PROLOGUE
Amanda's Point of View
"I'm on my way to your house. Please tell me nakaligo ka na."
"Tanya naman. Ano ako? Teenager? Syempre naligo na ko," natatawa kong sagot kay Tanya na nasa kabilang linya habang pumipili ako ng damit na susuotin ko para mamaya.
"Kilala kita. Nung pinanganak ka 'don ata nauso 'yong Last Minute Shower," parehas kaming natawa sa sinabi niya. Well, I couldn't agree more. Totoo naman. Kapag may mga lakad kaming magkakaibigan, madalas ako 'yong late. Papunta na sila, naliligo pa lang ako.
"Sige na at magbibihis pa ko."
"'Wag ka masyadong magpaganda, ha? Baka ma-in love na naman sa'yo si—" hindi ko na pinatuloy sa kanya 'yong sasabihin niya at agad na akong nagpaalam sa kanya at binaba 'yong tawag.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko tuwing maririnig ko 'yong pangalan niya. Saya, kilig, excitement, lungkot o pagsisisi.
Hindi ko rin alam kung handa na ba akong makita siya matapos ang mahigit na tatlong taon. Gusto ko siyang kumustahin pero alam ko na mas makabubuti sa'ming dalawa na 'wag nang mag-usap.
Tatlong taon na ang nakalipas at ngayon lang kami magkikita muli. Shit. Kinakabahan ako. Anong sasabihin ko sa kanya? 'Wag ko na lang kaya siyang pansinin mamaya sa reunion? Argh! Bahala na.
Pinili ko 'yong army green na long sleeves saka ko sinuot kasama 'yong jeans. Kinuha ko rin 'yong birkenstock na white. Hindi na ako nagsuot ng masyadong formal dahil mga kaibigan ko naman halos lahat ng nandoon sa reunion. Simpleng reunion lang naman 'yon kaya hindi na kailangang magsuot ng bongga.
It's our class' 7th anniversary. Seven years mula noong nagkahiwa-hiwalay kami para tahakin 'yong gusto naming course sa college. This is our 2nd reunion. 'Yong first reunion namin ay nangyari 5 years ago pa. Wala akong problema noong unang reunion naming dahil we're still together.
After 15 minutes, tumawag sa'kin si Tanya na nasa parking lot na raw kaya lumabas na agad ako sa condo ko. Ayaw pa naman niya na pinaghihintay siay nang matagal. Actually, pwede naman na mag-isa akong pumunta 'don dahil may sasakyan naman ako. Itong si Tanya lang talaga nag-aya na sabay na kaming pumunta dahil nahihiya daw siya. Nagulat pa ko nang sabihin niya na nahihiya siya. Parang wala kasi 'yon sa vocabulary niya.
"Amanda!" muntik na ko mapatalon sa gulat nang may sumigaw ng pangalan ko. Jusko. I know that voice. Lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na 'yon at nakita ko si Christian na nakadungaw sa bintana ng sasakyan ni Tanya.
Nakangiti akong naglakad papunta sa kanila saka ko pinalo nang mahina si Christian.
"Christian! Bakla ka. Bakit 'di mo sinabi na uuwi ka? Akala ko next year ka pa babalik dito," hinampas-hampas ko siya habang iniiwas naman niya 'yong mukha niya sa kamay ko.
"Girl ano ba? Alam kong bakla ako and please don't call me Christian. Call me Chris, okay? Tsaka sabi mo you like surprises, 'di ba? Surprise!" tinawanan lang namin siya ni Tanya. Wala pa rin siyang pinagbago mula 'nong high school kami. Hay. Na-miss ko siya nang sobra.
Sumakay na ako sa likod saka nagmadaling pumunta si Tanya papunta sa resort. Doon kasi 'yong venue ng reunion namin since 'yong kaklase naman naming 'yong may-ari. 5:00PM 'yong usapan na magkikita doon pero halos mag-aalasais na kaya nagmamadali na si Tanya. Aba! Hindi ko kasalanan na late siya dumating sa condo ko.
Hindi naman kalayuan 'yong resort mula sa condo ko. Mga 6:15PM siguro nandoon na kami.
Buong biyahe nag-kukwento si Christian tungkol sa buhay niya sa Canada. Simula kasi 'nong graduation naming 'nong high school, 'don na siya tumira and doon na rin siya nakakuha ng trabaho. Bihira lang siya bumalik dito sa Pilipinas kaya sobrang na-miss ko siya.

BINABASA MO ANG
Torn Apart
Teen Fiction"Maybe happy-ever-after doesn't apply to us all. Torn Apart Written by: MissYejin