15-Worried

4.9K 236 15
                                    

Playful Love 15

"Playboy, my boy!" sigaw ng isa sa mga high school friends ni Grieco nang pumasok siya sa shop ng kaibigan para i-check ang invitations na ipinapagawa niya para sa anniversary ng kanyang mga magulang.

Si Alejandro ang isa sa mga nagmamay-ari ng malalaking computer shops sa buong metropolis at nagbebenta ng mga branded computers and laptops. Iyon ang negosyo ng lalaki nang maka-graduate ng Computer Engineering habang siya naman ay sa UK natapos ng College. Distance never parted them. Buo pa rin ang tropang Playboy at apat silang magkakaibigan doon.

"The invitations, are they done?" agarang tanong niya habang nakatingin sa screen ng cellphone at naghihintay ng reply ni Kisses.

He had saved her number after she passed her resume. Hindi lang niya itinitext ang dalaga dahil baka kung anu-anong kalokohan lang ang masabi niya but a while back, he was forced to text her. He's worried.

She's beautiful and some men may look at her with obscene thoughts. Napakaikli pa naman ng skirt ni Kisses at kaunting tuwad lang ay kita na ang pwet. He knows his prority and it's Candice. Kaya nga hindi na siya nagpumilit na maihatid pa si Kisses sa Polytechic dahil nagpasama si Candice sa salon. Nagpaalam lang siya na sasaglit muna sa kaibigan niya pero binuntuan pa rin siya ng inaanak niya na si Axl. Bantay sarado ito sa kanya pero hindi na lang niya pinapansin dahil ang akala nito ay sila ni Candice ang magpapakasal sa hinaharap.

"Atat ka, kapatid. Come onand check one. Printing na lang ang kulang. I was about to call you but here you are...and you're guarded. No pussy pounding for sure." natatawang sabi ni Al sa kanya kaya sumulyap siya sa bata na hawak niya sa kamay.

"No pussy pounding. Babawi ako kapag wala na." he winks at his best friend.

Tumawa lang ito at iginiya sila papunta sa private office ng lalaki.

Iniharap kaaagad nito sa kanya ang MacBook at ipinakita ang layout ng invitation.

Unang tingin pa lang ay gusto na niya. Match ang kulay niyon sa motif ng anniversary na red and black, black for men and red for women. Pula rin kasi ang wedding gown ng Mamá niya.

"It's perfect." tiningnan niya ang mga pangalan ng mga special guests at tama naman ang mga spelling. Tama rin ang venue at ang oras, ang pangalan ng Parish church kung saan ang ama-amahan ni Macy ang magkakasal ulit sa mga magulang niya.

He felt excited as he stared at his perfect parents. Nothing changed between the two love birds. Mahal na mahal pa rin ng Papá nila ang ina nila at lahat silang magkakapatid ay idolo ang kanilang ama pagdating sa pagmamahal sa babae. Hindi sila lumihis ng landas sa ugali ng isang de la Cueva dahil babaero ring di hamak ang ama niya noon, kwento ng kanyang Mamá pero napaluhod sa babae nang mabuntis nang wala sa oras si Margarita at itatakas ang panaganay kung hindi raw titino.

Marriage was his father's proposal and his mother accepted it with a little doubt but now their love story turned so perfect.

"Babalikan ko mamaya lahat, kapatid. Ribbon is silver and so as the envelope." aniya rito.

"No biggies. Nakahanda na ang manpower ko sa paglagay ng 500 invitations sa sobre. I divided them by 10 and I would need 50 persons to fix them."

Napangiti siya at umiling. "Bilib talaga ako. Iba talaga ang galawang babaero." biro niya sa kaibigan at sabay silang nagkatawanan.

"Leave three for you and the gang."

"Talaga. Mag-o-over the bakod kami kapag nakalimutan mo kaming bigyan."

Eco chuckled remembering their high school lives. Sabay-sabay silang tumatakas para lang manigarilyo sa labas ng eskwelahan at magliwaliw kung saan-saan. Palibhasa ay magaling na siyang magmaneho kahit na onse pa lang siya kaya kahit na sundan sila ng mobile gwardiya ng University ay hindi sa kanya umuubra.

My Playful Love✔️(Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon