#HemyFatherandI
ISIAH'S POV
Habang nasa supermarket kami ni Steven ay may nakasalubong kaming di namin inaasahan, mga taong ayaw ko na sana pang makita. Pero dahil na rin seguro si tadhana ay mahilig mag laro, wala akong magagawa kundi harapin ang mga bagay na ayaw ko na sanang harapin."Abay tignan mo nga naman kung sino ang naririto?" Ani ng kabet ni papa
Napatingin lang ako sa kabet na walang ibang ginawa kundi ang 'di nadadala sa kahihiyan, pero parang gusto kong sapakin na lang ang ingrata na 'to, 'yong sapak na 'di na siya gigising pa.
"Ba't naririto ka?"
Sasagutin na sana siya ni Steven pero pinigilan ko siya, 'di na lang din umimik si Steven. Tinitigan ko muna ang lalaki na nasa harap ko, ang lalaki na kinalimutan ko na. Halos 'di niya ako matitigan, kaya naman binalik ko ang tingin sa kabet.
"Talagang 'di ka nadadala noh? Uunahan mo nanaman ako? Alam mong 'di ako mabait na tao, pinapahiya ko ang sino mang mambabastos sa'kin." Wika ko sa kanyang nakangiti na may inis. "At teka? Pag-aari mo ba 'tong supermarket na 'to? At kung makatanong ka wagas? Hindi ka talaga nagbabagong inggrata ka."
"Tama na 'yan! Sino ka para sagutin ang Stepmom mo?"
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa papa ko... Ano daw? Step mom ko? Parang gusto kong matawa na mainis.
"Stepmom ko?" Tanong ko na sinabayan ko pa ng pagtawa. "A-ano 'to? Joke?"
Wika ko na masamang ikinatingin ng papa ko sa akin.
"Ba't 'di mo siya matanggap bilang bago mong---"
"Dahil ayaw ko"
Mahina ngunit may diin kong wika sa papa ko, dahilan para 'di niya matapos ang sanay sasabihin. Seryoso ba siya? Bagong mommy ko? Tinitigan ako ni papa ng masama ngunit nilabanan ko ang mga titig niyang iyon.
"Isa lang ang mommy ko, at 'tong imoral na 'to 'di ko matatanggap bilang ina ko! At 'di ba sabi ko sa inyo kalimutan n'yo na ako?"
"Igalang mo ang papa mo!!"
Sigaw ng kabet na ikinangisi ko ng nakakaloko. Igalang daw, ano ba ang alam niya sa salitang paggalang? Ni siya sa sarili niya hindi niya alam at hindi niya ginalang ang mama ko.
"Igalang!?" Pabalik na sigaw ko sa kanya dahilan para mapalingon na sa' min ang ibang nasa supermarket. Naramdaman ko na hinawakan ako ni Steven sa balikat ko, pero 'di ako nagpapapigil, dahil galit na galit talaga ako sa mga oras na 'to. "Anong alam mo sa salitang paggalang!? Ni mismo ikaw sa sarili mo 'di mo alam pa'no igalang! At 'wag mo 'ko uutusang gawin 'yon... Kabet!"
"Tama na sabi!" Sigaw ni papa sabay sampal sa akin.
Natahimik ang buong market, pati si Steven ay nagulat din sa lakas nang pagkakasampal ng papa ko sa'kin.
"Anong ginagawa mo?!"
Mahina pero mariing tanong ni Steven kay papa ko. Nilingon siya ni papa na may gulat sa mukha, seguro kanina 'di niya napansin si Steven.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...