha, Buti nga sayo !"
"Bagay lang sayo yan Rhian !"
"Yan kasi, Ang landilandi !"
"Yan ang napapala ng mga taong Plastik !"
Nakita ko yung expression ni Rhian, gulat na gulat siya sa mga pinagsasabi sa kaniya nung mga students.
"Buti nalang may Bagyo ngayon, humanda ka Rhian sa paglutang mo, PLASTIK !" pahabol ko pa, sabay walk out. Pakitang tao lang pala siya. Bwiset !.
Kaya pala ang damimg estudyante dun kanina kasi Dismissal na. Dumiretso na ako sa bahay, gusto ko pa sanang pumunta sa library para magbasa kaso nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari.
Naglakad lang ako pauwi. Si daddy kasi ayaw akong bigyan ng kotse kasi daw gagamitin ko lang sa galaan o kaya sa mga trip ng barkada. Isa pa may kondisyon sakin si Papa para magka-kotse ako. Bibigyan daw niya ako kapag nagkagirlfriend na ako. Eh ayoko pa nga kaya tiis tiis muna.
Napagod ako kakalad. Dati kasi lagi kong kasama sila Alvin at Chris. Eh this past few weeks si Rhian ang kasama ko at kakulitan kaya hindi ko masyadong ramdam ang pagod. Eh ngayon war kami. Kaya mag isa muna ako.
Sus ! sa wakas nakarating na rin ako sa bahay. Pumasok na ako. Nagbless ako kay Mama at umakyat na ako sa kwarto ko.
Nagpalit na ako ng damit at humiga para makapagpahinga na. Napapikit ako ng konti. Maiiglip na sana ako kaso biglang nagring yung iPhone ko. Sino naman kaya ang lintik na tumatawag na ito. Istorbo !
Tinignan ko kung sino yun. Buti nalang hindi ko nasagot. Ano nanaman kaya ang kailangan ng Gorilyang ito ?
Hindi ko sinagot yung tawag. Hinayaan ko lang siya na mag ring. Galit pa ako sakanya bahala siya. Nawala tuloy yung antok ko.
Buti na lang natapos na sa pag ring yung phone ko. Wala akong magawa kaya naglaro nalang ako sa iPad ko.
Napagod ako kakapindot dito. Konti nalang malapit ng mag isang libo ang score ko sa Piano Tiles. Hayan na, eto na, malapit na, 999 na, Last nal----.
Ring ! Ring ! Ring !
Grr. Nakakainis talaga itong si Rhian kahit kailan. isa nalang mag iisang libo na naging bato pa. Tsk. Bakit ba kasi siya tumatawag ? Ano bang kailangan niya ?
Sa sobrang inis ko, pinatay ko yung tawag. Biruin mo, yung pinaghirapan ko sinira niya. Nakakainis talaga siya ! Haisxt !
Maya maya pa tumawag ulit siya. Hindi ko nalang pinansin. Hinayaan ko nalang na mag ring. War kami kaya wala akong paki sakanya.
Ilang beses pa ulit siyang tumawag, pero sorry to say, hindi ko parin yun sasagutin. Ilang beses ko ng inignore yung tawag niya pero hindi parin siya tumitigil sa pagtawag. 37 missed Call na.
Kailan kaya siya titigil sa pagtawag ? Panigirado naman akong mangiinis lang siya. Rinding rindi na ako sa kakatunog ng ringtone ko pero eto, pilit parin siyang tumawag.
Si-nilent ko nalang yung phone ko para kahit tumunog hindi ko maririnig. Kaso lang automatic magba-vibrate. Haisxt ! At eto ulit, tumatawag nanaman siya. Hindi ko nalang pinansin kaso lang ramdam ko yung pag-vibrate sa kama eh.
Ah ! Alam ko na, para tumigil na talaga siya sa pagtawag papatayin ko nalang yung phone. Pinatay ko na. Humiga na lang ako kasi medyo napagod din ako sa pag upo. Nakaiglip ako.
Ilang oras ang lumipas ay nagising narin ako. Tinignan ko yung time sa iPhone ko kaso lang naalala kong patay nga pala yung phone ko, kaya binuhay ko ulit.
Pagkabuhay ko. Haixst ! Tumatawag nanaman siya. Kakabujay ko pa nga lang eh. Umisip pa ako ng ibang paraan. Aha ! Ang ginawa ko, in-airplane mode ko. Oh diba ! Bakit hindi ko kaagad naisip yun. Oh di wala ng iistorbo sakin. Haha.
END OF POV
-*-*-
to be continued.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Diary
RomantikHindi lahat ng Bad Boy: -Cool -Astig -Walang Problema -Papetiks-petiks lang -At Masaya Sa likod ng Maangas nilang mukha, Ano kayang damdamin ang kanilang tinatago?